Chapter 9

9K 248 2
                                    

SHE was still blushing hard until now. Ang gago kasi ni Damien Jovanni Cabriga! Kung anu-ano ang pinagsasabi. Mas nakakaadik raw ang halik niya kaysa sa sigarilyo? Sakalin ko ngala ngala niya eh. Ang kapal ng mukha.

Nginitian niya si Tiffany. "We're going now. Damien's a bit busy today."

"Ingat, Gandang Kenna!" nakangiting kinawayan siya nito.

Agad naman na hinawakan ni Damien ang kamay niya. Binitawan niya iyon at nauna nang naglakad. Naiinis pa rin kasi siya rito. Weh? Heh! Payn! Natatakot kasi siyang marinig nito ang malakas na tibok ng puso niya.

"Kenna!" narinig niyang tawag nito sa kanya.

Hindi niya ito pinansin at mas binilisan pa ang lakad niya. Manigas ka diyan! Kenna mo mukha mo.

"Naveen!" tawag uli neto. Neknek mo!

Bakit nga ba uli ako nagagalit sa kanya? Oo nga. Bakit nga ba uli? she slowed down walking. Napakunot noo siya. Bakit nga ba?

Nagulat siya nang maramdamang may mga brasong pumalibot sa mga baywang niya. "Baby.."

Napalunok siya. Naramdaman nanaman kasi niya ang kakaibang dagundong ng puso niya. Shit! Ano bang nangyayari sa akin?

"I'm sorry." mahinang anas nito.

She sighed. Hinarap niya ito. "Bakit ka ba nagso-sorry?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.

"Bakit mo ako iniwan? May nagawa ba akong mali?" seryosong tumitig ito sa mga mata niya.

Napapikit siya. "Wala.. it's just.. I don't know.."

Naramdaman niyang niyakap siya nito. Napatingala siya rito. "Hay.. akala ko naman nagalit ka sa akin." nakangiting sabi nito.

She pouted. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Ikaw talaga. Pinakaba mo ako, baby." nakangiting hinalikan nito ang noo niya.

She held out her hand and he took it and intertwined with his. "Wag kang bibitaw ah." makahulugang tinitigan siya nito.

Ngumiti siya at tumango. "I won't."

MAAGA pa lang ay pumunta na siya sa bahay ni Naveen para magluto. Tapos na rin kasi ang kanyang morning jogging at nakaligo na rin naman siya. Alas siyete pa lang ay tapos na niyang lutuin ang almusal nito. Nakapagpainit na rin siya ng tubig sa cofee maker nito.

Should I wake the dragon up or nah? Yes?

Dahan dahan siyang umakyat sa kwarto nito. Kumatok siya sa pintuan ng apat na beses. Usually kasi ay seven pa lang ay nakaligo na ito. Baka naman naliligo pa lang? Kumatok siya uli pero wala siyang narinig. Baka naman may masama nang nangyari sa kanya?

Binuksan niya ang pintuan at nakitang nakahiga pa rin ito sa kama nito. Namula ang buong mukha niya nang nakitang naka-underwear lang ito. Agad niyang isinara ang pintuan ng kwarto nito. Walang biro ang sexy niya pala talaga.. ang ganda at ang kinis ng balat niya. Ang aga aga.. may second flag ceremony na kagad ako. Bakit ba kasi ang sexy ni Kenna Naveen? Tsk. Makauwi nga muna at makaligo uli.

Nagulat siya nang bumukas ang pinto sa likod niya. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya.

"Damien? What are you doing?" her bedroom voice is so damn sexy.

He cleared his throat. "Ah.. gigisingin sana kita."

"Ah.. gising naman na ako.. halos hindi kasi ako nakatulog.. Kumain ka na?" tanong nito sa kanya.

"Hindi pa." pinagpapawisan na siya kung anu-ano kasing kamunduhan ang naiisip niya.

"Kinakausap mo ba ang pader o ako?" mataray na wika nito.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon