CHAPTER 7

87 2 0
                                        


FRANCHESKA

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil nasisilaw na ito sa sikat ng araw. Inilibot ko ang aking paningin sa isang kwarto—puti ang bawat sulok. Nasa langit na ba ako? Tiningnan ko ang aking kamay at napansin kong may nakakabit na dextrose. May monitor sa gilid ko at may oxygen tube sa ilong ko. Teka... nasa ospital ba ako?

Mukhang tama nga ako. Wala namang ibang tao sa loob ng kwarto—ako lang mag-isa. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kahapon, pero sumakit lang ang ulo ko kaya pinili ko munang huwag pilitin.

Tiningnan ko ang suot kong hospital gown, umaasang may makikitang palatandaan kung saang ospital ako naroroon at kung sino ang nagdala sa akin. "Aquino Private Hospital," basa ko sa maliit na ID tag na nakatahi sa laylayan ng gown.

Aquino? Nasa ospital ako ng mga Aquino? Akmang babangon na sana ako mula sa kama para lumabas at magtanong, nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Tita—halatang galing sa pag-aalala, at kasunod niya si Grace. Nandoon din si Kenneth, tahimik at seryoso ang mukha, parang walang emosyon.

"T-Tita?" mahinang sabi ko, bahagyang namamaos ang boses.

Naglakad sila papalapit sa akin at agad akong niyakap ni Grace nang sobrang higpit, parang ayaw na niya akong pakawalan. Hindi ko pa rin maiproseso sa isip ko kung bakit ako nasa ospital, kaya napatingin ako kay Tita.

"Ta? Anong nangyari?" tanong ko, puno ng pagkalito.

Nagtinginan sila sa isa't isa—tila gulat at nag-aalangan—na para bang inaasahan nilang alam ko na kung anong nangyari sa akin.

"Wala kang naaalala, Cheska?" tanong ni Grace, may halong pag-aalala ang boses niya.

Lumingon-lingon lang ako sa paligid. Wala talaga. Pero sa loob-loob ko, sana hindi iyon ang iniisip ko. Sana hindi.

"Nag-panic attack ka kahapon sa Music Café, at dinala ka namin dito sa ospital," paliwanag ni Tita, mahinahon ang tono pero mabigat sa dibdib.

Napatingin ako kay Kenneth, na ngayon ay nakaupo lang sa sofa sa may dulo ng kwarto, tahimik at walang imik. A-alam na ba niya? tanong ko sa sarili ko, habang pinagmamasdan siya.

Gusto ko mang alalahanin ang nangyari, pero masakit pa rin talaga ang ulo ko. Kaya minabuti ni Tita na magpahinga muna ako. Si Kenneth na raw muna ang magbabantay sa akin, dahil may duty pa siya at may pasok din si Grace.

Naiwan kaming dalawa sa loob ng kwarto. Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakaharap lang ako sa salaming bintana, pinapanood ang mga ulap sa labas—mas madali pa iyong harapin kaysa sa kanya. Pakiramdam ko, alam na niya ang totoo... ang sakit ko.

"Wala kang sasabihin sa akin?" basag niya sa nakakabinging katahimikan. Mababa ang boses niya, pero diretso.

"Ha?" tanging nasabi ko, hindi agad makabuo ng sagot.

Tumayo siya mula sa sofa at lumapit sa akin, mabigat ang bawat hakbang.

"Bakit kailangan sa iba ko pa malaman?" tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Diretsong tumatagos.

"Hindi mo ba ako kaibigan?" dagdag pa niya, mas may diin na ngayon.

Parang sinaksak ang puso ko sa bawat salita niya. Nakokonsensya ako. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko rin alam kung sapat pa ba ang paliwanag ko.

"Sorry..." mahina kong bungad, halos pabulong

"I'm sorry... ngayon ko lang nasabi. Baka... baka kasi—" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

Behind the ScriptTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang