"Kain na po tayo… Chichi, kain na tayo."
Miyerkules ngayon.
Maaga akong pumasok. Magaan na rin ang pakiramdam ko at hindi na rin ganoon kalala ang lagnat ko. Habang naglalakad ako papasok sa gate ng university, may biglang tumawag sa akin.
"Cheska!"
Lumingon ako para tanawin kung sino ang tumatawag. Pamilyar ang boses... pero hindi ko agad matukoy kung sino.
"Cheska!" ulit niya.
Paglingon ko, nanlaki ang mata ko—si Enrique. Yung engineer na tinulak ko kahapon.
"Wait up," sabi niya habang hingal na hingal, patakbo papalapit.
"I just wanted to apo—"
"Bago ka pa makatapos," putol ko agad sa sinasabi niya, "ako na. Humihingi ako ng sorry sa pagtulak ko sa 'yo kahapon," sabay yuko ko.
"No—It was my fault," sagot niya agad. "I suddenly approached you and it must've shocked you. I just wanted to apologize sa nangyari kahapon. I suddenly held your hand without asking for permission." Sabay kamot siya ng ulo.
May punto rin naman siya. Pero dahil pareho naman kaming may kasalanan, I guess okay lang na tapusin na 'to nang maayos.
"Ayos lang... Medyo na-shock lang din ako," sagot ko sabay ngiti.
Inaya niya akong maglakad papasok ng university. Maaga rin daw ang pasok niya kaya sinabayan na lang niya ako. Tahimik saglit... tapos:
"So... uhmm, sorry to ask you this but... do you have a boyfriend?"
NA-SAMID AKO. Legit.
Napalingon ako sa kanya. Diretso siyang nakatingin sa akin—seryoso.
"Wala...? Bakit mo naitanong?"
Kinamot niya ang pisngi niya, halatang nahihiya sa susunod niyang sasabihin.
"Well... I was just curious because I fell in love with you at first sight."
Nalaglag panga ko.
Ha?!
Nasira na ba 'tong ulo ng taong 'to dahil sa pagtulak ko kahapon?
Gara'g trip ni kuya—naka-shabu siguro 'to.
"Ha?! Like... ha? Paano?" tanong kong puno ng pagtataka.
"Nakita kasi kita sa music café last week. Sa counter... and I was mesmerized by your smile."
Walang preno ang bibig ng lalaking 'to, grabe. Ang lakas ng loob mag-confess, 'di ba siya natatakot na i-reject ko siya?
Wala pa nga akong plano makipag-date. Wala. Talaga.
At ano raw? Na-in love siya sa SMILE ko?
Aba, ayos ah! Ang lakas ng tama ni kuya.
"I get that hindi mo pa ma-process sa utak mo ang mga sinasabi ko ngayon," dagdag pa niya.
Wait.
Sinasabi ba niyang mababa comprehension ko? Na slow ako?
"Teka lang, Enrique... sobrang grateful ako sa feelings mo, pero kasi wala talaga akong balak makipag—"
Biglang naputol ang sasabihin ko.
May biglang kamay ang humila sa akin.
Paglingon ko—si Kenneth.
"Kenneth?!" tawag ko. Pero hindi niya ako nilingon. Diretso lang siya sa paghila sa akin, seryoso ang mukha. Hindi siya nagsasalita.
"Kenneth, ano ba? Naririnig mo ba ako?"
Tahimik pa rin siya habang patuloy ang hila sa akin papunta sa canteen.
Pagdating namin doon, bigla siyang humarap sa akin.
Sobrang seryoso ng mukha niya.
Naiilang ako sa mga titig niya—diretso, matalim, at hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ko.
"Anong nangyari? Bakit mo ako iniwan kahapon? Bakit ka tumakbo? Bakit ka um-absent? Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?! Anong nangyari, France?!"
Galit na tanong ni Kenneth sa akin. Kita sa mga mata niya ang galit, inis, at higit sa lahat—pag-aalala. Napansin ko rin na may pasa siya sa gilid ng labi niya.
"Anong nangyari sa la—" magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.
"Don't change the topic, Reluya."
Tuwing galit siya, apelyido ko talaga ang tawag niya.
"A-a... ano, may emergency lang, oo!" mabilis kong pagsisinungaling. Ayoko pa talagang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi pa ako handa na mag-open up tungkol sa mga nangyari.
