Chapter 5

74 17 6
                                    


Katatapos lang ng last subject namin at busy ako sa pagliligpit ng gamit ko ng biglang lumapit sa akin si Skipper.

"Janine, nasa labas na si Hiro at hinihintay ka ata" may halong panunuksong sabi niya, tumingin ako sa labas at nakitang nandoon na nga si Hiro, I can't help but smile.

"I'm almost done" binilisan ko ang pag-aayos sa gamit ko.Manonood kasi kami ng practice ni Hiro, problemado rin nga ako kung paano ako makakatakas sa kanila para pumuntang bandroom.

"Is it okay kung hindi ako makakasama sa inyo?Tutulungan ko kasi si Mom para sa paghahanda sa birthday ko. Alam mo naman" tumango ako kay Skipper habang naglalakad na kami. Gusto kasi ni Tita na engrande ang birthday niya pero ayaw niya at papayag lang si Tita sa gusto niya kung tutulong siya sa pagprepare ng 'simpleng' party.

"Oo naman, malaki na rin naman ako at hindi ko na kailangan ng kasama" idinaan muna namin ni Hiro si Skipper sa parking lot bago kami dumiretso sa Gym.

Napatingin ako sa relo ko, it's already 4:30 pm, ang band practice ay 5 at hindi ako pwedeng malate dahil first practice ko ito. Tinignan ko si Hiro na nagbabasketball, napatingin siya sa akin at kinindatan pa ako. Napailing nalang ako sa kanya habang pinipigilang wag ngumiti.

Nang mag-break sila ay nilapitan ko na si Hiro para magpaalam na uuwi na ako, kahit ang totoo naman ay pupunta lang ako sa bandroom, alam ko kasing mamaya pa sila matatapos at kung matatapos naman sila agad ay siguradong hindi ako makakatakas kay Hiro.

"Gusto mo bang ihatid kita sa parking lot?" Nanlaki ang mata ko sa offer niya at umiling iling at winagayway pa ang mga kamay ko, saying na hindi na kailangan.

"Kaya ko namang mag-isa"

"No, I insist" bago pa ako makahindi ulit ay tumakbo na siya palapit sa coach niya para magpaalam, tumingin muna sa akin ito bago tumango sa kanya,mukhang pinayagan siya na umalis muna.Pagbalik niya sa pwesto ko ay kinuha niya agad ang bag ko at hinawakan ang kamay ko.Kung hindi lang talaga ako pre-occupied sa pag-iisip ng paraan para makatakas ay siguradong kinilig na ako.

Pagdating namin sa parking lot ay hinintay ko siyang umalis na pero nakatayo pa rin siya sa harap ko

"Uh baka hinahanap ka na dun" I tried to make it sound like na hindi ko siya tinataboy while silently praying na sana bumalik na siya sa gym para makapractice na ako,it's almost 5 o'clock.

"Pumasok ka muna sa kotse, hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikitang maayos na bumabyahe ka na" nakangiti niyang sabi and I swear I almost melt, parang gusto ko nalang siyang halikan sa sobrang sweet niya sa akin.

"Ok, bye see you tomorrow" I was about to enter the car when he suddenly pulled me and kissed me on the cheek, just like what he did the other day,pero di tulad nakaraan nanatili siya sa harap ko at sinenyasan pa akong sumakay na. I nod at him and gave him a smile before I entered the car.

Nothing In Between (BlackStar #1)Where stories live. Discover now