Said I Love You, But I Lied - Chapter 6

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

“Feeling ko po kase Ate Love nagayuma ako.”

“Suus! Malaking kalokohan yan. Sige nga ikwento mo.”

“May dumating pong bakasyunista sa lugar namin, pamangkin ng aming kapitan del barrio. Hindi ko po sya kilala. Unang beses ko lang din syang nakita dito sa lugar namin. Ang ipinagtataka ko lang po, hindi sya mawala sa isip ko. Aminado ako gwapo sya, pero hindi sya ang tipo kong lalaki. Gusto ko sa lalaki ay moreno, pero si guy po ay tisoy.”

“Hindi ka pa choosy ng lagay na yan ha.”

Naintriga ako sa aking narinig, kaya naman napabilis ang aking hakbang.

Nakita ko si Manang na nakaupo sa isang bangkito habang nagkukusot ng mga puting damit. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng usapan. At nakita ko ang isang maliit na radio, nakapatong sa isa pang bangkito sa gilid ni Manang Lilia.

“Bakit po ganon Ate Love? Ni hindi ko pa nga po naririnig ang boses ng lalaking yon. Sa malayo ko lang din sya nakikita. Pero hindi maalis ang hitsura nya sa isip ko. Kahit po marami akong ginagawa, bigla na lang syang sasagi sa isipan ko.”

“Simple lang ang problema mo Mariz. May gusto ka kay Mister bakasyunista.”

“Pano po nangyaring may gusto ako sa kanya kung hindi ko naman sya gusto talaga? Saka may boyfriend na po ako Ate Love.”

“Awwwts! Doon ako nalungkot. May boyfriend ka na pala. Pero itong si puso mo, nagkakagusto pa sa iba.”

“Hindi po kaya crush ko lang sya?”

“Ilang taon ka na ba Mariz?”

“Tweenty five po.”

“Tweenty five ka na. Feeling mo crush mo lang sya? Ano ka bagets? Pero sige, sabihin na nating crush mo nga sya. Ano namang question mark don?”

“May boyfriend na po ako. Feeling ko nagiging unfaithful ako sa boyfriend ko kapag naiisip ko ang lalaking yon. Pinipigilan ko po ang sarili kong tingnan sya kapag nasa malapit lang sya. Dahil alam ko pong mali.”

“Napakaloyal mo namang girlfriend Mariz. Napakaswerte ng boyfriend mo. Sana lahat ng babae katulad mo. Charot. Sa iyo Mariz, at sa iba pang listeners na may problemang katulad ni Mariz ito lang ang maipapayo ko sa inyo. Huwag ninyong pigilan ang inyong nararamdaman. Hayaan nyo lang na lumabas yan. Tandaan ang utot na pinipigil, mas nakakahiya ang tunog.”

Nagkaroon ng music sa background.

“Mga kaberks meron pong mga bagay sa mundong ibabaw na hindi natin kontrolado. Tulad na lang po ng ating mga puso. Involuntary po ang pagtibok ng ating mga puso. Hindi po ito per gustuhan. Kaya po meron din tayong tinatawag na pusong sutil. Ito po iyong mga pusong tumitibok sa taong hindi naman natin gusto. At kahit anong pigil ang gawin mo, wala ka pa ring magagawa. Hindi po natin makokontrol ang gusto ng ating mga puso. Huwag po nating pigilan. Hayaan natin sya. Magkakasakit lang tayo sa puso kapag lalo nating pinigilan ang ating mga puso.”

“Sa kaso mo Mariz, isa nga itong problema dahil sabi mo may nobyo ka. Bakit hindi mo subukang i-open ito sa nobyo mo? Sabihin mo attracted ka sa iba. Anong magagawa mo, puso mo na ang may gusto. Sana lang huwag maging makitid ang isip ng nobyo mo. Malay natin, attracted ka lang talaga kay Mister bakasyunista, tapos pag gising mo bukas o sa susunod na bukas wala na iyang nararamdam mo. Who knows di

Said I Love You, But I Liedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें