Pagkagising ko, may nakapatong na hoodie sa katawan ko—kulay purple. Nag-angat ako ng tingin para tingnan kung kanino iyon... at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang babaeng nakaukbong sa harapan ko sa mesa, tulog na tulog.

Si bruha pala.

Nakapikit siya, sobrang himbing ng tulog. Kanina pa ba siya dito? Pinagmasdan ko siya habang natutulog—mabigat ang bawat paghinga, kita ko ang mahahaba niyang pilik-mata, pati na ang baby hair sa may noo niya. In fairness, maganda ang babaeng 'to.

Pero siyempre, di hamak na mas maganda ako.

Ilalagay ko na sana ang hoodie pabalik sa balikat niya para hindi siya ginawin, pero bigla siyang nagising.

"Gising ka na?" tanong niya sabay igas ng katawan.

"Hindi. Tulog pa," sagot ko sabay irap.

Inirapan niya rin ako, tapos kinuha ang hoodie sa akin at isinuot ito. Bruha talaga.

"San ka galing?" tanong niya.

Napatingin ako sa mesa, saka umiling nang marahan. Ayokong maalala. Ayokong balikan ang nangyari kanina—mas lalo lang akong naiirita tuwing naiisip ko 'yon.

"Wala... emergency lang," maikli kong sagot. Ayoko rin namang magsinungaling sa kanya, pero problema ko na 'to—ayaw ko nang idamay pa siya.

"Talaga?" sagot niya, sabay taas ng kilay. Napakatigas talaga ng ulo ng bruha na 'to.

"Mag-aantay ako..." Napatingin ako sa kanya. "Mag-aantay ako kung kailan mo gustong mag-share," ulit pa niya, sabay iniabot sa akin ang isang bacon and egg sandwich.

Napatawa ako nang bahagya. Naalala ko kasi na 'yan din mismo ang sinabi ko sa kanya noon habang nasa ospital siya. Life really goes full circle, huh.

Noong sinabi niya sa akin ang lahat noong nakaraang linggo, to be honest, I couldn't care less. Hindi ko man lang inisip na habang ako'y durog dahil sa break up namin ni Jade, siya naman ay literal na pinagdadaanan ang isang panic attack sa gitna ng maraming tao.

I was broken—yes. But when I saw her that day, struggling to breathe, luhaan at nanginginig habang sinusubukang hindi gumuho sa gitna ng crowd... parang unti-unting nadurog ang puso ko sa paraang hindi ko maipaliwanag.

Is it because I pity her? Maybe. Pero alam kong hindi lang 'yon.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit galit na galit ako doon sa dalawang hayop na nangbastos sa kanya. Out of impulse, I even called my attorney para kasuhan sila ng paninirang puri. That's how angry I was. That's how much it affected me.

"Tayo na, magpa-practice tayo," biglang sambit niya, sabay tayo.

Tahimik lang akong sumunod sa kanya palabas ng canteen. Minamasdan ko ang bawat hakbang niya mula sa likod. Hindi ko alam kung ano 'to, pero...

I think... I just have this need to be there. To let her feel she's safe whenever I'm around. Ayokong danasin pa niya ulit ang takot, 'yung klaseng pangyayaring mag-iiwan sa kanya ng pilat—hindi lang sa katawan, kundi sa puso at isipan.

Kalaunan ay nakabalik na rin kami sa stadium. Lahat ay abala na sa pagpa-practice ng kani-kanilang mga linya, kaya naman inihanda ko na lang ulit ang sarili ko para sa mga sasabihin ko sa eksena. Tatlong araw na rin ang lumipas ng tuloy-tuloy na ensayo, at sa awa ng Diyos, hindi na ako kinukulit ni Jade. At least, kahit papaano, mas gumaan na ang buhay ko.

Naikwento ko na rin kay France ang nangyari. At grabe... sobrang OA talaga ng reaksyon niya. Parang siya pa 'yung nasaktan, hindi ako.

Pagkauwi ko sa bahay, agad akong sinalubong ng malakas na boses ng mommy ko, pati na rin ng walang kakupas-kupas kong ate.

Behind the ScriptWhere stories live. Discover now