“‘Ayos ka rin, Ate, ah. Sige, para sa inyo ‘to…” sagot ko, sabay hinga ng malalim at sinimulan ang kanta.
“Everybody's laughing in my mind,
Rumors spreading ‘bout this other guy,
Do you do what you did when you did with me?
Does she love you the way I can?
Did you forget all the plans that you made with me?
'Cause baby I didn’t…”
Habang kinakanta ko, parang may kirot sa bawat linya. Oo nga, dapat ako sana talaga 'yan eh… pero ang labo, ang hirap.
Malapit nang matapos ang kanta nang mapansin kong parehong nakatingin sa’kin sina River at Jade. Medyo malayo sila pero ramdam ko ang tingin nila. Hindi naman alam ni River na marunong akong kumanta, kaya okay lang. Wala akong pakialam. O meron?
“I need to know, should I fight for love or disarm?
It’s getting harder to shield this pain in my heart… woo yeah.
That should be me holding your hand,
That should be me making you laugh,
That should be me, this is so sad…
That should be me… that should be me…”
Natapos ko ang kanta, pero naiwan ang sakit sa dibdib. Naghiyawan ang mga tao, nag-request pa ng ibang kanta. Pero ako? Nakatitig lang ako sa direksyon nila River habang palabas na sila ng café.
At ayun na nga. Hindi ko namalayan, naka-on pa pala ang mic ko.
"That should be really me…" sabi ko sa sarili ko—pero lahat narinig.
Biglang nag-ingay ang buong café. Tumatawa, nagtatawanan, may nag-iiyakan pa, at sinisigaw na ako daw ang tunay na broken.
“OO NA! AKO NA! LIPAY NA MO?!” sigaw ko habang tinatakpan ang mukha ko.
“SABAA SA MGA BOANG!”
At mas lalong nagtawanan ang lahat. Bwisit. Ang drama ko talaga minsan.
Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay papuntang university. May announcement daw kasi ang president ng Theater Arts Club—si Stephanie. Hindi na ako nag-agahan, basta nalang ako nagpaalam sa tita ko na maaga akong lalabas.
Pagdating ko sa university, 7:00 AM pa lang. Ang call time kasi ay 8:00 AM pero sinadya kong agahan para naman makapagpahinga sa stadium at makapagmuni-muni. Gusto ko rin ng kaunting katahimikan. Napahikab ako. Antok pa rin ako, grabe. Sobrang late na ako nakatulog kagabi.
Pero parang may balde ng malamig na tubig na ibinuhos sa’kin nang biglang may malamig na bagay na dumikit sa pisngi ko. "Ay, iro!" sigaw ko sa gulat. Paglingon ko—si Kenneth. Damulag talaga.
"Anong trip mo? Lalaking pinaglihi sa noodles?" asik ko sa kanya habang hinahagod ang dibdib ko sa pagkabigla.
Napangisi lang siya. “Wala lang. Ang aga mo naman. Siguro, maaga ka kasi dinidiligan mo ‘yung tanim mong… luya?”
Wow, ang corny mo, hayop ka.
“HAHA, nakakatawa ka…” sagot ko nang sarkastiko.
Tahimik lang siya habang iniinom ang canned coke na dala niya. “Gusto mo?” sabay alok sa akin. “Halika, inumin mo sa bibig ko.”
"Pasapak nga, isa lang!" sagot ko, sabay irap. Tumawa siya—malakas. Rinig sa buong stadium.
“Anyare? Ba’t parang tahimik ka ngayon? Bothered ka?” tanong niya habang pinagmamasdan ako.
“Hm,” sagot niya, sabay buntong-hininga.
“Bothered ako. Ganda kasi ng boses nung kumanta kagabi. Di tuloy ako makatulog.”
Pakshit. Wag mong sabihing may kutob na siya? At anong di ka makatulog aber?
YOU ARE READING
Behind the Script
Romance"Totoo nga ang sabi nila... masakit magkagusto sa taong pareho rin ang kasarian na gusto." Hindi sinasadya ni Francheska na mahulog sa best friend niyang si Kenneth- mabait, maalaga, at laging nandiyan para sa kanya. Akala niya, may 'something' din...
CHAPTER 3
Start from the beginning
