FRANCHESKA
"Miss? Pwede bang kantahin mo yung kay Moira na Paubaya?" Ay, broken ang ferson. Sige, tuparin natin ang request ni ate.
"Sige po, basta walang iiyak ah?" pagbibiro ko sa kanya.
"Okay, before I start, my name is Cheska, you can call me Ekang for short. Haha."
Yes, Ekang—'yan ang nickname ko sa probinsya namin.
"Para po ito sa mga taong nagpaubaya para sa taong mahal nila..." Like me.
"Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan noong ako'y 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi noong una pa lang
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal..."
Habang kumakanta ako, naghihiyawan at nag-iiyakan ang mga tao sa café. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita, at kita ko sa gilid si manager at si Grace na ngiting-ngiti habang pinapanood ako. As long as smooth lang ang araw ko ngayon, okay lang ako.
Hanggang sa di ko namalayan, malapit na palang matapos ang kanta.
"Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya.
Ba't 'di ko naisip na mayrong hanggan?
Ako yung nauna, pero siya ang wakas...
At kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya...
Mahirap labanan ang tinadhana,
Pinapaubaya ko na sa kanya."
Pagkatapos ng kanta, hindi ko na malayan na tumutulo pala ang luha ko. Hala, ang drama naman!
Pinunasan ko ang pisngi ko habang nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Halos sampung kanta na ang nakanta ko ngayong gabi, at mamaos na talaga ako. Matagal na rin kasi mula nang huli akong kumanta ng ganito karami sa isang araw.
Di ko napansin na alas-diyes na pala ng gabi, kaya nagpasalamat ako sa mga nakinig at nagpaalam na. Pababa na sana ako ng stage nang biglang may lalaking humila sa akin.
"Gusto ko lang magpa-picture," sabi niya.
Umiling ako. "Pasensya na po, sa susunod na lang kasi nagmamadali ako."
Pero hinila pa rin niya ang pulso ko. Ito na nga bang sinasabi ko...
Bigla akong nag-panic. Uminit ang katawan ko, nanikip ang dibdib ko, nahihirapan akong huminga. Tumakbo ako papuntang staff room habang kumakalas siya sa pagkakahawak.
Sinundan ako agad ni Grace nang makita niya ako. Pati si manager, sumunod rin.
"God! Anong nangyayari?" tanong ni manager, halos wala na akong marinig dahil sa panic.
Kinuha ni Grace ang inhaler ko sa bag ko at agad niya itong iniabot. Hinigop ko ito habang nanginginig.
"Nagpa-panic attack si France, ma’am," sabi ni Grace.
"Why?" tanong ni manager.
Hindi na sumagot si Grace. Sinabi na lang niya na mas mabuti kung ako na ang magkwento. Naunawaan naman iyon ni manager at agad akong pinag-day off ng apat na araw para makapagpahinga. Sabi pa niya, wag daw akong mag-alala sa sweldo ko, hindi niya ito babawasan. Inako pa niya ang sisi sa nangyari, pero sinabi ko na hindi niya iyon kasalanan.
Inihatid ako ni Grace sa bahay ng tita ko. Kitang-kita sa mata ni tita ang sobrang pag-aalala.
"Jusko po, Ekang? Anong nangyari sa’yo? Nag-aapoy ka sa lagnat!"
Hindi ako nakasagot. Hinang-hina na talaga ako.
Ikinuwento ni Grace kay tita ang buong nangyari. Hindi na natulog si tita kakabantay sa akin.
"Tita, matulog na po kayo... okay ra gyud ko," mahinang sabi ko.
Halos mangiyak-ngiyak si tita habang inaayos ang kumot ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Behind the Script
Romansa"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
