"Sorry, inday ha... wala si tita doon para tulungan ka," sabi niya.

Nginitian ko lang si tita para kahit papano ay mawala ang bigat sa loob niya.

At to tell you honestly, yes, may PTSD ako—Post Traumatic Stress Disorder.
Bakit?

Dahil nung Grade 11 ako, muntik na akong gahasain ng tatay ng ex-boyfriend ko. Buti na lang sumaklolo ang mga kapitbahay. Akala ko lilipas din iyon, pero nangyari ulit nung Grade 12 ako—muntik na rin akong gahasain ng isang practice teacher.

Kaya ngayon, sobrang nagkaka-trauma ako kapag hinahawakan ako ng lalaking hindi ko kilala. Sumisikip ang dibdib ko, nahihirapan akong huminga, naiiyak, dumidilim paningin ko, at parang wala akong marinig. Pagkatapos ng lahat ng 'yon, nilalagnat ako.

At kung may iisang lalaking kaya kong hawakan at pagkatiwalaan?
Si Kenneth lang. Ang kaibigan kong bakla—ang lalaking pinipilit kong kalimutan, pero siyang paulit-ulit kong naiisip.

Sa sumunod na araw, pinilit ko pa ring pumasok sa school kahit sobrang sama ng pakiramdam ko. Bawal akong um-absent—graduating pa naman ako. Hindi ko na talaga alam kung bakit ang daming drama na nangyayari sa buhay ko.

Dumeretso muna ako sa theater club at doon sa stage ako nagpahinga habang nagre-rehearse ang mga junior namin para sa kanilang Penelope at Odysseus play. Nakahiga ako sa gilid ng stage, pinikit ang mga mata at sinubukang huminga ng maayos kahit parang binabayo ng martilyo ang ulo ko.

Habang nakapikit ako, lumapit si Jefferson at bigla na lang nagtanong.
"Teh? Ba’t ang putla mo? May sakit ka ba?"

Tumango lang ako. Wala na akong lakas makipag-usap.

“Legit?” dagdag pa ng mokong sabay arte ng pagiging nagulat—ay boang, ikaw na lang pag ako!

Idinilat ko ang mga mata ko nang matamlay at inirapan siya.
“Sorry naman! May gusto ka bang ipabili?” tanong niya uli, ngayon may konting lambing na.

Tumango ako, “Isang Gatorade na blue at isang paracetamol.”

Agad siyang nagtungo sa labas para bumili. Umidlip muna ako sandali, pero hindi ibig sabihin na natutulog na ako—gusto ko lang pumikit, magpahinga kahit saglit.
Ilang sandali pa, may narinig akong malakas na boses ng lalaking sumisigaw.

"FRANCHESKA ANN E. RELUYA!"
Hayop, buong pangalan talaga? Wala akong balak sumagot. Sobrang bigat ng katawan ko at masakit ang ulo ko.
"FRANCE!" isa pang tawag ng mokong na 'to.

“Kuya Riv…” narinig kong tawag ng isang bata, sabay lapit kay River.

“Hmm? Bakit?” tanong niya habang lumuhod sa tabi ng bata.

“Kuya, eh kasi may sakit po si Ate Cheska. Narinig ko po nag-uusap sila ni Kuya Jeff kanina. Eh nagpapahinga po kasi si Ate Cheska. Halos 'di nga po siya sumasagot kanina nung kinausap siya ni Kuya Jeff, kasi namamaos siya…”

Yan, kaya mahal ko ang club na 'to. Ang babait ng mga bata, parang tupa.
“ANO?! Kaya pala 'di sumasagot sa tawag ko!”

Narinig ko ang mga yapak niya papalapit. Maya-maya, naramdaman ko ang mahinang tapik niya sa braso ko.

“France? Are you okay?” tanong niya, puno ng pag-aalala.

Kung okay ba ako sa tingin mo, hihiga ba ako dito? Bobo mo.

“Do you want me to take you to the infirmary?” tanong pa niya ulit, mas malambing.

Grabe, 'di tayo makaka-move on neto. Dun ka na lang sa boyfriend mo mag-care. “France?” muling tawag niya. Kaya idinilat ko na rin ang mga mata ko.

Bigla niyang inilapat ang noo niya sa noo ko. “You're burning up,” aniya.
“Gaga, ang O.A. mo…” sabi ko pero... teka, namumula ba pisngi ko?! Ano ‘yun?!

“I’ll take you to the infirmary, tara na.”

Ang tigas talaga ng ulo. “Sabi ko okay lang ako. At saka, nagpadala na rin ako ng gamot kay Jeff. Mamaya, nandito na 'yun.”

Tinitigan niya lang ako, gamit ang seryosong mukha niyang hindi mo mabasa.

“Bakit?” tanong ko. Bigl aba naman akong inirapan.

“Kaibigan mo ba ako?” bigla niyang tanong.

“O-oo? Bakit mo natanong?” balik kong tanong, medyo naguguluhan.

“Eh ba’t si Jeff ang inutusan mo?”

Ayown... nagseselos si bakla!

Tigil-tigilan mo ako, Kenneth, at baka bigla akong mag-confess!

“Eh? Parang 'yun lang? Ayaw kitang abalahin no, at saka kasama mo naman si Jade ngayon, 'di ba?”

Umiling lang siya at hinubad ang suot niyang long coat, saka marahang ikinumot sa akin. Naks. Napaka-gentle naman.

“Sorry na, wag ka nang magtampo, okay? Sadyang sobrang sama lang talaga ng pakiramdam ko kaya... hindi na muna kita naisip…” Syempre hindi ‘yun totoo—24/7 ka nga sa utak ko, hayop ka.

“May nangyari ba?” seryoso niyang tanong habang nauupo sa gilid ko.
Natigilan ako. Inabot ng ilang minuto bago ako nakasagot.

“Wala... idlip muna ako, ah?” bulong ko.

Tumango lang siya, pero ramdam kong hindi niya ako tinigilan ng tingin

Behind the ScriptWhere stories live. Discover now