Chapter 1

6.7K 92 2
                                    

Why do you build me up (build me up) Buttercup, baby
Just to let me down (let me down) and mess me around
And then worst of all (worst of all) you never call, baby
When you say you will (say you will) but I love you still
I need you (I need you) more than anyone, darlin'
You know that I have from the start
So build me up (build me up) Buttercup, don't break my heart

Malakas na sinasabayan ni Happee ang tugtog sa kotse niya. Malala kasi ang traffic ng ganitong oras sa sobrang daming pribadong sasakyan sa lansangan ng Ortigas. Kailangan niyang labanan ang pagka-bored at pagkairita sa init dahil nasira ang aircon ng kotse niya kaya malakas na nagpatugtog siya ng paborito niyang kanta. Nakababa ang bintana niya dahil ayaw niyang mamatay sa sobrang init. May ilang taong nagbaba ng bintana at sinabayan siyang kumanta.

"I'll be over at ten", you told me time and again
But you're late, I wait around and then (bah-dah-dah)
I went to the door, I can't take any more
It's not you, you let me down again

(Hey, hey, hey!) Baby, baby, try to find
(Hey, hey, hey!) A little time and I'll make you mine
(Hey, hey, hey!) I'll be home
I'll be beside the phone waiting for you
Ooo-oo-ooo, ooo-oo-ooo

Natawa siya nang isang matandang babaeng nakasakay sa pick up truck ang biglang sumabay sa makabagdamdaming pagbirit niya. Kinawayan niya ito nang mauna na ang linya nito na gumalaw.

Why do you build me up (build me up) Buttercup, baby
Just to let me down (let me down) and mess me around
And then worst of all (worst of all) you never call, baby
When you say you will (say you will) but I love you still
I need you (I need you) more than anyone, darlin'
You know that I have from the start
So build me up (build me up) Buttercup, don't break my heart

Napatigil siya sa pagkanta nang isang gwapong nilalang at gwapong sports car ang nahinto sa tabi niya. Nakababa kasi ang bubong niyon kaya malaya niyang napagmamasdan ang itsura nito. May hawak itong yosi sa kaliwang kamay nito at ang isa namang kamay nito ay nakahawak sa manibela. Nagawi sa kanya ang tingin nito. Marahil dahil sa malakas na pagpapatugtog niya. Bigla siyang na-conscious sa itsura niya. Bakit ngayon pa kung kailan naman haggard ako? Lord, help me! Huhu.

You were my toy but I could be the boy you adore
If you'd just let me know (bah-dah-dah)
Although you're untrue, I'm attracted to you all the more
Why do I need you so

(Hey, hey, hey!) Baby, baby, try to find
(Hey, hey, hey!) A little time and I'll make you mine
(Hey, hey, hey!) I'll be home
I'll be beside the phone waiting for you
Ooo-oo-ooo, ooo-oo-ooo

Pagbaling niya rito ay sa kanya pa rin ito nakatingin. She cleared her throat at sinabayan ang paborito niyang kanta. Naglakas loob siyang tumingin rito at kumanta with matching paturo turo effects rito.

Why do you build me up (build me up) Buttercup, baby
Just to let me down (let me down) and mess me around
And then worst of all (worst of all) you never call, baby
When you say you will (say you will) but I love you still
I need you (I need you) more than anyone, darlin'
You know that I have from the start
So build me up (build me up) Buttercup, don't break my heart

Sumabay sa kanya sa pagkanta ang nasa unahang kotse nito na puno ng construction boys. Tumingin siya uli sa gwapong lalaki. Tinaas baba niya ang kilay niya para sumabay ito.

"Dali na. Wag kang KJ!" nakangiting yaya niya rito.

Naghithit buga lang ito sa hawak nitong sigarilyo at tiningnan ang mga construction workers na winawagayway pa ang mga kamay sa ere habang kumakanta.

"Pssst! Huy! Kanta na! Patapos na ang kanta!" he only glared at her. She pouted. "KJ mo! PASALAMAT KA GWAPO KA!" inismiran niya ito at itinuloy ang pagkanta.

I-I-I need you-oo-oo more than anyone, baby
You know that I have from the start
So build me up (build me up) Buttercup, don't break my heart

Naasar yata ito at isinara na ang hood ng kotse nito. Natatawang umiling siya. Ang mga construction workers naman ay sumigaw ng 'More! More!'. Natatawang pinatugtog niya ang isa pang paborito niyang kanta.

"HAPPEE! Ang aga mo yata!" sarkastikong bungad sa kanya ng manager ng pinagtatrabahuhan niyang restaurant na Sabroso.

"Grabe. Five minutes late lang naman ako, boss. Wag niyo na ako kaltasan." pakiusap niya rito habang sinusuot ang apron niya.

"Hindi naman kita kakaltasan, gaga! Makikipagchikahan sana ako sa'yo kaso late ka nanaman." inabot nito sa kanya ang papel at ballpen kung saan niya isusulat ang order ng customers nila.

"Asus! Hihingi ka lang kamo ng advice! Wag ako, boss. Wala akong lablayp!" natatawang wika niya.

"Gaga!" pinanlakihan siya nito ng mata. "Wag ka ngang ano diyan! May makarinig sa'yong gwapo baka akalain nila may jowa na ako maudlot pa ang panliligaw nila sa akin."

Natawa siya. "Hay nako, boss. Libre mangarap! Push mo yan, Go!"

May ilang customers na pumasok sa restaurant at agad na iginiya niya ito sa mesa at kinuha ang orders ng mga ito.

"Nga pala, Happee. Nakapagtapos ka ng college diba?" tanong sa kanya ng Manager niyang si Eileen.

Tumango siya. "Opo. Bakit, boss?" tinanggal niya ang apron niya dahil break time niya na at kakain na siya. May inabot itong calling card sa kanya.

"Punta ka diyan. Mag-apply ka. May opening raw diyan sabi ni Ma'am Marie Rose. Sayang naman ang pinag-aralan mo kung wala kang stable na trabaho. Kung nakapagtapos lang ako, why not? Punta ka ah. Apply kang secretary para maangas!"

"Ma'am Marie Rose? Yung asawa ni Sir Ulysses?" nakakunot noong tanong niya rito.

Tumango ito. "Yup. Ako na bahala sa'yo bukas. Urgent hiring yan kaya agahan mo bukas baka maunahan ka."

Tiningnan niya ang calling card. Meneses Corporation..

Ako'y Sa'yo At Ika'y Akin Lamang (Dark Vincent Meneses & Happee Love Castro)Where stories live. Discover now