23: Tricked

7.7K 159 10
                                    

Halos magunaw ang mundo ni Cassandra sa nalaman. Di nga niya nalaman kung papano siya nakauwi sa kondisyon niya. Wala siya sa sarili at halos nanlalabo na rin ang paningin niya sa walang humpay na pag-iyak.

Sumalampak siya sa carpet ng sahig ng makapasok sa loob ng condo at saka isinubsob ang mukha sa mga tuhod.

Ito naman ang tagpong naabutan ni Crizza. Kaagad itong napatakbo papalapit kay Cassie.

"Oh my Gosh Bitch! Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong nito at hinimas ang likod ng umiiyak pa ding kaibigan.

Umiling lang si Cassie pero di pa rin nag-angat ng tingin. Tumayo si Crizza at kumuha ng tubig sa kusina saka ito inabot kay Cassie.

"Drink this.. You need to calm down bitch! Let's talk about it later. Please..." pagsumamo niya sa kaibigan.

Saka lang nag-angat ng ulo si Cassie. At tila dinurog ang puso ni Crizza sa nakitang itsura ng kaibigan. Nagkalat ang make-up nito at mugtong-mugto ang mata.

"Bitch... May mali ba sa akin? Ano pa bang kulang?" humihikbing tanong ni Cassie.

Mahigpit namang umiling si Crizza at niyakap ang kaibigan na doon nag-iiyak sa balikat niya.

"Sssshhhh... Wala nang kulang sayo.. Bitch, your almost perfect. They just don't deserve you.." pang-aalo niya sa kaibigan.

Mas lalo namang napaiyak si Cassie..

"But i love him already Bitch." usal ni Cassie sa pagitan ng paghikbi.

Inangat ni Crizza ang mukha ng kaibigan at hinawakan ang magkabilang pisngi habang pinapahid ang kanyang mga luha.

Kahit naiiyak na din siya ay pinipigilan niya ang kanyang luha.

"Be strong bitch! Hindi ikaw yan.. Cassandra Valle is a tough woman. Wag kang patatalo sa kanila.. Im here for you bitch.." usal niya.

Muling napayakap si Cassie sa kanya at tahimik na humikbi. Hinayaan naman ito ni Crizza na mag-iiyak hanggang sa nakatulugan na nga ng dalaga ang mga luha.

---

Umaga na ng magising si Cassie. Wala na ang kaibigan pero nag-iwan ito ng note na nakahanda na ang kanyang pagkain at wag kalimutang kumain.

Painot na bumangon si Cassie sa kama at nagtungo sa banyo. Matagal-tagal din niyang ibinabad ang sarili sa bath tub at kung iilang beses din niyang naisip na magpakalunod dito but she ended up hesitating.

Matapos ang mahigit isang oras sa banyo ay napagpasyahan ni Cassie na tumayo na at magbihis.

She need to move on.. Time heals the wound ika nga.

Nagsuot lang sya ng short at sando dahil wala naman siyang balak lumabas ng bahay. Mas gusto niyang manood nalang ng tv o kaya ay isubsob sa papeles ang utak upang kalimutan ang sakit.

Lumabas na siya ng silid pero natigil siya sa may pintuan pagkakita kung sino ang nagbukas ng pintuan sa sala.

"Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Cassie. Bahagya pang naningkit ang mata niya pagkatingin kay Dred.

"Let's talk please.." pagsamo ni Dred.

"Let's talkin mong mukha mo! Get out!" galit na sagot niya at iminuwesta ang pintuan.

Mahigpit namang umiling si Dred at humakbang papalapit kaya napaatras si Cassie.

"Cassandra please.. You need to listen to me.." pagsamo ng binata.

CASSANDRA: The Bitch PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon