Cuarenta Y Uno

Magsimula sa umpisa
                                    

Tatayo na sana ako ng may mahagip ang mga mata ko sa ilalim ng kama. Napakunot noo ako. Ano iyon? Parang isang papel o picture? Iniabot ko ito at umupo sa kama. Hindi ko pa nakikita kung ano 'yon dahil tumayo ako agad. Wala namang gamit o kalat sa ilalim ng kama ko kaya ano kaya 'to?

Pagkaupo ko at pagtingin ko sa hawak ko ay literal na nanlaki ang mga mata ko. Teka.. Ako ito ah?! Pero papaanong... Wala naman akong natatandaang may picture ako na ganito? Stolen ang pagkakakuha. Naka uniform ako sa picture. Medyo naka side view ako at naka tingin sa malayo.

Mukhang matagal na ang picture na ito dahil yung uniform ko pa dito ay yung nagtatrabaho pa ako dito sa probinsya. Tantya ko ay ilang taon na itong kinuhanan. Pero bakit ako magkakaroon ng ganitong picture? Hindi ko na eksaktong matandaan kung ano ang ginagawa ko sa picture na ito.

Tinignan ko ang likod kung may nakasulat. At tama nga ako, meron nga.

'My breath of fresh air... 20**'

Tinitigan ko mabuti 'yong taon na nakasulat. Sandali.. Ibig sabihin ay kuha ito four years ago? Pero kanino 'to? Obvious naman na hindi ito sa akin.

At saka saan galing ito? Wala namang ibang natulog dito sa kwarto ko kundi si Theo.. Hindi kaya sa kanya ito? Duh! Napaka imposible naman! Noong kelan lang naman kami nagkakilala eh! Tsaka bakit naman niya ako kukuhanan ng stolen 'diba? Baka naman kay Nanay 'to? Siguro nga sa kanya. Tsk! Puro na lang mga katanungan ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na lang talaga iisipin ang mga bagay bagay.

Tumayo na ako at itinabi ang picture sa loob ng bag ko. Tatanong ko na lang kay Nanay pag nagkita kami. Sana lang ay wag kong makalimutan.

Tagapagsalaysay

"Stop, Theo. Just fucking stop. This is not the right time." Seryosong wika ni Theo sa sarili habang nakaupo sa swivel chair niya. Muntik na siyang umamin kay Aura kanina. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili kundi baka mapahamak ito sa mga plano niya. Ayaw niya kasi madamay ang babae. Tatapusin muna niya ang kaniyang mga problema bago niya balikan si Aura.

Sana lang talaga ay mapanindigan niya ang kanyang mga sinasabi. Gustong gusto na niya angkinin ang babae sa totoo lang. Masyado ng maraming taon ang lumipas.

"I badly need a drink." Tumayo siya at pumunta sa sasakyan. Dumiretso siya sa isang kilalang bar sa Makati. Kanina pa siya nakarating dito sa Manila. Mabilis naman siyang mag drive kaya ilang oras lang ang biyahe. Wala ding traffic.

"JD." Aniya sa isang bartender pagkaupo sa bar stool.

Tumango ito at inasikaso ang inumin niya. Maya maya lang ay bumalik ito at iniabot ang Jack Daniels niya.

Tahimik lang siyang umiinom ng may biglang tumabi sa kanya na babae.

"Hey, hottie." Malanding sabi ng babae sa kanya.

Medyo pamilyar ang boses nito sa kanya. Pero hindi niya ito pinansin. Sanay naman na siya na nilalapitan ng mga ganito. Wala siyang balak na pansinin ito dahil tanging sa isang babae lang nakalaan ang kaniyang atensyon.

Nagulat siya ng niyakap siya nito. Sa inis niya ay naitulak niya ang babae. Hindi naman gaano kalakas. "I'm not interested so go fuck someone else." Matigas na wika niya dito.

Narinig niya ang pagsinghap nito. "Oh, I guess someone's in a bad mood tonight. Don't you remember me?"

Doon siya napatingin sa babae. Tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay. What the heck is she doing here?

"Who are you?" Kunwaring hindi niya alam. Pero deep inside ay kilalang kilala niya kung sino ito. Ang babaeng gumamit at niloko siya. Mas lalo siyang nainis sa ginawa nito kay Aura. How dare she hurt her? Bigla tuloy dumilim ang kaniyang paningin.

Napa hawak si Scarlett sa dibdib na para bang nagpapaawa. "Aww, you don't remember me? Ako lang naman yung babaeng tinulak mo. Pero don't worry. I'm not mad you naman. In fact, I like you. I'm Scarlett by the way." Kumindat pa ito.

"Straightforward woman. Typical Scarlett the Bitch." Sabi niya sa isip niya.

"I'm really not interested." Seryosong sabi niya bago inumbos ang inumin at nagbayad. Tumayo siya agad at lumabas sa lugar na 'yon. Mamaya pa dapat siya aalis kaso baka may magawa lang siya sa babae.

Si Scarlett naman ay napa pandyak sa inis pagkaalis nito. Laking tuwa niya ng makita niya ito sa may bar area kaya dali dali niya itong nilapitan. Mabuti nga at ang ganda at ang sexy niya ngayon. Kailan ba siya lumabas ng bahay na pangit? Never in her whole life na naging pangit siya. Pero bakit hindi pa rin siya pinansin ang ganda niya ni Theo?


"Napaka loyal mo naman sa malandi mong girlfriend. Pero ito tandaan mo, sa akin rin ang bagsak mo!" Nanggagalaiti niyang sabi.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon