Chapter 2

104 18 1
                                    

"One song can trigger a special memory"

==================================================================================

"Ito oh magmeryenda muna kayo" napatingala ako kay tita habang nilalagay niya sa maliit na mesa dito sa sala nila Skipper yung hinanda niyang meryenda namin

Sabi ni Tita inimbitahan niya raw si Bryce dito sa kanila para sana tumulong sa paghahanda sa birthday ni Skipper. Nilingon ko yung katabi ni Bryce, ngumiti siya ng nakakaloko nang magtama ang paningin namin kaya umiwas ako kaagad. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kasama pa si Hiro, yan tuloy hindi ako kumportable

Pagkaalis na pagkaalis ni Tita sa sala ay tumayo agad ako at hinarap si Skipper "C-CR lang ako saglit" bago pamakatango si Skipper ay tumalikod agad ako at dumiretso sa CR nila

Pagkapasok ko sa loob ay nilabas ko agad ang phone ko at nag-message kay Hiro

To: Hiro

What are you doing here!?

Inayos ko ang sarili ko habang naghihintay ng reply, mga 10 minuto na siguro pero wala pa rin kaya napagdesisyunan kong lumabas nalang. Bahala na kung anong gagawin ko sa harap nila habang nandoon si Hiro

Pagkalabas ko sa CR ay halos mapasigaw ako sa gulat ng nakita ko si Hiro na nakasandal sa tabi ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko, gusto ko sanang tignan siya ng masama kaso hindi ko kaya kasi naman... arrghh basta.

Ngumiti siya ng sobrang lawak nang makita ang reaksyon ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya kasi feeling ko nasisilaw ako sa ngiti niya, bakit ganun? Imbis na mainis ako parang kinilig pa ako dahil sa ngiti niyang yun. Napailing nalang ako, grabe malala na itong tama ko. Kinalma ko muna yung sarili ko bago siya hinarap

"Bakit ka nandito?" kumalma ka Janine Faith, wag mong ipahalatang affected ka sa presence niya

"Bakit?" tumawa siya ng konti, shet why does it sound like music to my ears?Napapikit ako dahil sa iniisip ko, pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko siyang nakangisi "And besides I didn't know you're going here" napakunot yung noo ko sa sinabi niya

Pinaglololoko niya ba ako? Anong di niya alam eh sinabi ko nga sa kanya nung nagtext siya kanina habang nasa kotse palang kami ni Skipper

"E-ewan ko sayo!" tinalikuran ko siya at naglakad na pabalik sa sala habang siya ay tumatawa habang nakasunod sa akin

I smiled, I can't believe na ang close na namin ngayon. Gusto ko na si Hiro simula palang nung narinig ko siyang kumanta habang nagfafamily dinner kami, grade 6 ako nun at kababalik niya lang rin galing America. Doon kasi siya nag elementary at napag-usapan ng parents niyang dito siya maghighschool, kasama ang Kuya niyang si Bryce. Mas matanda lang sa kanya si Bryce ng isang taon pero magkayear sila kaya ayun sabay sabay kaming naghighschool. Hindi kami close dati kahit bestfriend ko yung Kuya niya kasi tuwing pumupunta kami sa kanila lagi siyang nang-iisnob. Gustong gusto ko talaga siya as in,kaya grabeng saya ko nung nilapitan niya ako nakaraang sem, bago pa kami iniwan ni Bryce. Noong una lagi niya lang ako kinakausap at lagi kaming nagtetext tapos biglang sinusundo niya na ako tuwing end ng bawat class ko. Sabi ko sa kanya wag niya nang gawin yun kasi ayokong makita kami ni Skipper lalo na nung time na galit na galit si Ski kay Bryce. Ayokong madamay si Hiro sa galit niya, pero nagpumilit siya at sinabing susunduin niya nalang ako sa mga klaseng di kami classmate ni Skipper at yun nga ang ginawa niya.

Nothing In Between (BlackStar #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora