“Madalas ako sa kalye,”

“No, ikaw yung author ng Hamburger Vs Hotdog, Hamburger The Friendly Non-Healthy Food Ghost, Hamburger The Dreamer, The Samaritan Hamburger, The Hamburger’s Keeper, The Hamburger That Can’t Be Mo-“

“Okay stop,” pinigilan ko na siya bago pa niya ubusin lahat ng storya ko. “Ako nga iyun.” Hindi kaya fan ko ang isang ito? Nangislap naman ang mga mata niya.

“Piacere di canoscerti,” she extended her hand to me. Nakipag-shake hands ako sa kanya mukha akong eng-eng na naka nga-nga dahil ‘di ko alam ang linggwaheng iyun. “It means nice to meet you in Italian.”

Italian? Taga-Italy siya? Kilala niya kaya si Rome? Tangeks! Sa laki ba naman ng Italya magkita pa kaya sila ng cute na babaeng ito?

“Ahh,” ngumiti nalang ako sa kanya. “Nice to meet you too.”

“I’m Josephine Centomilla,” inilabas naman nito ang lahat ng copy ng mga storybook ko mula sa… pagtingin ko may maleta pala siyang dala. Huwag mong sabihing umabot hanggang Italya ang Hamburger stories ko at dinayo niya pa ako dito. Tats ako. “You can call me Joy, everyone prefers to call me that.” Hinawakan niya naman ang mga kamay ko. “Can you sign these books for me?”

“Ah.. eh,” alanganing tinignan ko si Joy. Okay lang ba itong babaeng ito? Mukha namang Barbie Doll. Hindi naman siguro praning ito eh. “O-Okay lang naman sa akin,”

“Great!” She clasped her hands.

“Wait, you understand Tagalog?”

“Of course!” Ngumiti siya sa akin. “Nag-stay ako sa Philippines ng halos seven years before my Papa decided to go back in Italy. Kaya nakaka-understand ako ng Tagalog.” Taglish ‘te!

“Ahh,” sinimulan ko na ring pirmahan ang mga dala niyang libro.

“Alam mo kasi, favorite ng boyfriend ko ang mga stories mo.” Tumitingin ako sa kanya paminsan-minsan. “I don’t know where he found your story books kasi naman wala namang ganyan sa Italy.” She pouted her lips. “We even had a fight at the airport kasi ayaw niya akong pumunta sa publishing house ninyo. I just wanted lang naman to get signed his books kasi itong mga libro mo lang talaga nagpapasaya sa kanya.”

“Iba din trip ng boyfriend mo eh.”

“I’ve read these, alam mo ba? I gotta say these are good. Natatawa ako sa mga punchlines. Ang cute lang, lalo na yung Hamburger vs Hotdog. It was new to me na may manhid palang hamburger at may isang hotdog na sekretong nainlove kay hamburger. Carino!”

“Done,” ngumiti ako sa kanya. “Hope your boyfriend apologize to you pagkatapos ng isinulat ko sa mga libro.”

“Really? You wrote something?” She open one book and smiled. “Wow! Grazie.”

Isinulat ko lang naman na forgive her… with JulieCapulet sign with no space. Okay, may pahabol na heart para cute. At least naman hindi masayang ang pagdayo nitong si Joy sa Pinas.

“It means a lot to me. Buti nalang talaga nakita ko ang facebook account mo kaya kita namukhaan. Wait, Capulet ba talaga ang surname mo?”

“Yup, but am not half breed. I mean, ‘di ako half foreigner ka gaya mo.”

“Uau! Alam mo ba na Montague ang surname ng boyfriend ko.”

Montague? Hindi kaya si – che! Hindi lang iisa ang Montague sa Italya Julie kaya huwag kang mag-assume. Huminahon ka! Knaaaa! Shut up. Okay, relax. She smiled pagkatapos ay tinignan iyung French fries ko.

“Pwedeng makahingi?”

“Sure,” kumuha siya.

“Pasensiya na talaga at gutom na talaga ako. Nainis kasi ako dahil ‘di niya ako pinayagang makita ka. Buti nalang talaga napadpad ako dito at na kita kita. Blessing na iyun for me.” May biglang tumunog peru phone lang pala iyun ni Joy. She answers it. “No, No, No… capisco… mi dispiace… per favore…” kung kanina medyo sad siya ngayon ngumiti na siya. “Va bene sto bene… ok… grazie.” Ibinaba na niya ang phone niya.

Ako naman nga-nga at grabeng dugo ng ilong.

“Susunduin na niya ako dito.”

“Wow! That’s great.” Napatingin naman ako sa wristwatch ko. “Well, ako naman ay kailangan ng umalis ‘cause I still have to pack my things.”

“You’re leaving the country?”

“I’m leaving the region,” tumayo na ako. “I’m in vacation.”

“Ohh, prenditi cura di te.”

“Ahm?”

“It means take care of yourself.”

“Ikaw din, ingat.”

 

 

****

Ibinagsak ko ang katawan sa kama. “Woaah! Uuwi na ako sa amin. Sa wakas makakapag-pahinga na din ako.” Itinaas ko ang cellphone ko at tinitigan ang wallpaper nun. Kuha namin iyun ni Rome noong minsang nagdala siya ng Mcdofries sa bahay. “I miss you Rome.”

Tumawag naman bigla si Mama kaya sinagot ko siya. “Hi Ma,” umayos ako ng upo at isinandal ang likod sa headboard ng kama. “Uuwi ako bukas diyan.”

“Magpunta ka nalang kaya ng outerspace anak o next month ka nalang umuwi dito.”

“Ma, ha? Ayaw ninyo ba akong makita?”

“Hindi naman sa ganoon anak peru may bagyo bukas.”

“Wala pong bagyo.”

“Bukas nga eh, syempre bukas mo pa malalaman.”

“Eh bakit alam mo?”

“Nararamdaman ko siya anak.”

Natawa naman ako kay Mama. “Bakit po ba ayaw ninyo akong umuwi diyan?”

“May bagyo nga kasi, ang kulit mo rin eh.” Feeling ko talaga may itinatago sila Mama eh. Kaya may naisip akong ideya.

“Fine, magbabakasyon nalang ako sa Cebu.”

“Nak ang layo naman!”

“Kaysa naman sa outerspace.”

“O sige na nga, basta mag-iingat ka.”

“Opo!”

Paano kaya kong surprisahen ko sila? Bulaga! Malalaman ko rin ang sekreto ninyo. Magaling yata ako sa problem solving at nabawasan na rin ang kamanhidan ko sa katawan.

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon