FRANCHESKA
Pagkatapos ng halos apat na araw na nilalagnat ako, sa wakas ay bumuti rin ang pakiramdam ko. Simula noon, naglagay na ng malaking signage sa labas ng music café ang manager namin—“BAWAL I-APPROACH ANG MGA SINGER NANG WALANG PAALAM SA MANAGEMENT.”
Hanep, mukhang club ang vibes ngayon. At hindi lang 'yan—nag-hire pa siya ng dalawang bouncer. May pa-security detail na kami, parang artista lang.
“Oh, France? Okay ka na?” tanong ng manager ko habang inaayos ang mga papel sa counter.
“Ah, opo. Okay na po ako,” sagot ko habang nakangiti.
Ngumiti rin siya at tinapik ako sa balikat. “Wag mong masyadong pagurin sarili mo, ha? Hindi mo kailangan pilitin kung hindi pa kaya.”
Tumango lang ako at nagsimulang ayusin ang mga order slips sa counter. Tahimik ang paligid hanggang sa may bigla akong narinig na pamilyar—at nakakainis—na boses.
“Hi, Ms. Single ka ba? Kung hindi… sino naman ang papatol sa’yo?”
Bwisit talaga ‘tong baklang ‘to.
Inangat ko ang mukha ko at ngumiti sa kanya—yung ngiting may halong pandidiri.
“Pakiulit nga po ng order niyo, sir? Ang pagkakarinig ko kasi isang sampal at batok ang order niyo, tama ba?”
“May ganun pala?” sagot niya habang tumatawa. Hmp.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sabay pikit ng isang mata. Pikon na pikon ako, promise.
“Nagde-date kasama si bebe ko.”
Sana malaman niyong magpinsan kayo. Animal.
“Pake ko?” sabi ko, sabay talikod. Pero bago pa ako makalayo, bigla niyang sinabi ang totoo niyang order kaya napilitan akong tanggapin at i-record sa listahan.
Bumalik na siya sa table nila… kasama si Jade. Bwesit. Sakit sa mata.
“Chito! Swap tayo! Kusina muna ako,” sigaw ko sa isa sa mga staff. Ayoko na. Hindi kaya ng sikmura ko 'to. Jalosi is real.
“Masakit?” panunukso ni Grace habang pinapanood ako magpalit ng apron.
“Ha? Obvious ba?” sagot ko habang sinusubukang itago ang bahagyang lungkot sa boses ko.
Tinanguan niya lang ako, sabay tawa.
Napakamot na lang ako sa batok ko. Wala naman akong karapatan magselos eh. Kahit ipaharap pa sa’kin si Jungkook—eh ang random ng utak ko, putang ina.
Maya-maya, biglang pumasok ulit si manager sa staff room.
“France, pwedeng ikaw na ulit ang sumalang? Ang daming requests sayo, and don’t worry—I'll make sure walang lalapit o hahawak sa'yo. Lahat ng staff informed na.”
Napabuntong-hininga ako, pero tumango na rin. Sige na nga. Try ko ulit.
Isinuot ko ang trusty kong facemask at cap. Armor natin 'to, mga beh.
Umakyat ako sa stage at agad kong napansin sila River at Jade sa isang table malapit sa sulok. Ang sweet nila. That should be me, eh.
“Ekang, pakanta naman ng ‘That Should Be Me!’” sigaw ng isang customer.
Ha? Coincidence pa ba 'to? Parang binasa nila utak ko. Lakas mantrip ng tadhana ngayon, ah.
“Broken ba kayong lahat araw-araw?” tanong ko, sabay tawa ng malungkot.
“Mas maganda kasi pakinggan boses mo kapag broken songs ang kinakanta mo. Parang ikaw din, broken.”
Wow, sa’kin na talaga nakatutok ang spotlight ng katotohanan, ano?
KAMU SEDANG MEMBACA
Behind the Script
Romansa"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
