Ang buhay daw ng tao ay parang libro —
na sa bawat kabanata'y may bagong tao.
Kaya no'ng nasali ka sa kwento ko,
buong paniwala ko'y ikaw na't ako.
Mga isip natin ay parang magkarugtong na kanta,
mga puso natin ay tumitibok lang para sa isa't isa.
Sa istoryang ito, tayong dalawa ang bida.
"And they lived happily ever after," nai-imagine ko na!
Kaso, masyado yata akong umasa.
Masyado yata akong nakampante.
Akala ko aabot na hanggang dulo —
ayan... bigla tuloy naudlot.
Nasa iisang libro pa rin naman tayo.
Pero habang naghihintay ako dito,
hindi ko man lang namalayan —
naghahanda ka na palang sumakabilang kwento.
Noon ay nasa iisang pahina pa.
Ngayon, kahit magkaharap ay 'di na nakikita.
Kung nakikita man — 'di na napupuna.
Naririnig man — pero 'di na pinakikinggan pa.
Nasa iisang libro pa din naman tayo, oo.
Pero humantong na tayo sa dulo.
Narating na natin ang hangganan ng "tayo" mo.
Gayunpaman, ipagpapatuloy ko 'to —
kahit wala ka na sa tabi ko.
first written: 30th of September, 2019
YOU ARE READING
In Between the Lines
Short StoryA collection of pieces from different chapters of my life..