"Kaya ko natulak si Enrique kahapon kasi... may naalala ako. Naiwan ko pala 'yung instructional materials ko sa bahay. Pagdating ko doon ay—"
Naputol ang kwento ko nang magsalubong ang kilay niya.
"You're such a bad liar."
Ang sakit. Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Hindi ko ginustong magsinungaling... pero kailangan.
"Just tell me kung ayaw mong mangialam ako. Hindi 'yung gagawin mo akong tanga!"
At tuluyan na siyang tumalikod at iniwan ako.
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko naman ginusto 'to. Ayokong magsinungaling, pero kailangan ko... Sorry.
Humagulgol ako. Ang bigat sa dibdib. Gusto ko siyang habulin, pero parang may tanikala sa mga paa ko.
Sobrang pangit ng araw ko.
Hindi ako pinapansin ni Kenneth kahit anong pilit kong kausapin siya.
Ang sabi lang niya:
"Kakausapin lang kita kapag sinabi mo na ang totoo."
Umuwi akong mabigat ang katawan. Bagsak ang balikat. Namamaga ang mga mata ko. Diretso ako sa kwarto, hindi na rin ako nag-duty sa music café. Si Chito na lang muna ang nag-cover ng shift ko. Ang sabi ko masama lang ang pakiramdam ko.
Iilan lang talaga ang nakakaalam ng totoo sa kalagayan ko. Hindi ko pa rin masabi kay Kenneth. Natatakot akong mandiri siya sa akin. O isipin niyang OA ako. Ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin.
Dalawang linggo na.
Hindi pa rin kami nagkikibuan. Hindi ko na rin siya nakikita sa club. Halos nade-delay na ang practice para sa play. Wala na rin sina Jade sa campus—nasa OJT daw sila.
Sobrang hina ko. Ang bigat ng katawan at ng puso.
"Ano bang nangyari, Cheska?" tanong sa akin ni Eva. "Wala na kayong kibuan ni River, ha? May nangyari ba?"
Tumango ako at napangiti ng mapakla.
"Nagtatampo siya sa'kin. Kasi hindi ko raw masabi sa kanya kung bakit ko siya iniwan sa canteen, at kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag niya..."
Ramdam kong naiiyak na naman ako kaya kinagat ko ang labi ko.
"Sabi niya, hindi niya raw ako kakausapin hangga't hindi ko sinasabi ang totoo."
Napakunot ang noo ni Eva, halatang shocked. Tinakpan niya ang bibig niya.
"OMG... natiis ka niya? Eh sobrang close niyo pa naman. Para na nga kayong mag-jowa kahit ang lambot ng isang ‘yon! Pero... ano ba kasi talaga ‘yang dahilan?"
Ngumiti ulit ako—mapakla.
"May PTSD ako."
Natigilan si Eva. Tinitigan niya ako nang may luha sa mata.
"I... I'm sorry," sabi niya, mahina ang boses.
"Nagkakaroon ako ng panic disorder tuwing nahahawakan ako ng lalaki. Kaya ayokong mapunta sa center ng attention, ayoko ng masyadong interaction kapag may lalaki... kaya ayokong maging lead role sa play. Baka ako lang ang maging problema."
Habang sinasabi ko iyon, pinaglalaruan ko ang kwintas na suot ko—yung binigay ni mama bago siya namatay.
"I was almost sexually assaulted twice. Buti na lang may nahingan ako ng tulong...Sobrang pangit ng buhay ko."
Pinulot ko ang jacket at bag ko, sabay dahan-dahang tumayo.
"Saan ka pupunta, Cheska?" tanong ni Eva.
"Papahangin lang. Masikip dibdib ko. At sana, wag mo muna itong sabihin sa iba... atin lang muna."
Tumango si Eva habang nakatakip ang bibig, luhaan.
"Basta... nandito lang ako, ha? Kung kailangan mo ng karamay, Cheska."
Nginitian ko siya. Isang ngiting puno ng pasasalamat.
At tuluyan na akong lumabas ng theater club.Naglakad ako palabas ng campus para maghanap ng masasakyang taxi pauwi.
YOU ARE READING
Behind the Script
Romance"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
CHAPTER 5
Start from the beginning
