Said I Love You, But I Lied - Chapter 7

Börja om från början
                                    

“Hindi.” Mabilis kong putol sa sasabihin nya.

Nagtaka naman ako ng biglang magliwanang ang mukha ng malanding baklang ito. Parang may fireworks sa kanyang mga mata.

Don’t get me wrong ha, sadyang ganyan lang talaga kami sa isa’t-isa.

Isang malapad na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni Mikki ng muli syang humarap sa akin. Nakakahawa ata ang good vibes ko ngayong araw na ito.

“Sa company nina Jaypee ako mag-aapply for my OJT. Oh my gosh. Imagine that? Araw araw ko ng makakasama si Fafa Jay.”

“Parang wala namang nagbago. Araw araw mo din namang nakikita si Jaypee. Araw araw kang andito kaya.”

“Iba naman ‘yon. Syempre kung magkasama na kami sa trabaho araw araw ko na syang makikita, at hindi lang iyon, maghapon pa kaming magkasama. Ang saya di ba?”

Para akong munting bata na inuuto nitong pansit na ito. Pasalamat ka masaya ako.

“Alam na ba ni Karen?”

“Hindi pa. Saka ko na sasabihin sa kanya kapag natanggap na ako. Para lalo syang mainggit.”

Ayy oo nga pala. Magkaribal ang magpinsang ito kay Jaypee. Iyon nga lang, hindi makalandi ng harapan si Mikki dahil hindi ito magugustuhan ng mommy nya. Tanggap naman ni Tita Alice ang totoong status ni Mikki, iyon nga lang dapat pa rin syang kumilos ng naaayon sa mata ng lahat.

“Promise mo girl ha. Keep quiet ka muna kay Khaye. Gusto kong magulat sya kapag nalaman nyang natanggap ako sa company nina Jaypee.”

“Ang lagay ay ganon na lang ba iyon?”

“Don’t worry. Babayaran kita.”

Inilahad ko ang aking palad sa harap ni Mikki upang humingi ng advance sa sinasabi nyang bayad. Hinawakan nya ang palad ko saka itiniklop.

“Susunduin kita sa bar araw araw. Keri kong magpanggap na boylet mo.”

“Kahit hindi na lang. Lumayas ka na nga dito.”

Pabagsak akong nahiga sa kama, saka binato ng unan si Pansit. Patawa-tawa syang naglakad papunta sa pintuan.

“Nga pala Anton. Parang nakita kita kanina.” Bigla akong natigilan sa narinig ko.

“San naman?”

“Sa Ayala. Galing ka ba don kanina? I saw your bike.”

“Ahh Oo. Napadaan lang.”

“TALAGA? IKAW NGA ‘YON?”

Nagulat ako ng biglang bumalik si Mikki na nanlalaki ang mata at ang butas ng ilong. Muntik na akong mahulog sa kama sa sobrang gulat. Grabe namang makareak itong isang ‘to. Napadaan lang ng Ayala halos atakihin na ako sa puso sa sobrang gulat. Anong kagulat gulat don?

“IKAW NGA!”

“Ako nga. Bakit ba?” Nilakihan ko din sya ng mata. Bakit ba ako nagpapadala sa panggugulat ng pansit na ito.

“At sino namang lalaki iyong katawanan mo kanina aber? Akala ko naghahalucinate lang ako kanina. Ikaw pala talaga iyon.”

“Na—nakita mo?”

“Ayy naku Te kitang kita ng dalawa kong mga mata na may fake eye lashes pa kung pano ka makipagharutan don sa tindahan. Luka luka ka. Ikaw pala talaga iyon. Kung alam ko lang na ikaw ‘yon, nilapitan kita. Teka, sinong otuko ba iyong kasama mo? Don’t tell me may boyfriend ka na at nililihim mo sa amin?” Nakapamewang at nakataas ang kilay na kumpronta nya sa akin.

Said I Love You, But I LiedDär berättelser lever. Upptäck nu