Chapter 3

91 16 0
                                    

"It's crazy how people can still be shock after you said something so expected"

==================================================================================

Lumabas agad ako ng band room pagkatapos niyang kumanta. Ayaw ko kasi na makita niya ako dun. Habang naglalakad ako sa hallway ay naiisip ko pa rin yung pagkanta niya, kahit kailan talaga ang ganda ng boses niya. Mabuti nalang ay nagbanda talaga siya, kahit guitarist lang okay na. Grabe ngang tuwa namin ni Skipper noong nag-audition siya at nakapasa. Medyo malayo na kami sa isa't-isa nun nung nagdecide siya, yun rin yung time na naging sila ni Alison. Ang buong akala ko nga ay ako ang nakakumbinsi sa kanya na sumali pero nagkamali ako. Narinig ko na kaya siya sumali ay dahil request yun sa kanya ni Alison. Napangiti na nga lang ako nun, naisip ko na siguro mahal na mahal niya talaga si Alison kasi kahit ayaw niya ay ginawa niya para dito. Pero hindi naman mahalaga kung sino ang dahilan eh, ang mabuti ay nagbanda siya. Ang laki ng naitulong niya sa pagsikat ng banda na yun kasi nga ang gwapo niya at ang lakas niyang makahatak.

Napahinto ako sa paglalakad. Nakantahan niya na kaya si Alison?Narinig na kaya ni Alison yung napakaganda niyang boses?

Sana hindi pa, kahit si Skipper hindi pa siyang naririnig kumanta kaya sana manatiling ako pa lang ang nakaranas nun. Hindi naman ako nagpapaka-selfish pero sa tingin ko kasi connection naming dalawa yun, sa aming dalawa lang. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag may kinantahan siyang iba, malulungkot, magagalit, ewan ko! Basta ayokong may kantahan siya o kahit makarinig lamang na kumanta siya.

Napailing nalang ako sa kaselfish-an ko, maglalakad na sana ako ulit kaso hindi ko nga pala alam kung saan ako pupunta.Nilibot ko yung paningin ko para hanapin si Hiro pero wala na, di ko na siya makita. Sakto naman na biglang nagring ang phone ko kaya sinagot ko ito kaagad nang makita kong si Ski ang tumatawag

"Hello?"

("Anong hello ka jan?Asan ka na, andito na si Hiro sa Gym eh ikaw?")

"Sorry, may tinignan kaso ako eh kaya di ako nakasunod. Gym ba?"

("Oo, bilisan mo pumunta ka na")

Binaba ko ang tawag at nagmadaling pumunta ng gym. Ano naman kasi kaya ang ginagawa nila sa gym?

Pagkarating ko ay nakita ko agad si Ski na kumakaway sa akin pero hindi siya ang nakakuha ng pansin ko kundi si Hiro na naka-jersey at kausap ng coach ng basketball team.Nakakunot ang noo ko nang makarating ako sa pwesto ni Skipper

"Ang tagal mo naman" tinitignan ko pa rin si Hiro na kausap pa rin ang coach. Sa pagkakaalam ko ay hindi siya member ng basketball team, pero bakit siya nandito?Napatingin ako agad kay Skipper at magtanong na sana

"Magsisimula na yung try-out ni Hiro mo,muntik mo nang di makita" napatikom ang bibig ko sa sinabi ni Ski, I guess hindi ko na kailangan pang magtanong. Umupo at tinignan si Hiro na nag-wawarm-up na, napatingin siya kaya nagtama ang paningin namin, nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya. Nagbalik na yung attention niya sa ginagawa niya pero nakatingin pa rin ako sa kanya, hindi ko talaga alam kung bakit naisipan niyang mag try-out. Magaling siya pero kasi sabi niya dati ayaw niya daw sumali sa basketball kasi daw nandun si Bryce at alam niya daw na mas magaling yun sa kanya, nakakapagtaka nga kasi sabi niya ayaw niyang ipagkumpara sila pero bakit ngayon ay sumali siya.

Nothing In Between (BlackStar #1)Where stories live. Discover now