9: Bitch is Back!

11.5K 180 9
                                    

Kanina pa pinaglaruan ni Cassie ang hawak na ballpen. Wala siyang ganang magsulat sa mga nilelecture ng kanilamg prof. Parang mas gusto pa niyang humilata sa kama doon sa kanyang condo.

Kung di kasi dahil kay Crizza eh malamang absent pa din siya hanggang ngayon.

Naalala pa niya ang nangyari pagkarating nila sa pinas.

She didn't expect him to come with her o ihatid siya palabas man lang but it still hurt her na iwanan siya sa arrival area ng wala man lang salita.

That jerk...

Padabog na binitbit ni Cassie ang bag at tumayo.

"Where do you think your going Ms. Valle?" nakataas ang kilay na tanong ng kanilang prof.

Cassie just roll her eyes..

"Out.. Nabobore ako.." sagot niya at muling hakbang palabas. Umusok naman ang bumbunan ng kanilang prof sa narinig na sagot niya.

"Kapapasok mo lang magkacutting ka agad?!" halos pasigaw na tanong nito.

"Who cares? As long as i pass with your exams wala kang karapatang magreklamo.." sagot ni Cassie at tuluyan ng lumabas. Sakto namang tumunog ang bell kaya naghagikhikan ang mga kaklase niya at nagtayuan na din..

"Graveh Cass... Ikaw lang talaga ang may lakas ng loob na sagot sagutin si Ms. Tapia.." sambit ng isang kaklase niya na sumabay pa sa paglalakad ni Cassie.

She just flip her hair.. Wala naman siyang kiber sa mga professor nila. Di naman siya naghahangad ng matataas na grades. Sapat na ang pumasa siya sa bawat subjects niya.

Pumasok si Cassie sa cafeteria at naupo sa favorite place niya. Umalis pa ang isang babae na nakaupo doon pagkakita kay Cassie.

Nasaan kaya siya? Kung tawagan ko kaya? Aissshhh...

Pinaglaruan niya ang hawak na cellphone at ipinaikot ikot ito sa kamay. Gusto sana niyang tawagan si Dred pero natatakot siyang baka kung ano ang sabihin nito.

"Oh! Look who's here! The slut!" isang boses ang nangibabaw sa loob ng cafeteria. Natigil tuloy ang lahat sa pagdaldalan ng makita kung sino ang pumasok.

Desiree Arrevalo.. The senators daughter na asar na asar kay Cassandra.

Tumaguktok pa ang takong nito habang naglalakad papalapit kay Cassandra.

Deadma naman siya at tuloy lang sa pagpapaikot ng kanyang cellphone.

Pero naningkit ang mata niya ng hablutin ito ni Desiree at itapon sa sahig.

"Oh sorry.. The princess lost her phone.." pauyam na sambit ni Desiree.

"What do you want? As far as I remember nakuha mo na uli si Nikolo.." taas kilay na sambit ni Cassie.

"Ang kapal mo pa rin ano!?" asar na usal ni Desiree. Naagaw na nila ang atensyon ng lahat at ngayon ay tila nanonood ng teleserye na live.

Cassie rolled her eyes..

"Eh ikaw.. Manipis? Sabagay, kahit pa ipaglantaran mo yang katawan mo sa lahat di ka parin mabibigyan ng second look." nakangising usal ni Cassie.

Mas lalo namang namula sa galit si Desiree sa sinabi niya. She look Cassandra as her mortal enemy. Karibal niya sa lahat.

"How dare you!" sighal ni Desiree.

Binigyan lang siya ni Cassie ng isang bored look at dinampot ang cp na nasa sahig.

"What do you want, Desiree?" tanong niya dito.

"Its about Ali! You bitch! Na coma siya ng dahil sayo!" singhal nito sa kanya.

CASSANDRA: The Bitch PrincessWhere stories live. Discover now