Hindi na ako nag-isip. Tumakbo ako palapit.
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ko ang pisngi niya.
May dugo.
'Shit... who the f*ck did this to her?!'
Nilingon ko si Grace na nasa likod ko, umiiyak, nanginginig ang kamay habang may hawak na inhaler.
"Anong nangyari?!" halos pasigaw kong tanong.
Humagulgol si Grace at sumagot, halos hindi makapagsalita sa dami ng luha.
"Nagkaroon kasi ng heated argument si Cheska... dun sa dalawang yan sa likod mo..." tinuro niya ang mag-jowa. "Tapos nung hinawakan siya nung lalaki, bigla siyang nag-panic attack..."
Panic attack?
Bakit? Bakit wala akong alam?
Dahan-dahan akong tumayo at nilingon ang dalawang nasa likod ko. Tinitigan ko sila nang matalim, parang sinasaksak ko ng tingin.
"If something happened to her, you'll regret it. Pagsisisihan niyo na dinapo niyo ang kamay niyo sa kanya. I swear, I'll make sure you pay for this."
Hindi ko na sila pinansin pa. Muling ibinalik ko ang atensyon ko kay France. Inabot ko ang inhaler mula kay Grace at lumuhod muli sa harap niya.
"Francheska?" mahina pero malinaw kong tawag sa kanya
"AYAW! AYAW KO! HILABTI KO BA! BUHIA KO!" sigaw niya, halos hindi ko maintindihan. Bisaya 'yon, pero kahit hindi ko alam ang ibig sabihin, ramdam ko ang takot at sakit sa boses niya.
Sinubukan ko siyang pakalmahin.
"Chess! Shhh... it's me, Kenneth. Please, calm down... Chess," pakiusap ko habang lumuluhang halos hindi ko na alam ang gagawin. Pero parang wala siyang naririnig—tila nawawala siya sa sarili niya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at maingat na iniharap sa akin.
"Francheska? Please... calm down. Look at me, ako 'to, si Kenneth. Hindi kita sasaktan, okay? Tingnan mo ako, Chess! Look at me!"
Habang sinasabi ko ito, unti-unti akong nadudurog.
This is the first time I've seen her cry like this—parang bitbit niya ang buong mundo. Umiiyak siya na parang may malalim na sugat sa kaluluwa niya.
May trauma siya.
At ang mas masakit...
Bakit hindi ko alam?
Kaibigan niya ako, 'di ba? Pero bakit parang ngayon ko lang siya nakikilalang totoo?
Ilang sandali pa, kumalma na rin siya, kahit rinig ko pa rin ang bigat ng bawat hikbi. Kaya niyakap ko siya at pinasandal sa akin habang hinihintay namin ang ambulansya.
Pinagamit ko sa kanya ang inhaler, at medyo naging maayos na rin ang paghinga niya. Pero nakasandal lang siya sa akin—tulala, walang kibo, patuloy lang sa pagluha, hirap na hirap pa rin sa paghinga.
Hanggang sa bigla siyang tumigil sa paghinga.
"France?! France!" agad akong nataranta.
Nahimatay siya.
Binuhat ko siya agad papunta sa ambulansya na kakarating lang.
Ako at si Grace ang sumama sa ambulansya, hawak-hawak ko si France na parang anumang oras ay maaaring mawala sa akin.
Pagdating namin sa ospital, agad akong tumawag kay Tito Carlos, uncle ko na doctor.
"Riv?" sagot niya sa tawag.
"Tito... please help my friend... please, do everything you can to help her," halos pakiusap na iyak ang tono ko.
Dinala agad si France sa emergency room.
"Bakit, what happened to your friend?" tanong ni Tito.
Pero wala akong maisagot. Wala akong alam.
Tanga ko. Wala talaga akong alam.
Si Grace ang sumagot para sa akin, kahit nanginginig pa ang boses niya.
"She was having a panic attack, sir. May physical interaction po kasi—nagkaroon ng alitan sa customer. Natapunan po ng malamig na kape yung babae, pero hindi sinasadya. Natusok kasi si France ng fake nails, at nadugo ang kamay niya. Kaya napareact siya. Tapos... sinampal pa siya, kaya nagkalmot din yung babae."
What the f*ck?!
Tangina lang talaga?!
She went through all of that?
Galit na galit ako. Parang sasabog ako.
No one touches France.
