I was actually worried after having that conversation with Diom the other day. Pero mukhang okay naman. Malapit na mag-isang linggo at hindi pa kami sinusugod ni Jace sa bahay. Siguro ay hindi sinabi ni Diom.
Tapos hindi rin naman ako kinakausap nito outside of work matters. Tulad kanina, tumango lang ito noong nagkasalubungan kami sa daan.
According to my tsismosang mga kaibigan ay sa Germany daw siya nag-aral. Matataas daw ang mga grado nito at kahit sa first actual practice niya sa pagpapalipad ng eroplano, mataas daw ang nakuha nitong marka kaya may maganda na siyang reputasyon.
At iyon din ang rason kung bakit tinanggap siya agad sa airline namin. Parang buang, dapat nagstay na lang siya sa Germany. Maganda na pala buhay niya roon bumalik pa rito.
"Saan niyo naman nakuha iyan?" Tanong ko sa kanila.
"Kay Ballesteros."
Sabi-sabi raw ay mukhang nainis daw si Captain Ballesteros dahil bigla siyang iniwan sa Germany last last week. Aba! Kasalanan ba naming hindi siya macontact dahil may ka-one night stand pala?
So kinalkal daw nito ang records ni Captain Saracosa at napag-alaman ang mga impormasyong nasabi ko. Kaya ayon, mamatay-matay sa inggit because if Diom graduated with flying colors, he graduated with throwing money. Pasang-awa na nga lang, nanggatong pa.
"Dadating Mommy dito?" Tumingala si Rena sa akin.
Naghihintay kami ngayon sa harap ng isang restaurant. Sakto kasing uuwi ngayon si Jazmine mula sa Pampanga kung saan inasikaso niya ang lupain ng yumao nitong ama.
Ang balita kasi ay pilit na inaangkin ng mga kamag-anak nila sa father side niya. Kesyo may lupa naman daw si Tita Janice at patay na ang tatay ni Jazmine kaya wala na raw silang karapatan doon.
Bobo lang?
"Oo, hintayin na lang natin sila. Patient ka lang, baby, okay?" Ngumiti naman ang batang hawak ko. Isang buwan na rin kasi nitong hindi nakita ang nanay.
Ngayon din ang uwi ni Blythe mula sa Maynila. Sabi niya kasi ay may inalok sa kaniyang trabaho sa ibang bansa. Kaya papasyal muna rito sa probinsya upang magpaalam sa pamilya.
"Mommy!' I was brought back to my senses when Serena jumped out my arms to rush towards her Mom.
"Mommy! Mommy!" Maraming dala si Jazmine, halatang mga regalo pero ibinaba niya iyon lahat para buhatin ang anak.
Serena might be six and is a really tall girl but she loves being carried by people. Gusto laging binebaby. Kanino niya kaya nakuha iyan?
Lumapit na rin ako sa mga ito para buhatin naman ang mga dala-dala ng kaibigan ko. "Mukhang 'di naman napaaway."
I refered to her make up. Maayos at maganda pa rin ang datingan, parang hindi nakipagpuksaan sa hometown ng tatay niya.
"It was an easy work." Saad niya at pinaulanan ng halik ang anak. "Miss you, baby ko. Miss na miss ka ni Mommy, super. Muwah mwah."
Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang masilayan sa 'di kalayuan ang isang pamilyar na mukha.
"Azeralle!' Same girl I grew up with since highschool. Tumakbo ito sa mga bisig ko. Daig pa ang bata. "I miss you." Sambit ni Blythe.
Hinigpitan ko ang yakapan namin, "Miss din kita 'no. Tagal kang 'di umuwi."
"Sorry na, busy kasi sa Manila. Tapos sa tuwing uuwi ako, wala ka kaya!" Piningot niya ang ilong kong pabiro bago humarap sa batang naghihintay sa kaniya.
Salubong ang kilay ni Serena, ayaw kasing hindi siya pinapansin. Mukhang nainis dahil ako ang unang pinuntahan ng Ninang niya.
"Mama Blythe, pangit ugali." Nakahalukipkip ang mga braso nito. Aakalain mong matandang pinapagalitan ang anak.
YOU ARE READING
When The Cameras Aren't Rolling || Metamorphosis Series #1
Romance- C O M P L E T E D - Azeralle Esparaguera, a perfectionist STEM student, lives by a rigid rule: always be the best. With the cleanest notes, highest ranks, and clearest goal of becoming an engineer, her life revolves around securing admission to p...
