24: Truth

7.6K 157 6
                                    

Nagising si Cassie sa isang silid. Kaagad na napabangon siya kinahihigaang kama at inilibot ang tingin sa paligid.

Wala siyang anumang tali sa kamay at paa kay malaya siyang nakakagalaw. Lumapit si Cassie sa pintuan pero kahit anong pihit niya ay nakasara pa rin ito. Sinubukan ni Cassie na buksan ang bintana and she was glad when found it open.

Kaagad na sumilip siya and only to her dismay ay nasa mataas na bahagi siya ng bahay at tantiya niya ay ikaapat na palapag. Kung susubukin niyang dumaan doon ay tiyak na mababalian siya bago makarating sa ibaba.

Nanlulumong napaupo siyang muli sa kama at sinapo ng mga palad ang mukha.

Bakit ba nangyayari sa akin ang ganito?

Napaiyak nalang si Cassandra sa naisip. Wala siyang mahingian ng tulong dahil di niya nadala ang kanyang cellphone sa pagmamadali. Hindi rin naman niya alam kung nasaang panig ng mundo siya naroon.

Basi kasi sa nakikita niya ay puro puno ang nasa paligid bukod pa sa mukhang nasa gilid ng bangin ang kinatitirikan ng nasabing bahay.

Napaangat siya ng tingin ng may pumihit sa seradura. Kaagad na kumilos ang kanyang kamay upang damputin ang nakapatong na vase sa sidetable ng kama.

Muli siyang humiga at pumailalim sa kumot at inihanda ang sarili sa sinumang magtangka ng masama sa kanya lalo na kay Ali.

"Cassie... I know your awake.." marahang bigkas ni Ali na nanatiling nakadistansya sa kanya.

Nakatayo lang ito sa may pintuan at nakasandal sa dingding habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

Hindi umimik si Cassie at pinanindigan talaga ang pagiging tulog. Ni hindi siya bumaling upang silipin si Ali.

"Okay... I'm sorry for bringing you here.. Sorry sa panloloko ko.. But Cassie... I love you.. Ayokong mawala ka sa akin.." usal ni Ali at umalis mula sa pagkasandal saka dahan dahang humakbang papalapit sa kinahihigaan ni Cassie.

Napahigpit naman ang hawak ng dalaga sa vase. Naramdaman niya ang paglundo ng kama at ang pagdantay ng palad ni Ali sa kanyang braso.

"Nung magising ako sa ospital, you are the first i wanna see. Pero sabi nila, ni hindi mo man lang ako dinalaw. I feel bad. Ang laki pala ng naging kasalanan ko sayo that night dahil ni hindi mo man lang ako nagawang bisitahin." puno ng kalungkutan ang salita ni Ali. Napalunok naman si Cassie. Tila may kung anong humaplos sa kanyang puso sa sinabi nito.

Unti unti siyang gumalaw at bumangon saka naupo pasandal sa headboard ng kama. Nakayuko lang si Ali. Pero bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha.

Kung iilang beses munang lumunok ng laway si Cassie bago naapuhap ang tinig. Garalgal ang boses niya ng magsalita.

"I don't know what happened to you after i ran away.. Ive been hiding for days. Nang malaman ko ito i got scared.. Ako ang napagbintangan ng nangyayari sayo.. I haven't done anything Ali.. You know im a bitch! But I dont harm anyone physically!" halos impit na sigaw na usal ni Cassie.

Nag-unahan na din sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"Yeah.. I know.. Late ko na rin nalaman ang bagay na iyan.. I try to find you.. Kaso... Nakita kita.. Nakita ko kayo ni Dred.. I was devastated.. Bakit siya? Bakit hindi ako?" tanong ni Ali na matiim na nakatingin kay Cassie.

Napakagat labi nalang ang dalaga. Wala siyang maisagot. Hindi rin niya alam..

"Gusto ko ng umuwi Ali.." ang salitang namutawi sa labi ni Cassie.

CASSANDRA: The Bitch PrincessWhere stories live. Discover now