No one hurts her.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, buti na lang at okay na si France, sabi ng tito ko. Pero hindi pa rin siya gising—unconscious pa rin dahil sa matinding fatigue, anxiety, at panic attack.
Dumating na rin ang tita ni France sa ospital, at agad siyang pumasok sa kwarto. Lumapit siya sa akin at hawak-hawak ang kamay ko habang umiiyak.
"Ihjo, maraming salamat sa pagdala mo kay Cheska dito, ha," aniya, tinig niya'y nanginginig sa pag-aalala.
Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Pero napatingin ako sa kanya habang nangingilid na rin ang luha ko.
"Eh kasi po... sinabihan ko na siya noon na magpacheck-up, pero ayaw niya. Daladala na raw niya 'yan for almost five years... Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan."
Five years?
Almost five years?
Teka lang... ano?!
Bakit hindi niya sinabi sa akin?
Apat na taon na kaming magkaibigan pero ni minsan... wala siyang nabanggit?
"A-ah... bakit po? What happened po ba talaga?" halos bulong na tanong ko.
Huminga nang malalim ang tita niya, tapos sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Sumunod naman ako.
"Iyang batang 'yan," panimula niya habang pinagmamasdan si France na nakahiga pa rin sa kama, "may dinadala nang trauma mula pa nung Grade 11. Muntik na siyang gahasain ng tatay ng ex-boyfriend niya."
Napasinghap ako. Parang sinuntok ang dibdib ko.
"Akala namin noon makakalimutan niya. Pero nung Grade 12 siya, muntik na naman siyang mabiktima—practice teacher naman nila sa school."
Tumigil siya sandali. Humugot ng hangin at muling nagsalita.
"Kaya simula noon, sobrang takot na siya sa mga lalaking hindi niya kilala. Pero kahit ganun, ngumingiti pa rin, parang walang problema. Kinausap ko siya bago mag-college kung kakayanin niya, sabi niya iiwasan na lang daw niya ang mga lalaki. Kaya noong umabot siyang third year at tatlong beses lang inatake, okay na 'yon para sa amin."
Tumingin siya sa akin nang diretso.
"Pero ngayong fourth year niya, apat na sunod-sunod ang panic attacks niya. Hindi ko alam kung bakit."
Putangina.
Hindi ko alam kung paano tatanggapin 'tong lahat ng to.
Biglang nag-flashback sa akin 'yung huli naming away.
Sinigawan ko siya...
Tinawag ko siyang sinungaling.
Binalewala ko 'yung takot sa mga mata niya nung hinawakan siya nung lalaking sinuntok ko.
Ang tanga ko.
"Alam mo ba, ihjo," muling sabi ng tita niya, "sabi niya nung first year siya, may isa siyang lalaking kaibigan na nahawakan siya—pero hindi siya nagka-panic attack. Sobrang saya niya raw. Akala niya kasi lahat ng lalaki kinakatakutan niya, pero hindi raw dun sa taong 'yon. Baka raw kasi... bakla. At masaya siya kasi sa unang pagkakataon, safe siya."
Tumigil siya sandali. Napangiti nang konti habang umiiyak.
"Kaya nagpapasalamat ako sa taong 'yon... yung kaibigan niyang bakla. Pero tinanong ko siya, 'Bakit hindi mo sabihin sa kanya na may PTSD ka?' Ang sagot niya, ayaw daw niya mag-iba ang tingin nung kaibigan niya. Baka daw sabihang nakakadiri."
Napalunok ako. Nanlaki ang mata ko.
Teka...
Parang ako 'yung tinutukoy niya.
Wala naman siyang ibang close na kaibigang bakla noong first year kundi ako.
Ako 'yon, 'di ba?
"at akala ko pa iniwan na sya nung kaibigan niya kasi halos sunod-sunod na ang panic attacks niya nitong mga nakaraang linggo"
Tangina.
Ako talaga 'yung tinutukoy niya.
Ako 'yung kaibigan na akala niya iniwan siya.
Ako 'yung kaibigan na sinigawan siya.
Ako 'yung tanga na hindi nakaintindi.
Running for Summa cum laude nga ako, pero ni hindi ko man lang nabasa ang bigat ng dinadala niya.
Humigpit ang hawak ko sa kama.
France... pag nagising ka... lagot ka sa'kin. Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasagot lahat ng tanong ko. Hindi kita iiwan. Kahit kailan.
YOU ARE READING
Behind the Script
Romance"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
CHAPTER 6
Start from the beginning
