FRANCHESKA
Tumakbo ako papalabas ng canteen dahil parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Tinatakpan ko ang aking mukha ng hoodie habang tumatakbo paakyat sa rooftop. Buti na lang, pagdating ko roon ay wala ni isang tao ang nakatambay, kaya nakahinga ako nang malalim. Ngayon, para akong tanga—kinakausap ko ang sarili ko.
"Saan nanggaling ang tanong na 'yon? Tapos kung makatanong, sobrang straight ng mukha—hindi ko man lang mabasa kung seryoso ba siya o hindi?" Hinihilot ko ang aking batok dahil parang maha-high blood na ako rito—hindi dahil sa galit kundi dahil nagtipon na lahat ng dugo ko sa aking mukha. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya: "Do you like me, France?" Paulit-ulit itong nagpe-play sa utak ko. Kinakamot ko ang aking ulo habang nakaupo sa may bench sa rooftop.
I mean, saan siya nakahanap ng ideya na itanong 'yon sa akin? Talagang dire-diretso lang ang pagbato niya ng tanong na iyon, ha! Kaya naman bigla kong naibuga 'yung juice sa mukha niya dahil sa gulat—tapos may pa hawak-hawak pa siyang nalalaman. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa nararamdaman ko. Ang hilig magbigay ng mixed signals ng baklang 'to, ah. Nai-stress ako!
Nakauwi na ako sa bahay, dahil tapos na rin naman ang klase ko at pati 'yung rehearsal. Dumiretso ako sa table ko at binuksan ang aking photo album—mga picture ko iyon kasama si Mama at... ang tatay ko, na iniwan ako when I was only one or two years old. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakikilala, at ayoko siyang makilala dahil wala na rin naman siyang silbi sa buhay ko simula noong iniwan niya kami ni Mama. Ni hindi nga siya dumalo sa burol ni Mama, eh. Kaya I guess, wala nga talaga siyang pakialam sa amin.
Lalo akong naiyak noong naalala ko ang sinabi sa akin ni Mama: "Kung magkita man mo ni Papa Snimo, pasayloa si Papa mo, ha?"
Paano ko naman patatawarin ang taong walang ginawa kundi pabayaan ako? Pabayaan si Mama?
Pinunasan ko ang aking luha at ikinalma ang sarili bago ko isinara uli ang photo album. Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha.
Nakatulog ako nang maaga at nagising din nang maaga. Dahil hindi ako makatulog, nagdesisyon na lang akong maagang pumunta sa university. At dahil maulan ngayon, nakasuot lang ako ng cargo pants at ang university jacket namin. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa school. Medyo maulan kaya may kaunting traffic sa EDSA. Tinignan ko ang cellphone ko at nanlaki ang mata ko sa sobrang daming missed calls at messages. Kanino galing ito?
Muli akong napatitig sa screen, at mas lalo pang lumaki ang mata ko nang makita kung kanino ito galing:
Kenneth Mabantot sent you 20 messages.
30 missed calls.
Naku po... mamatay ako nang maaga nito.
Agad ko siyang tinawagan pabalik pero hindi ako sinagot. Mukhang may totoyoin na naman ngayong araw. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ng university jacket ko at itinuon ang pansin sa bintanang basang-basa sa ulan. Tumingala ako sa maulap at makulimlim na kalangitan at niyakap ang sarili dahil sa lamig.
Pagdating ko sa eskwelahan, binati ko agad ang security guard at pumasok sa gate habang naglalakad mag-isa na may hawak na payong. Kakaunti pa lang ang tao sa campus, mga estudyante pa lang na may maaagang klase. Pagsapit ko sa building namin, sinara ko muna ang payong at inilagay ito sa isang bakanteng locker. Ang mga locker kasi dito ay puwedeng gamitin ng kahit sino—kung sino ang mauna, siya ang makakagamit.
Habang inaayos ko ang sarili, bigla na lang may bumangga sa akin kaya napa-"Aray!" ako—medyo masakit kasi 'yung pagkakabunggo niya sa balikat ko, at lalaki pa siya.
"Oh, sorry! I'm so sorry..."
Nang iniangat ko ang tingin ko, doon ko napagtantong isa ito sa mga taong ayoko sanang makita.
"Ayos ka lang ba, Ijha?" tanong niya sa akin.
KAMU SEDANG MEMBACA
Behind the Script
Romansa"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
