"Kasi takot kang mag-iba ang tingin ko sa'yo?" aniya, diretso at may bahid ng lungkot sa boses.

Tumango na lang ako, dahil iyon naman ang totoo.

"Uhm... ayokong pandirian mo ako dahil may ganito akong sakit. Kaya mas pinili kong huwag na lang sabihin sa'yo."

Huminga siya nang malalim, saka pinasadahan ng kanyang kamay ang kulot niyang buhok. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin, seryoso pero may lambing ang mga mata.

"You're tita told me everything. And I understand na grabe talaga ang trauma mo noon... so I won't ask until you're ready to tell me everything," mahina ngunit malinaw niyang sabi.

Agad akong napangiti sa sinabi niya. Tumango-tango ako, saka mahina ring nagsalita.

"Thank you... Sasabihin ko rin sa'yo lahat, kapag handa na ulit ako."

"So... hindi ka na galit sa akin?" tanong ko, may alinlangan sa boses ko.

Tiningnan niya ako, saka ako inirapan.

"Hindi naman ako galit. I was just frustrated that time... kaya kita nasigawan. At correction, nagtampo lang ako—hindi galit," sabi niya, sabay taas ng kilay.

Napatawa ako nang mahina sa sinabi niya.

"So... bati na tayo?" tanong ko muli, may ngiting pag-asa.

Tumango siya, at sa wakas, gumaan ang pakiramdam ko

Dalawang araw lang akong nanatili sa ospital dahil bumuti naman na agad ang pakiramdam ko. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa school—dahil kailangan kong habulin ang mga proyekto, quizzes, at assignments na hindi ko nagawa sa loob ng dalawang araw. Mabuti na lang at binigyan ako ng chance ng mga instructors ko matapos nilang malaman na na-ospital ako.

Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit sunod nang sunod sa akin ang baklang 'to.

"Hoy?" tawag ko sa kanya habang naglalakad ako. Nakasunod lang siya sa akin gaya ng dati. Tiningnan niya ako na may nakataas na kilay, habang ngumunguya ng bubble gum.

"Bakit ka ba sunod nang sunod sa akin? Para kang lintang hindi na matanggal!" reklamo ko.

"Why? Can't I?" sagot niyang may pagmamaldita, sabay irap.

Napakunot ang noo ko. Teka lang... May napansin ako sa kanya—ilang araw na siyang walang nababanggit tungkol sa kanila ni Jade. Eh dati, halos hindi kami makatakas sa mga kwento niya tungkol sa relasyon nila, pinagmamayabang pa niya sa buong campus.

"Matanong lang... asaan na ba si Jade?" tanong ko, diretso.

Bigla siyang umiwas ng tingin at lumakad palagpas sa akin. Hmm, may something talaga. Hinabol ko ang mabilis niyang paglalakad, dahil halata sa reaksyon niya kanina na may nangyari.

"Hoy... ayaw mo bang pag-usapan?" Tanong ko habang pinipilit sabayan ang mga hakbang niya. Marami pa akong gustong itanong, pero mukha siyang walang balak tumigil.

"Hoy! Ano ba, Aquino! Kanina pa tayo naglalakad dito, masakit na ang pa—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang huminto. Pak! Mabangga ko tuloy ang likod niya

"Break na kami," sabay harap niya sa akin, at pinakita ang seryoso niyang mukha habang diretso ang tingin sa akin.

"Break? Bakit? Paano?" sunod-sunod kong tanong, hindi makapaniwala.

"He wants me to marry him agad-agad, but I said I wasn't ready since we're too young pa naman. But he was so mad and ended up hooking up with someone at the bar... so ayun," sagot niya, kalmado pero ramdam ang bigat.

Behind the ScriptWhere stories live. Discover now