"That's bad, baby ko. You shouldn't roll your eyes on your Ninang. Baka hindi ka bigyan ng pamasko niyan." Pagtuturo ni Jaz sa anak na agad nagpatawa sa akin.

I chuckled as the little girl pondered on her actions. "But Mommy ko, she didn't greet me first." Nagpout ito. "Besides, we have money naman e. I don't need her pamasko."

Lumakas ang tawa naming tatlo sa naging pahayag ni Rena. Seems like we spoiled the girl too much.

"Bastos kang bata ka." Pinisil ni Blythe ang pisngi nito pero nagpumiglas ang bata. "Cute cute mo, Rena." Hindi pa rin nagpatinag si Rena at may kunot pa rin sa noo.

"Tara na. Baka gutom lang 'yan." Binuhat ko ang ibang dala ni Jazmine. Dumiretso raw kasi rito para makita agad ang anak kaya wala ng oras para ibaba muna ang mga gamit sa kanilang bahay bago kami kumain sa labas.

Samantalang si Blythe ay wala ng dala dahil umuwi muna sa kanila bago pumunta rito.

"Aywan basta sinabunutan ko iyong tita ko." Sambit ni Jazmine bago sumubo ng isang buong chicken nugget. "Well, it's not even my fault. Siya ang naunang sumapal, bumawi lang ako." Pangdedepensa niya sa sarili.

"No one's judging you, girl." I replied.

Agad naman itong sinundan ni Blythe na may paturo-turo pa ng tinidor sa babaeng nasa harap namin nakaupo. "Lahat kami rito kampi sa iyo."

Jaz scoffed as she continued her story. "Buti na lang at ando'n si Ate Carmela, kinampihan ako."

Si Carmela ay ang pinakaclose ni Jazmine sa lahat ng mga pinsan niya. At siya rin ang tanging nasa panig nito. Lahat kasi sa lahi niya ay inggit sa kung anong narating ng pamilya niya. Both sa mother and father side ay galit sa kanila.

"Eh kayo? Anyare sa buhay niyo?" Tinuro niyang una si Blythe kaya siya muna ang nagsalita.

She shrugged. "Ganoon pa rin. Mahirap pala ang Psychology at lalo na ang maghanap ng trabaho. Biruin mo, naging cashier ako ng tatlong buwan matapos ko magtake ng board exam. Ang hirap humanap ng trabaho."

Bumuntong hininga ito.

Kung ako lang ang tatanungin, I applaud her for her bravery. Imagine, sa University of the Philippines Diliman Campus siya nag-aral pero hindi man lang siya nadelay.

Moreover, the fact that she has the guts to shift from Architecture to Psychology is really something. Doon ko masasabing malaki ang pinagbago niya. Dahil kung ang Blythe na dati ang usapan, sigurado hindi niya iyon gagawin.

Matatakot siya at manghihinayang sa mga panahong ibinuhos niya sa pag-aaral ng Architecture para lang biglang lumipat sa ibang program.

Nagbago na talaga siya.

"Pero buti na lang at hiring sila sa Japan. Nirecommend ako ng scholarship sponsor ko at doon na ako magtatrabaho." Nilingon niya ako ng may malaking ngiti. "This month ang alis ko. Philippines-Japan-Philippines ang rotation mo, Aze?"

"Ah? Oo."

Tumili ito na pati si Rena ay napatakip ng tainga. "Ahhh! Makikita kitang magtrabaho! Sabay tayo sasakay sa eroplano! First time ko, grabe!"

Inalog alog niya ako. Wala pa kami sa eroplano pero nahihilo na ako. "Yah yah, I'll try bringing you some goods from the first class."

Mas lalong lumakas ang alog nito sa akin, pati ang tili. "You're the best, Aze! Kaya sa iyo ako e! I love you the most!"

"Mommy ko, ingay po si Mama Blythe."

Matapos naming mapakalma ang nagwawalang chihuahua ay ako naman ang tinanong ni Jazmine sa mga pangyayari ng buhay ko.

When The Cameras Aren't Rolling || Metamorphosis Series #1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora