Halos maibuga ko yung iniimon kong tubig, "SELOS?! Ate naman! Wala kaming gusto sa isa't isa." Depensa ko.

Wala naman kasi talaga. Si Lia nga kasi ang gusto ko di ba?

"Wala PA! Di natin alam... Malay mo, malay niya, MALAYSIA!" At nagpose pa siya.

"Ate Yars, tulungan mo naman ako oh. Magpapractice kami mamaya eh, pupunta siya dito."

 

Biglang nagbago yung itsura ni Ate, "Pupunta yung apat dito?"

"Oo, malamang."

"Linisin niyo mga kalat niyo ha. Last punta nila dito eh parang dinaanan ng bagyo ang bahay. Masasapak ko na talaga yung mga yun pag di niyo nilinis kalat niyo. Kuha mo?" Tanong niya at pinandilatan ako ng mata.

Napalunok ako. Minsan ko lang makitang ganito si Ate, yung para bang may itim na aura ang pumapalibot sa kanya, "Y-yes Ma'am." Sagot ko.

Biglang nawala yung itim na aura at ngumiti siya ng ubod ng tamis, "Okay! So eto gagawin mo..." At sinabi niya sa akin yung suggestion niya

"YARA DANIELLA ALCANTARA! Di ko kaya yan!"

"HOY! Bakit nawala yung Ate? Para sabihin lang na di mo kaya, kelangan talaga sabihin pa yung full name. Wateber." Sabay irap niya.

Kung nagtatanong kayo kung ano yung suggestion niya, sinuggest lang naman niya na haranahan ko si Mia. Adik rin 'no? Di pwede yun, baka malaman ni Lia. Isipin pa niya na may gusto ako sa kambal niya.

"Pero seryoso na kasi Ate."

Tumayo na si Ate at kinuha yung pinagkainan namin, nilagay niya ito sa lababo para mahugasan, "Treb, linisin mo na yung table." Pagbabalewala niya sa tanong ko.

Kinuha ko naman yung pamunas at nagsimula na maglinis.

"Magsorry ka lang. Di mo naman kelangan gumawa ng something na bongga. Di rin kelangan ng mahabang speech. Kahit nga 'sorry' lang sabihin mo, okay na. Yung sincerity kasi yung importante dun eh. Si Mia kasi yung tipo ng tao na mapride pero di maarte. Pag alam niyang sincere yung tao, ayos na siya."

Napatingin ako kay Ate, akala ko kasi binalewala niya lang ako. Tama nga naman siya. Pero bakit parang kilalang kilala na niya si Mia?

"Oh, itsura mo? Hindi 'no, di ko pa kilalang kilala si Mia. Nasabi ko lang yan dahil sa mga kwinekwento ni Lia." Sagot niya at ngumiti.

Ngitian ko na lang si Ate at nagisip ng gagawin ko mamaya.

~Renzo~

"Mga tol, aamin na ako." Bigla kong sabi kaya napatingin sila sa akin.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now