Prologue :

2.6K 27 16
                                    


Habang nagsusulat nagulat nalang ako ng may lumapit sa akin at niyakap ako sa likuran.

Ang nakapagtataka umiiyak siya.  

“jai,ang sakit,niloko niya ako” ayun naman pala ang bestfriend kong si Vanjie.

Sabi ko na hindi dapat magtitiwala sa mga lalaki.

Maya2x may lumapit na naman sa akin at umupo sa harap ko si Roy.

“jai ang sama,niya may iba pala siyang bf” nakaubo siya sa desk ko at umiiyak rin.

Ay mali pati rin pala babae hindi mapagkakatiwalaan.

Anong nangyari sa mga kaibigan ko????

Love, o lovehag !! Ano bang meron sa love at may ganun sa mundo.

Sa tingin ko sakit ng ulo lang ang love, dagdag sa mga alalahanin sa buhay.

“jai ayaw kong mawala siya sa buhay ko” nakayakap parin si Vanjie sa akin.

“anong balak mo,huwag mong sasabihin pagbibigyan muna naman siya, ilang ulit ka ng niloko nagpa loko ka naman, ilang beses na kaya, gusto mo bilangin ko ,tapos iiyak kana naman sa harap ko” pinaupo ko siya.

Ang bruha humagulhul na sa kakaiyak, na touch atah sa sinabi ko.

Napailing nalang ako at napatingin kay Roy na nakaubo pa rin sa desk ko.

“Ikaw naman , matagal mo na talagang alam na may bf siya pero nagbulag bulagan ka pa, yan tuloy”

Nagulat ako dahil humagulhul din siya sa kakaiyak ,mas malakas pa yata siyang umiyak kaysa kay vanjie,lalaki ba talaga to.?

“hoy kayong dalawa, may contest ba sa palakasan ng pag iyak nakakahiya, nasa classroom tayo,kanina pa kaya tayo pinagtitinginan ng mga classmate natin.”

Huminto sila sa pag iyak at tumingin sa paligid.

Hay sa wakas huminto rin sila sa pag iyak,ang sakit kaya sa tenga.

Ilang sandali palang …..

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa” nagsabay pa ang dalawa sa pag iyak.

Parang may ferries wheel sa ulo ko nabingi yata ako sa pag iyak nila..

Tinakpan ko tenga ko……at sumigaw ng:

“Tumahimik na kayo ang sakit na ng tenga ko”

Dali dali akong tumayo at iniwanan na sila.

Habang naglalakad ako… di ko maiwasan ang mapaisip kung bakit may love sa mundo at bakit maraming nababaliw dun kaya hanggang ngayon wala pa akong bf dahil lang naman sa empluwensya ng mga kaibigan ko …

Arrroooooooyyyyyyyyyyyyyyyy…….

Kapag nagka bf ako I swear hindi  ako tutulad sa iba na magpakabaliw at magmamakaawa para hindi iwanan ng minamahal .

Kabaduyan lang yon at kung totoong mahal talaga ako ng taong mahal ko malalaman ko naman yon kung tapat siya sa akin, pero nungka na ipakita at iparamdam ang lahat sa kanya, NO WAY.

Sa mga nakikita ko sa paligid ko, lalo na sa mga kaibigan ko.

The more na pinapakita mo sa kanila ang pagmamahal mo, umaabuso at hindi natatakot iwanan kaya nga may love triangle ,dahil alam nila na mahal mo sila ,kaya nagagawa kang saktan at sa simpleng sorry ok na ganun lang!!!!

Kaya kung magmamahal ako magtitira ako para sa sarili ko, para kapag nadapa ako,makakatayo ako sa sarili ko at sasabihing style lang yon kaya niyo ba yon.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now