Pero nagulat ako sa sumunod na sinabi ni manager.
"Pero naman sir, hindi niyo kailangang buhusan ng malamig na kape ang empleyado ko. I'm sure she's sorry and willing to take accountability for what happened," pagtatanggol niya sa akin.

"Aba, kinakampihan mo pa iyang empleyado mong tatanga-tanga!" singhal ng babae.

At 'yan ang pinaka-ayoko—yung tinatawag akong tanga sa harap ng publiko, lalo na kung hindi ko naman kasalanan.

"Sir," singit ko, pilit na kalmado kahit nanginginig ang boses ko, "humihingi po ako ng paumanhin sa nangyari sa damit ni ma'am, pero hindi ko po sinadya. Natusok po kasi ako ng nail extension niya, kaya natapon ko ang drinks."

Pinakita ko ang kamay kong may gasgas at bahagyang dumudugo. Pero bago pa man makaresponde ang lalaki, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko—kasama pa ang kalmot ng kuko.

Hanep na araw 'to.

Pakiramdam ko may kampana nang tumutunog sa tainga ko.
At kung susuntukin ko ang babaeng 'to ngayon, baka mauna pa siyang makita si Lord kaysa sa akin. Pero syempre, pinili ko pa ring huwag patulan.

Kinapa ko ang pisngi kong dumudugo. Ang sakit—literal.

"Okay ka lang, Cheska?" tanong ni Grace, puno ng pag-aalala.
Tumango lang ako, hawak-hawak pa rin ang pisngi ko.

"Ma'am, no need to use violence," mariing sabi ni manager. "Sobrang foul na po 'yan. She already apologized and tried to explain what happened. Hindi po ito makatarungan."

"I didn't hear her! I want you to fire that bitch!" sigaw ng lalaki.

Ay, gago pala talaga 'to.

"Bingi ka ba?" napikon na talaga ako. "Sabi ko kanina sorry! At wag kang mag-alala, sir—magre-resign na ako. Nahiya naman po ako, bugbog-sarado na nga sa kamay ng jowa mong mas mahaba pa ang kuko kaysa sa sungay ni Satanas!" galit kong sabi. "Sorry, ma'am ah!" sarkastikong dagdag ko.

Akmang tatalikod na sana ako, pero bigla akong hinawakan nung lalaki. Hindi lang sa braso kundi sa mukha ko talaga!

Ito na naman.

Sinulyapan ko si Grace at sinenyasan siya. Alam na niya ang gagawin.

"What did you say?!" galit na singhal ng lalaki.

At doon na bumalik lahat.

Nag-flashback na naman ang lahat ng nangyari noon—
Dumilim ang paningin ko.
Parang may bumara sa lalamunan ko.
Wala na akong marinig.
Tumutulo ang luha ko kahit hindi ko sinasadya.
Yung hininga ko, hanggang dibdib na lang. Parang hindi na ako makahinga.

Wala akong makita kundi ang mga alaala ng nakaraan. Yung sakit—mas malala pa ngayon.
Pakiramdam ko mamamatay na talaga ako, dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

KENNETH

Pagdating ko sa loob ng café, sobrang dami ng tao. May kung anong gulo sa gitna ng mga customer—nagkakagulo, may sumisigaw.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ng isang babae sa crowd.

Napakunot ang noo ko. Ano kayang nangyayari? Naki-excuse ako sa mga tao habang pilit akong sumisiksik sa gitna para makita, pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si France—nakaupo sa sahig, hawak ang dibdib, luhaan, umiiyak, at nahihirapang huminga.

Para siyang anytime, pwede na siyang himatayin.
"Wag kang lumapit! Layuan mo ako! Ayoko! Maawa ka po!" sigaw niya, kahit halos wala nang lumalabas sa boses niya.

Kinilabutan ako. Nakita ko rin ang manager niya, panic na panic habang may hawak na cellphone, tumatawag ng ambulansya.
May mag-jowang babae at lalaki sa tabi—halatang sila ang dahilan ng lahat—pero nakatayo lang sila, parang nataranta.

Behind the ScriptWhere stories live. Discover now