Tinitigan ko lang siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Namumuo na ang luha sa mga mata ko, dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pagtagpuin pa kaming mag-ama.
"Oh no... ba't ka umiiyak? Does it hurt so much? Gusto mo, dalhin kita sa ospital?" tanong niya habang hawak-hawak ang siko ko.
Sobrang sakit. Sobrang sakit ng ginawa mo sa amin ni Mama.
Binawi ko ang aking kamay at tinitigan siya muli.
"Hindi na po... malayo naman po ito sa bituka," sabi ko, sabay mabilis na tumakbo papunta sa classroom namin.
Narinig ko pa siyang tinatawag ako, pero hindi ko siya nilingon.
Pagdating ko sa classroom, walang tao. Isinara ko agad ang pinto at doon na ako tuluyang umiyak. I mean, bakit kailangan pa na magkita ulit kami? Ngayong patay na si Mama?
Ma? Ito ba ang gusto mo? Nahihirapan na nga akong mabuhay nang wala kayo... tapos ngayon bigla siyang susulpot.
Pero... hindi man lang niya ako nakilala?
Nagpapatunay lang ito sa paniniwala ko—na hindi naman talaga kami naging mahalaga sa kanya. Dahil kung mahalaga kami, hinanap niya kami. Sarili niyang anak, hindi niya nakilal
Halos isang oras akong umiiyak at kalaunan ay tumahan na rin ako nang isa-isa nang nagsidatingan ang mga kaklase ko. Sinuot ko agad ang aking pekeng sunglasses para hindi mahalata na umiiyak ako, dahil sigurado akong maga na ang mga mata ko.
"Hoy, te! Alam mo ba... may bago tayong professor sa college department? Isa siyang doctor in psychology and philosophy. Siya raw ang magiging mentor natin sa demo teaching... kaso matanda na—mga 50 or 49... di ako sure..." mahaba at excited na kwento sa akin ni Coleen.
Ah, isa pala siyang bagong hired na professor sa school namin. Mas masaklap pa ro'n, siya pa talaga ang magiging mentor namin.
"Pangalan daw niya ay Dr. Richard Y. Juarez. Mabait naman daw..." dagdag pa ni Coleen.
Bumuntong-hininga na lang ako at tumango-tango. Itinuon ko ang aking pansin sa labas ng bintana habang ang isang kamay ko ay nasa baba ko.
Hindi ako nakapag-focus nang maayos sa halos tatlong subject ko ngayong umaga. Buti na lang, hindi nag-react ang sakit ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ako nag-panic kanina. Siguro dahil alam na ng isip at puso ko kung sino siya.
Yes, si Dr. Richard Y. Juarez—ang tatay ko.
Tatay kong iniwan kami at hindi man lang nagparamdam.
Narinig ko kay Tita na may sarili na raw siyang pamilya sa ibang bansa. In fact, doon na raw talaga sila nakatira at matagal-tagal na ring naninirahan roon. Nakakapagtaka lang kung bakit siya bumalik pa rito sa Pilipinas, gayong maganda naman pala ang buhay nila sa abroad.
"Hoy!" tawag sa akin ni Coleen, kaya nilingon ko siya nang walang emosyon.
"Te? Ang layo naman ng lipad mo. Abot mo na ang Milky Way natin?" tanong niya habang nakatawa ng kaunti sa pang-aasar.
"Sira! May iniisip lang..." pagdadahilan ko, sabay ngiti ng kaunti.
"May problema ka ba?" tanong niya ulit habang nakapatong ang balikat niya sa balikat ko.
Ayoko munang pag-usapan 'to, kaya nginitian ko siya ng malaki at umiling-iling.
"Wala akong problema, promise. At kung may problema man ako, sasabihin ko naman agad sa'yo..."
Dahan-dahan akong tumayo papalabas ng classroom. Umuulan pa rin. Maitim ang kalangitan kahit 11:02 pa lang ng tanghali. Hindi ko alam kung trip ba talaga ng ulan na sabayan ang mood ko o may low pressure area lang talaga.
Napabuntong-hininga ako at dumiretso sa canteen upang mag-lunch. Mag-isa lang ako, malamang. Wala kasi si Kenneth ngayong umaga, at feeling ko, hindi na naman niya ako papansinin.
YOU ARE READING
Behind the Script
Romance"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
CHAPTER 9
Start from the beginning
