20

5.6K 111 11
                                    

Summer's POV

Alam niyo ba yung feeling na malapit na akong makuryente sa pagitan ng titigan ng dalawang lalakeng ito. Kulang na lang ay may mga kutsilyo at kidlat na magsilabasan sa mga mata nila eh. Mga titig nila kasi, nakakamatay. Oh! Alam ko na! Mahaba ang hair ko at pinag aagawan ako ng dalawang ito! Sige mainis kayo sa akin! Kasalanan ko bang pinanganak ako ng mommy ko na DYOSA!

Nakakainis naman! Bakit pa sa ganitong scenario pa kami nagkatagpong tatlo. Jusko! Sana naman hindi malumot ang utak nitong si Ragie at hindi niya isipin na nag ano kami ni Mamaw! Hindi naman sa nagmamalinis ako kay Ragie dahil iniisip ko na baka maturn off sya sa akin pero syempre, concern lang naman ako sa pwede niyang isipin at maramdaman. Remember? May gusto sa akin si Rage. Plano ko naman talagang umamin na kay Ragie about sa amin nitong si Mamaw. Besides, kung sa mamaw dinosaur lang naman ako babagsak, ayoko na paasahin itong si Ragie. Hindi naman ako kagahaman sa boylet. Kaya sa mga may pagnanasa kay Apollo Rage Montefargo, binubugaw ko na po sya sa inyo!

Bigla ko naman naramdaman yung paghigpit ng yakap ni Trex sa bewang ko. Feeling mo naman sawa siya kung makapulupot lang ng braso sa bewang ko. Heto namang si Rage, hindi mo alam kung saan itutuon ang paningin nya. Palit palit kasi ang tingin nya sa akin at kay Trex.

"What the hell! Anong ginagawa mo sa kwarto ng babae Mr. Stanford?! At sa kwarto pa talaga ni Summer", biglang sabi ni Rage at tinitigan ng masama si Mamaw. Ako naman syempre nagulat sa reaction niya. Alangan naman matuwa ako at nagkakainitan na ng ulo ang dalawa. Napalunok ako ng ilang beses ng maramdaman ko yung mainit na hininga ni Trex sa may bandang pisngi ko.

Jusko halimaw ka! Parang awa mo na. Huwag kang sasapian ng kalandian sa harap ni Rage! Babasagin ko talaga yang jun jun mo.

"Got a problem with that, Mr. Montefargo? Bakit parang big deal naman masyado sayo na dito ako natulog sa kwarto ng baby Summer ko", napantig naman yung tenga ko sa sinabi ni mamaw at agad kong binaling ang mukha ko sa kanya kaso, halos mapamura ako ng malutong ng muntik ko ng mahalikan yung lips ni mamaw. Paano ba naman kasi! Sobrang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko. Harujusko kang halimaw kang manyak ka kung di lang kasalanan ang mangmanyak este pumatay, pinatay na kita!

"Yes Mr. Stanford. Big deal ang pagtulog ng isang lalake sa kwarto ng isang babae kung wala naman kayong relasyon. Sa pagkakaalam ko, wala naman kayong relasyon ni Summer. A-at mukhang di nga kayo magkakilala. So please, Mr. Stanford, stay away from Summer and don't touch her like you own her.", mariing sabi ni Rage at hindi pa rin naalis sa mga mata nya ang inis na titig kay Trex.

Tumingin naman si Trex kay Rage na may ngisi sa labi nya. His signature stares. Pero hindi nagpatinag doon si Rage.

"Before you spill those shits to me by your shitty mouth, tanungin mo muna ang sarili mo kung sapat na yang alam mo, Mr. Montefargo. Ano nga ba meron kami ni Summer? Well, siya lang naman ang ---", hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Trex at agad kong hinawakan ang mukha niya at inilapit sa mukha ko. Hindi ko inaasahan na sa mga oras na ito ay hinalikan ko siya. Sa anong rason? Ayoko sa kanya marinig ni Rage ang mga salitang dapat ako mismo ang magsasabi.

Nakita ko sa expression ng mukha ni Trex ang pagkagulat. Kaya kinuha ko na yung opportunity para ilayo si Rage. Humiwalay na ako sa halik at hinablot ko ang braso ni Rage. Hinila ko sya palayo sa room namin ni Tre-- este room ko pala. Iniwan ko namang lutang si Mamaw doon ng dahil sa ginawa ko.

Tumakbo ako palayo habang kinakaladkad itong si Ragie. Bigla siyang huminto at hinablot ako pabalik. Kitang kita ko sa mukha niya ang bakas ng pagtataka at yung seryosong aura. Malayo sa Rage na palagi kong nakikitang nakangiti.

Huminga siya ng malalim at itinuon ang paningin sa ibang direksyon. "What's going on, Summer?", tanong niya. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na ganito sya. Parang feeling ko hindi si Rage ang kausap ko. Parang ito yung side ng isang... APOLLO. Hindi ako nakasagot agad at yumuko. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil nappressure ako sa mga ideyang pumapasok sa isip ko kung paano ko ba sasabihin ang lahat kay Rage.

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon