chapter 50

855 10 0
                                    

chapter 50

(Joey's POV)

Ronald: Grabe, pare... Sa twing broken hearted ka, ipapasleep over mo kame tapos, ngayon, (tinaas ung baso nya) milkshake lang iinumin natin? Eh magiging babae tayo nyan!

Ako:  Eh ang aga-aga pa para uminom ng alak eh! At di ko naman sinabing dito kayo matulog noh... Inimbita nyo ung sarili nyo.

Pagkaalis ni Rachelle, tinawagan ko si Wally para sabihin kung anong nangyari -- at wala pang 30 minutes, ahyan na, sumulpot na sa condo ung tatlo.  Ngayon, agang-aga eh ehto kame, inuubos ung mga milkshake ingredients ni Rachelle.

Wally: Bakit ba kasi di mo na lang habulin?

Ako: Nababaliw ka ba? Eh sinabi na nga nyang hindi ako gusto nya...

Ronald: Suz!  Sabi nga ng nanay ko, actions speak louder than words.

Andrew: (iniinom ung panglima nyang milkshake) May pagka-tanga rin ung si Rachelle..

Binatukan ko sya...

Andrew: Aray naman! Anoh ba?!

Ronald: Wag mo raw tawaging stupid ung labz nya.

Andrew: (tingin sa'kin) Baket? Selos ka? Oh chigi, tanga ka rin para pareho kayo.

Binatukan ko uhlet sya... Lokong toh... Magsasalita na lang rin naman, hindi pa nag-isip ng matinong sasabihin.  Porket high na sa sugar eh...

Andrew:  Aray again! Anoh bah!? Eh may pagka-stupid naman talaga kayong dalawa noh... Tingnan mo ha... (binaba nya muna ung baso nya) Si Rachelle, stupid, kase kitang-kita na ng buong mundo na mahal nyo ang isa't-isa, sya di pa rin!  Suz, anoh ba naman un? Ikaw naman, alam mo nang mahal ka nung tao eh, nandito ka pa rin at kasama ang tatlong lalake.  Ayaw mo pang habulin ung dapat mong hinahabol. Anong tawag dun?

Ako: Uminom ka na nga lang dyan!

Pero sa totoo lang, na-homerun na ko... Yoko lang pahalata... Aba, mas matalino pa sa'kin ung high sa asukal?!?!

Wally: Lam mo, Joe, tama sya eh... (pinulot nya si Jojo sa sahig) Bahket nga ba di mo pa habulin? Baka naman kailangan ng konting katok para magising ung babaeng un...

Napatingin ako... Iba kase pag si Wally nagsalita eh, may sense... tsaka nakaka-kalahati pa lang na milkshake yan.  Parang hindi nakakaloko pag sya ang mas matalino kesa sa'kin.

Tumayo akong bigla at tumakbo sa kwarto ko...

Ronald: San ka pupunta?

Ako: Sinusunod ko mga payo nyo! Di pa ba obvious?!?!

Nagtayuan din silang lahat.  Kanya-kanyang kuha ng mga gamit... Si Ronald ung mga damit nya. Si Andrew, ung natitirang milkshake (naadik na rin yata).  at si Wally... si Jojo??

Ako: Huy, san mo dadalin yan?!

Wally: Ampunin ko muna habang wala ka. :D

Suz!

Tinaboy ko na silang lahat palabas, at ni-lock ung condo... Tapos tumakbo na ko papunta sa kotse ko...

Andrew: (sigaw sa'kin) Sabihin mo kay Rach, mag-inuman kami ng milkshake minsan! . . . Sh*t! Nanginginig na ko! Waaaalllllllyyyyy!!!!! Sugar high!!!

Loko talaga un...

Inatras ko ung kotse ko at nag-speed na papunta sa airport... Aabutan ko pa kaya?

Milkshake --completedWhere stories live. Discover now