chapter 59

863 7 0
                                    

chapter 59

(Rachelle's POV)

Kinabukasan, lumabas ako para naman makasanghap ng hangin... Avah, eh nakakasawa namang araw-araw eh pareho ang naaamoy mo, di ba?  So, habang nag-aafternoon nap si daddy, sinungkit ko ung susi nung kotse nya. hehe... Okay lang yan... Sandali lang naman ako eh... :D

Nagdrive ako papunta sa Sonic para lumamon.  Namimiss ko na ung milkshake ko eh... Samahan mo na rin ng konting fries -- okay fine! I-large mo na ung fries! Walang kokontra, depressed ako!

Pagkatapos kong umorder, naupo ako sa isang sulok para mag-emote at hintayin na ring tawagin nila ung number ko.

HHHaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyy buhay talaga.....

Deep in thought pa ko nang marinig ko ung number ko... Eh di syempre, automatic mode, lakad at pumunta sa counter para kunin ang aking milkshake at fries...

Kabayo!

Napabalik ung kamay ko nang may naramdaman akong isa pang kamay na nakahawak dun sa order ko..  Umikot ako para tignan nang masama ung nang-aagaw ng milkshake ko.  Gusto nya ba ng away? ha? ha?

Ako: Excuse me---

Oh my golay!!!! O.O

Ako: Wha--?! How--?!? Wha--?!? When--?!?

Totoo ba itich o namamalikmata ba ko?!  Gutom lang ba talaga ako?

"Well, what are you just standing there for?"

Napa-blink ako... Langya, spoken in dollar!

"Di mo man lang ba ko yayakapin?"

Napalapit ako sa kanya... Stunned pa rin... Hinawakan ko ung buhok nya... Pinindot-pindot ung pisngi nya...

Totoo sya... Si Joey talaga....O_O

Biglang batok sa ulo nya.

Ako: Loko ka! Anong ginagawa mo dito!??! Di mo man lang ako tinawagan!!! Ngayon mang-aagaw ka pa ng order!

Joey: Aray naman! Anoh ba?!

Kinuha ko ung tray ng milkshake at fries ko sabay lakad sa aking spot... Sunod naman si Joey..

My golay!!! Si Joey talaga!!!

Umupo sya sa harap ko na parang normal na normal na dapat nandun sya.

Joey:  Eh kase naman, apat na buwan na kitang hinahanap... Pano naman ako tatawag? Wala naman akong cellphone...

Ako: Uh, di mo pa ba naririnig ung payphone? O wala nun sa bundok mo?!

Joey: Eh kase... (napatingin sya sa tray ko) Uubusin mo bang lahat yan? Ang takaw mo ah!

Ako: Che! Nagpapaliwanag ka pa!

Joey: Oh yeah... (tingin uhlet sa'kin) Eh gusto kitang surpresahin eh...

Ako: Surpresahin mo yang mukha mo... Eh kung umabot ng isang taon yang paghahanap mo?!

Joey: Hala, di naman... Pag ganon naman eh tatawag na ko...

Natahimik kaming sandali... Apat na buwan nya na kong hinahanap... Napadpad sya dito sa New York para lang hanapin ko... Sa laki ng New York...  Okay, hindi naman masyadong malaki ang New York, pero marami pa ring tao.

Ang laking tanga talaga nito...

Joey: So, bati na tayo? Sige na, di mo man lang ba ko na-miss?

Uminom ako sa millkshake ko...  Nagdedebate kung bubugbugin ko ba sya dahil sa disappearing act nya, o yayakapin dahil sa pagsulpot nya.

Joey: Dali na, cornicks... Ibibili pa kita ng isa pang milkshake kung gusto mo... Peace na tayo?

Ako: Ibibili mo pa ko?

Joey: Yup.

Ako: Pano ung Enchanted Kingdom natin?

Joey:  Suz!  Eh di sa DisneyLand tayo ngayon. Common sense... walang EK dito noh.

Ako:  Ang hangin mo talaga... Sige na, shoo... bili mo pa ko ng isang milkshake, tapos tulungan mo ko sa fries... Ang dame eh!

Tumayo sya para sundin ang utos ko.  As soon as hindi na sya nakatingin, kinurot ko ung braso ko -- masakit!  Hindi ako nananaginip!

My golay talaga!!! Nandito talaga sya!!!^o^

Milkshake --completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon