CHAPTER 6

79 1 0
                                        

FRANCHESKA

Nandito ako ngayon sa Music Café, naka-duty, dahil wala na rin naman akong magawa sa buhay. Dalawang linggo na akong lutang—halos hindi na ako makasagot sa mga oral recitations. Hindi na rin ako makapag-focus tuwing gumagawa ako ng reports at projects ko.

Halos wala na rin akong tulog. Gabi-gabi akong nag-aalala sa baklang 'yon... sa taong akala ko hindi ako kayang tiisin. Pero heto ako, dalawang linggo na, ni anino niya hindi ko makita.

Ang sakit, ha.
Alam kong kasalanan ko. Pero kaya niya ba talaga akong tiisin ng ganito katagal?
Ang tindi niya. Ang sakit niya. Nakaka-hurt, legit.

Bigla akong naputol sa pag-iisip nang lapitan ako ni Grace habang inaayos ko ang mga baso sa counter.

"Uy, alam mo ba 'yung crush mong bading? Palagi raw napapadaan dito,"
bulong niya habang may pasimpleng ngisi sa labi.

Napalingon ako sa kanya, kunot-noo.

"T-teka, ano? Palaging napapadaan dito?!"
Nagulat talaga ako. Kasi wala naman akong alam! Dalawang linggo rin akong absent dito sa café.
Buti nga hindi pa ako nasisante.

At isa pa—bakit naman siya pupunta dito?

Akala ko ba may OJT sila?
O baka naman... baka naman nagde-date sila ni Jade.

Napakagat ako sa labi ko.
Ang sakit isipin.
Pero hindi ko maiwasang magtanong—bakit siya nandito?

"Baka nagdate lang kasama jowa niya?" sabi ko.
"Hindi rin, ikaw hinahanap eh."
Nasamid ako sa iniinom kong tubig nang marinig ko 'yon.
"Ako?" tanong ko, sinigurado kung tama ba ang narinig ko—baka kasi bulag lang tainga ko... o mahina pandinig ng mata ko—joke lang.
"Oo nga, paulit-ulit! At saka palagi niyang tinatanong kung kamusta ka na. Bakla, nagkaka-effect ka na yata dun sa crush mong babading-bading ah."

Nakaawang lang ang labi ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan. Akala ko pa naman, wala na siyang pake sa akin.
"Anim na araw siyang pabalik-balik dito, and guess what—alam pa niya kung anong oras duty mo rito... hanep!" natatawang sabi ni Grace, namamangha.
"Eh, sinabi ko naman kasi 'yon sa kanya dati..." sagot ko, medyo napayuko.
Tiningnan lang ako ni Grace, may halong pangungutya sa mga mata niya.
"Hay nako Cheska, masakit umasa sa mga ganyan. Mahirap ituwid ang daan ng isang kagaya niyan," aniya pa, sabay talikod at tuluyang umalis.

Maya-maya pa, may dumating na customer. Umorder sila ng isang iced latte at isang strawberry milkshake. Mag-jowa sila—halatang galing sa marangyang pamilya, halos mukhang pang-commercial ang dating.

Habang inaabot ko ang drinks nila, aksidente akong natusok ng matulis na kuko ng babae. Napasinghap ako sa sakit at bahagyang natapon ang mga inumin sa puting blouse ng babae.
"Ah! How dare you?!" galit na sigaw niya.

"I'm sorry po, ma'am," agad akong lumabas mula sa likod ng counter para humingi ng paumanhin.
"Pasensya na po talaga sa nangyari, natusok po kasi ako sa—" Hindi ko na natapos ang paliwanag ko nang bigla kong maramdaman ang lamig ng inumin na ibinuhos ng lalaki sa ulo ko.

Napasinghap ako sa gulat. Napahawak ako sa ulo ko, nanginginig ang mga kamay.
Wala akong nasabi. Tumigil ang paligid ko sa isang iglap

Nagkaroon na ng komosyon, at lahat ng tao sa café ay nakatingin na sa amin—sa akin.

"Where is your manager?!" sigaw ng babae, galit na galit.

Agad lumabas si manager mula sa kanyang opisina matapos marinig ang gulo.
"Sir, I'm really sorry for what happened to your girlfriend," ani ni manager, pilit na kalmado. "I will make sure na pagsasabihan ko ang empleyado ko."
Napalunok ako. Naku, mukhang masesesante talaga ako ngayon.

Behind the ScriptTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang