Chapter 10

8.7K 273 12
                                    

NAGISING si Damien sa mahinang pagtunog ng cellphone niya. Tiningnan niya ang oras. Mahigit dalawang oras rin pala siyang nakatulog. It was his Lolo calling.

"Hello?" napahikab na sagot niya sa kabilang linya.

Tiningnan niya si Naveen na nakayakap sa kanya. Napangiti siya. She looks so cute hugging him like that. Nakapatong ang ulo nito sa dibdib niya, ang kamay naman nito ay nakayakap sa baywang niya at ang isa namang binti nito ay nakapulupot sa mga binti niya. Hinalikan niya ang noo nito. I wouldn't mind waking up to this sight everyday.

"Apo! Kanina pa kita tinatawagan. Hindi ka raw pumasok sa opisina. May sakit ka ba?" nagaalalang tanong nito.

She shifted in her position. "Damien.." she almost moaned his name. Napalunok siya. He cleared his throat. Meron kasi nagigising. Flag ceremony nanaman.

"Damien? Apo?" pukaw sa kanya ng Lolo niya.

She groaned. "Ang tigas mo." she half sleepily rubbed her cheeks. Oo, mayamaya lang kapag hindi ka tumigil diyan! He knows that she's referring to his chest pero iba talaga ang pagtugon ng katawan niya.

Naubo ang Lolo niya sa kabilang linya. "Apo?"

"Ahm.. Y-Yes, Lo?" masakit na kasi ang ano niya.

"Hay jusko! Akala ko may sakit ka. Kailan ka ba uuwi rito? Sino yang kasama mo?"

"Damien.." kinuha nito ang kamay niya at pinakamot ang likod nito sa kanya. Yun kasi ang pampatulog nito. "Dahan dahan lang." she hissed.

"Ano yan, Eulo?! Sino yan ha?!" narinig niyang wika ng Lola niya sa kabilang linya.

"I was calling our apo pero puro ungol lang ang naririnig ko." sabi pa ng Lolo niya.

"Si Damien?"

"Oo."

"Si Kenna kaya ang kasama niya?"

"Kenna?"

"Oo. Yung sumagot ng telepono niya nung nakaraan."

"Ah.. sayang may Kenna rin akong kilala. Yung apo ni Emmanuel. Ang gandang bata."

He sighed. "Lolo.. I'll visit you soon, okay? May emergency lang today."

"Emergency? Puro ungol lang ang naririnig ko, apo."

"I was sleeping po." defensive niyang sabi.

"Damien! Ano ba! Wala na bang ibibilis yan?" inis na wika ni Naveen. He sighed. Halikan kita riyan eh. Mas binilisan niya ang pagkamot sa likod nito.

Napasinghap ang nasa kabilang linya. "Damien apo. Galingan mo. Gusto ko nang magka-apo!" pinatay na ng Lolo niya ang linya. He sighed heavily. Bakit ba kasi lahat ng lumalabas sa bibig ni Naveen ay may double meaning?

Tiningnan niya ito. She was sleeping peacefully again. He sighed heavily. Naku ka talaga, Naveen! Anakan kita riyan para wala kang regla ng siyam na buwan. Dumapa siya sa kama para itago ang naghuhumindik niyang alaga. He kept his eyes shut and kept repeating a mantra on his head. Nang medyo kumalma na siya ay marahang hinalikan niya ang buhok ni Naveen. "I'll be back.. ligo lang ako."

PAGKATAPOS maligo ay agad din siyang nagbihis. Nag-sando at shorts lang siya. Baka maging dragona nanaman kasi si Naveen. Kumalam ang sikmura niya nang maamoy ang napakasarap na samyo ng butter at garlic. Pagbaba niya ay nagulat siya nang makitang nagluluto si Naveen sa kitchen niya. Basa ang buhok nito at iba na ang suot nito. Naka-light pink shorts ito na may nakalagay na PINK sa may pwet at naka-simpleng puting t-shirt lang. Tiningnan niya ang paa nito at napangiti. Lagi kasi itong naka-paa. Nakita niya ring umuusok ang rice cooker niya. She really knows how to cook huh?

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now