Entry #6

547 31 5
                                    

Summer's Sunset by iammissred.



***



Recap: Tumawag si Andrew kay Allie at pinapupunta doon ang dalaga. Pag dating ni Allie sa condo ay napilitan syang mag-stairs dahil sa dami ng tao. Nung makarating at makapasok sya ay nakita niya si Andrew. Sinabi nito na sobrang sakit ng ulo niya kaya dinala siya ni Allie at ng kanyang ina sa hospital.

***

Entry #6



"Sino po ang mga kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor.

Nagtinginan lang kami nina Denisse. Sino nga ba? Wala naman eh.

"Ah. Wala po siyang kamag-anak dito eh. Sa'min po kasi siya tumutuloy. Wala po syang contact sa relatives niya per--" pag-eexplain ko na cinut ni Clei.

"Girlfriend po siya," turo sa'kin, "at best friends po kami."

At 'yun ang nag-signal sa doktor na magsalita.

"Alam niyo naman siguro ang kondisyon niya 'di ba?" tanong niya sa amin.

Tumango lang kami.

"Hindi ko alam kung bakit pero lumalala ang kondisyon niya. Alam ko naman na tine-take nya ang mga gamot pero hindi na 'yun tinatanggap ng katawan niya," sabi niya.

"Ano pong gagawin natin, doc?" tanong ni Rianne.

Hindi ko alam kung nag-reregister pa ba ng tama sa utak ko ang lahat ng sinasabi nila o kung ang pinoprocess na lang ba ng isip ko ay ang pagpipigil ng luha. Hinawakan ni Clei ang kamay ko.

"Sa ngayon, mag-hintay nalang tayo ng pwedeng mangyari," sagot niya, "Magdasal."

Tutungangaan namin ngayon si Andrew? Habang nahihirapan siya, nag-hihintay lang kami?

"Miss, bilang nobya niya, mas maganda kung lagi kang nandyan para sa kanya. Wag mo siyang iwan. Di natin alam kung kailan sya pwedeng mawala."

Tumango nalang ako sa kabila ng mga luha. Siguro dumagdag na rin sa mga luhang 'to 'yung fact na hindi naman talaga niya ako girlfriend.

Summer's SunsetWhere stories live. Discover now