19: Realize

8.7K 166 5
                                    

Napatayo si Cassie mula sa kinauupuan ng makita si Ali na pumasok sa kanyang opisina.

Alam niyang darating talaga ang pagkakataong ito but not this soon.

"Hi! I was expecting to see you yesterday but di kita naabutan kaya i came here early.. Nakakaistorbo ba ko?" nakangiting tanong ni Ali as he stood confidently in the middle of her office.

Napailing naman si Cassie. Tila naumid ang dila niya at nawalan siya ng sasabihin rito.

Naupo naman si Ali sa sofa katapat niya. Napalunok muna si Cassie bago nagsalita.

"Can i offer you something to drink?" tanong niya na bahagya pang ipinilig ang ulo upang iwaksi ang pagkailang.

She never see him for 2years at mukhang fully recovered naman na ito.

Di pa rin nawala ang ngiti sa labi ni Ali habang pinagmamasdan si Cassie.

"Your still the hot and sexy Cassandra Valle ive met before.." sambit nito.

"Hindi naman na mababago yun diba?" himig biro ni Cassie upang maalis ang tensyong naramdaman.

He just chuckled.

"Just like before. Arrogant bitch i most like.." natatawang sambit ni Ali.

Bahagya namang natigilan si Cassandra at napansin naman ito ni Ali kaya sumeryoso din ito.

"Sorry Cassie.." usal nito.

Humugot ng malalim na buntong hininga si Cassie at tinungo ang mini ref sa may sulok ng office niya. Kumuha siya doon ng maiinum at inabot kay Ali.

"Past is past Ali.. Lets just forget about it.." usal ng dalaga. Akmang tatalikod na siya pero hinawakan ni Ali ang pulsuhan niya dahilan upang mapatigil siya sa paghakbang.

"I mean it.. I'm really sorry.. Hindi ako nakahingi ng tawad sayo coz ive been coma for a month and youre already nowhere to find when ive recovered. I swear Cassie hinanap kita." madamdaming saad ni Ali.

Tila naman hinaplos ang puso ni Cassie sa kaalamang hinanap siya ni Ali to say his sorry.

Ngumiti siya dito at dahan dahang binawi ang kamay.

"Just like ive said a while ago, its all in the past now.. Whatever happened that time, im already over it Ali.." sagot niya.

"So can we be friends again?" nakangiting tanong ng binata at inabot ang kanang palad.

Tumango naman si Cassie bilang pagsang-ayon. Wala naman siyang hinanakit kay Ali.

Maybe she's part thankful of what happened between them, nakilala niya si Dred dahil doon.

Nasaktan man siya, at least alam niyang may bahagi siya sa pagkatao ni Dred na hinanap hanap pa din nito.

"Friends!" sagot ni Cassie at tinanggap ang pakikipagkamay ni Ali.

Sinulyapan ni Ali ang wristwatch na suot.

"I think i must go, may trabaho ka pa yata na nakatambak.. We'll just catch up next time.. Hindi naman ito ang huli nating pag-uusap diba?" tila naninigurong tanong ni Ali sa dalaga.

He still want Cassie. The same attraction he still feel just like before.

Nakangiti namang tumango si Cassie.

"Of course.." usal niya.

Hinalikan pa muna siya ni Ali sa pisngi bago ito lumabas ng kanyang opisina. Medyo napaigtad pa si Cassie sa ginawa nito pero binaliwala na rin niya.

CASSANDRA: The Bitch PrincessWhere stories live. Discover now