KENNETH
Bago pa man ako mainip sa pananatili sa loob ng stadium, pinasadahan ko muna ng tingin si France na ngayon ay abala sa pakikipag-usap kay Steph. Nang makalabas na ako sa stadium, agad kong naramdaman ang biglaang paghila sa akin palayo mula sa mismong lugar na 'yon. Hindi ko inaasahan na aabot pa kami sa rooftop ng school—lugar na alam kong bihira o halos walang taong nagpupunta.
Binawi ko agad ang kamay ko mula sa pagkakahila ni Jade. Napabuga ako ng hangin, pinasadahan ng kamay ang aking buhok, at dahan-dahang hinilot ang aking sintido. Ramdam kong umiinit na ang ulo ko.
"The heck is this?" seryoso kong tanong habang tinitigan siya nang matalim, dala na rin ng namumuong galit sa dibdib ko.
"B-Babe... please, mag-usap muna tayo," pagmamakaawa niya habang pilit na inaabot ang kamay ko.
Pero agad ko iyong binawi. Nandidiri ako. Bakit? Simple lang. Sino bang matinong tao ang makikipag-hook up sa ibang lalaki dahil lang sa sinabi kong hindi pa ako handa magpakasal?
"What do you take me for, huh? I'm not stupid, Jade. So bakit pa tayo mag-uusap?"
Akmang tatalikod na sana ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.
"Please, Riv... I know I made a mistake, pero once lang 'yon! Please, hear me out!"
Agad ko siyang itinulak palayo sa akin.
Once lang daw? Anong akala mo sa akin, tanga? At tsaka 'once lang'? Ano ka, si Enrique Gil na bigla na lang nakipagchukchakan sa iba sa pelikula nila ni Liza Soberano? Gago.
"It was just once. Big word coming from you, Jade," sarkastikong sagot ko habang pinipigilan ang sarili kong huwag sumabog sa harap niya. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Once is already enough, Jade. Gumawa ka ng katarantaduhan tapos ngayon gusto mong magpaliwanag? Para saan? Para paamuhin ako? Hell, no." madiin kong sambit, bawat salita'y parang latay sa hangin.
I'm done with him. Nasaktan ako, oo. Nasira ako sa ginawa niya, pero kahit kailan, hindi ko piniling umiyak. Hindi ko ibinuhos ang luha ko sa taong sinayang ang isang relasyon dahil lang sa hindi niya makontrol ang tawag ng laman.
"N-Nabigla lang ako noon, I just... I just knew na ikaw lang talaga para sa'kin, Riv. And I was just so desperate to marry you. I was drunk when I did that... I was under the influence! Please... please hear me out. Please, come back to me. I beg you." Humagolgol siya sa harap ko, nakaluhod, tila nawawala sa sarili.
Pinanood ko siya sa ilang segundo, pero hindi na ako nadadala sa mga luha niya.
Huminga ulit ako nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili.
"I told you, Jade... I'm not stupid. Akala mo ba hindi ko kayang makita sa likod ng mga kasinungalingan mo? May video, Jade. May ebidensya. Kitang-kita roon—hindi ka lasing. Ikaw pa mismo ang nagyayang mangyari 'yon! Huwag mo akong gawing tanga, Jade! We're done! I am done with you."
At walang ibang salitang lumabas pa sa bibig ko. Tinalikuran ko siya sa rooftop habang siya ay patuloy na umiiyak at nakaluhod sa semento. Wala akong pakialam. Mas mahalaga sa'kin ngayon ang kapayapaan ng isip ko.
Mabilis akong bumaba at naglakad papuntang canteen. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sama ng loob, kaya ang tanging nasa isip ko: Canned Coke. I need something cold. I need to breathe
"Bwisit na araw," bulong ko sa sarili ko. Gagawin niya pa talaga akong tanga, eh kitang-kita ng dalawang mata ko ang katotohanan. Mas maliwanag pa sa araw ang nakita ko. Bwisit.
Umupo ako sa pinakadulong upuan ng canteen, malapit sa exit. Tahimik, walang masyadong tao. Pagkatapos kong uminom ng malamig na Coke, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako doon.
KAMU SEDANG MEMBACA
Behind the Script
Romansa"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
