“Sayang, France. Sure ako hindi ikaw ‘yun. Pangit boses mo, e.” sabay inom ng coke, parang walang sinabi.
Ah ganun ha? Bahala ka dyan. Tangina mo. Pakyu. 100 plus. Kung hindi lang kita mahal, matagal na kitang inilibing ng buhay. Piste ka.
“Halatang-halata sa mukha mo na pinagmumura mo na ako diyan. Chill out,” aniya.
“Nanay mo chill,” irap ko.
Ilang minutong katahimikan, hanggang sa unti-unting nagsipasukan ang mga miyembro ng Theater Arts Club. Napuno ang bleachers at nagsimula nang mag-ayos si Stephanie sa harapan.
“Okay guys, listen up!” panimula niya.
“May announcement ako. Sa susunod na buwan, para sa Founders’ Day ng university, magpe-present tayo ng musical play.”
“Eh ano ba ang ipi-play natin?” tanong ni Eva habang nagluluto ng popcorn sa tabi.
“A whole new world. ‘Yung sa Disney. Aladdin,” sagot ni Stephanie.
“Musical play pala? Nice,” sabat ni Jefferson.
“Oo, at pipili ako ngayon ng gaganap bilang Aladdin at si Princess Jasmine,” sabi ni Steph.
Nagkatinginan ang lahat, parang may inaabangan. Biglang nagtaas ng kamay si Clyde.
“Eh kung si River nalang ang Aladdin? Marunong namang kumanta ‘yon, di ba?”
Walang tumutol. Syempre, sino ba naman ang tututol? Maganda talaga boses ng baklang ‘yon.
“Sige, I’m into it—basta si France ang Genie,” sabay turo at tawa sa akin ni River.
“Aba!” sabay hampas ko sa balikat niya—medyo malakas, kaya napa-‘aray’ siya.
“Deserve mo ‘yan,” bulong ko.
Tumango si Steph. “Okay, si River na ang Aladdin. Kaso… saan tayo hahanap ng Jasmine?”
Nag-suggest ako, “Magpa-audition na lang po tayo sa lahat ng marunong kumanta. Para fair.”
“Okay, good idea. Pero ikaw exempted, France?” tanong ni Stephanie.
Tumango ako. “Oo, hindi ako marunong….”
Umikot ang audition. Ang daming sumubok para sa role ni Jasmine. Lahat all-out—may babae, may bakla, may hindi mo alam kung ano. Syempre, sino ba naman ang hindi gaganahan kung si River ang Aladdin, di ba?
Ilang minuto pa, napansin ko si Kenneth na lumabas. Ayun, nakita ko kasama niya si Jade. May pa-punas-punas pa ng pawis sa leeg. Umayos ka, nakakasulasok.
Hindi ako nakatiis. Nagpaalam ako kay Stephanie na pupunta lang saglit sa locker room. Total wala namang tao dun dahil busy ang lahat sa auditions.
Pagpasok ko sa locker room, pakiramdam ko lumuwag ang dibdib ko. Tahimik. Ako lang. Kaya napakanta ako.
“A whole new world, a dazzling place I never knew…”
“But when I’m way up here, it’s crystal clear…”
“That now I’m in a whole new world with you…”
Pagkatapos kong kumanta, lumabas na rin ako agad. Naka-dama lang ako ng bigat sa dibdib, kaya kailangan kong i-release kahit papaano.
Pagbalik ko sa gym, lumapit ako kay Stephanie. “Tapos na ba?”
Umiling siya. “Wala pa rin. Wala talaga sa kanila ‘yung hinahanap ko. Mag-change kaya tayo ng—”
Biglang may nagtaas ng kamay—isang junior sa club.
“Yes?” tanong ni Steph.
“Narinig ko po si Ate Cheska na kumakanta sa locker room kanina…”
Nalaglag panga ko. Pano? Eh sinigurado kong walang tao—
PUTANG INA NAIWAN KO PALANG BUKAS ANG PINTO. Ang tanga mo Francheska. Pa-deep ka pa, drama-drama ka pa, hindi mo man lang naisara 'yung pinto.
Naglibot ako ng tingin. Sana wala si Kenneth. Sana wala. Sana wala.
Thank God. Wala siya.
“Cheska?” tanong ni Stephanie. Nakatingin silang lahat. Seryoso. Parang nasa trial ako.
“Ah eh…”
“OO NA! KAKANTA NA!” sigaw ko habang napapikit sa hiya. Ka malas sa kinabuhi uy.
Huminga akong malalim, nag-double check kung hindi talaga lumilitaw si Kenneth. Safe. Kaya simula na.
“A whole new world, a dazzling place I never knew…”
“But when I’m way up here, it’s crystal clear…”
“That now I’m in a whole new world with you…”
Pagkatapos kong kumanta, literal na napatalon ako sa gulat nang bigla silang lahat nagpalakpakan. Buong gymnasium, tunog palakpakan.
“Okay, you’ll be playing Jasmine,” anunsyo ni Stephanie.
“ANOOOOOO?!!” sigaw ng utak ko
YOU ARE READING
Behind the Script
Romance"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
CHAPTER 3
Start from the beginning
