Si

17 3 0
                                    

*Ella's POV*


Naghakbang ako papunta sa 2, sa 6, sa 12, sa 20. Hooooh! One last step. Tama kaya 'to? Isa nalang Garella, mananalo ka na! Isa nalang. Sa stone#30 pinikit ko yung mga mata ko at...  



"She did it folks! She did it! Ms. Garella alyas Ella Hernandez! Isa nalang ang kailangan niyang gawin, ang kunin ang kumikinang na piso!" sigaw naman ng host na panget.


Umakyat naman ako papunta sa tuktok ng dome and finally, nakita ko na yung piso na inilagay sa loob ng parang lalagyan ng rosas ni Beast. Sinubukan ko itong buksan pero merong code. Inilagay ko yung date ngayon pero mali. 


"ACCESS DENIED!"


Pagkatapos yung oras naman pero mali pa rin. 


"ACCESS DENIED!"


Ahhhh! Alam ko na! 02-06-12-20-30, ang mga tamang bato sa elementong apoy.



"ACCESS CONFIRMED!" It opened and then may automatic tubig machine naman sa harap nito, inilagay ko naman iyon sa loob pero hindi water ang lumabas kundi papel. Binuksan ko ito at may nakasulat ditong, "CONRATULATIONS! This is not the end. This is just the start."


Lumabas naman ako sa dome at nakita kong tahimik ang lahat. Siguro hindi ako ang nanalo. Baka may mas nauna pa sa akin. Siguro assumera lang talaga ako.


Nag-clear naman ng throat yung host at nagsalita, "Ladies and gentlemen, including the in betweens! Finally, after 25yrs, may sumunod na din kay Dama Alecto, ang kauna-unahang mandirigma na sumabak sa MI. May student na naman tayong hahandugan ng napakalaking misyon! Let's give her a hand!" Nagsipalakpakan naman sila. Nag-bow naman ako sa harapan nila. Nagsimula naman silang magsitapunan ng mga bulaklak at bigla'y nagchant, "E-lla. E-lla! Garella! Rella! E-lla! E-lla! Garella! Rella!" I could hear my name. This is it. This is the one I had been craving for.



Sa gabi naman, nagkaroon ng malaking fiesta. Dumako ang lahat ng mga mastermind ng mga magnanakaw, trust me. You don't wanna know who them. Hahahah. Andun ang mga malalaking tae sa corruption. Lahat. Lahat.


Andaming pagkain kasi marami ring sponsors! Grabe. Lechon. Mga putahe. Appetizers. Desserts. And drinks too! May dark at white chocolate fountain pa! Nagsi-awitan naman yung iba habang yung iba naman sumasayaw. Dun naman ako sa gitna ipinaupo at kinoronahan ng mga bulaklak. Tradisyon na kasi 'to sa aming mga kriminal. Akala niyo puro lang kami tago-tago sa basements at undergrounds no? Excuse, maruno din kaming pumartey! Hahahah.



Suddenly, huminto yung music. Anong nangyari? Yung mga kumakanta, biglang napanganga. Yung mga sumasayaw naman, parang sumali ng statue dance. Yung kumakain, parang nawala yung pagkagutom. At paglingon ko naman. Andito na siya, si Dama Alecto. Ang first winner ng MI.



"Mga kapwa kong kriminal, mga magagaling at kulang pa ng praktis...Magandang gabi. Pumarito ako ngayon para pagpalaan ang misyon ng sumunod sa akin, si Garella Hernandez. Ibabahagi ko din ngayon ang proyektong nakatakda niyang gawin. Ella, halika."






Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Aug 03, 2015 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

AlmostDove le storie prendono vita. Scoprilo ora