chapter 30

973 9 0
                                    

chapter 30

(Rachelle's POV)

Tinitigan ko si Joey... Nakakadalawang baso pa lang sya ng beer -- Light pa! -- lasing na kagad? Lasing na sya noh?? Otherwise... bahket nya ko tatanungin nang ganon?

Joey: Oh ano?

Ako: (tungga ung milkshake ko) B-bahket mo naman tinatanong?

Joey: La lang. Curious lang. Kase wala namang sulat na dumadating para syo, except ung mga bills ng cellphone mo... at ng credit card mo -- na hanggang ngayon eh di ko pa rin maisip kung anong binili mo kung hinde pa ung buong mall!

Ako: Hey, a girl's got her needs noh.

Joey: Yah sure... Like, isang dosena ng sapatos, isang cabinet ng damit...

Ako: Shut up.

Sowee girls, wala na kong maisip na argument eh... :P

Joey: So, balik tayo kay Lex... Ano? Bf mo?

Ako: Yah... (tungga uhlet nung milkshake ko) Well, kinda...

Joey: Ahhhh...kinda... kayo na, pero di nya alam?

Ako: Sira! (binatukan ko sya -- la lang, trip ko lang. :P) Well, kasi we were dating for, like, a year... Tapos...ah ehwan!

Joey: Ano? Nagladlad ba bigla?

Oh my golay! Saang lupalop ba ng world nya napupulot ung mga idea na yan?! O_O

Ako: Sira ka talaga. Hinde noh... It's just that... Bigla syang nawala...

Joey: Poof?

Ako: Yah, poof! Nag-text lang sya sa'kin na he'll be back raw someday... un...

Joey: Okay... Nalilito na ko... O_O (uminom muna sya dun sa beer nya) So, kayo... tapos bigla syang umalis, tapos ikaw naman eh napadpad dito at ginulo ang buhay ko, at ngayon, hinihintay mo pa rin sya?

Ako: Yeah--- o_O Neknek mo, anong ginulo buhay mo? Sa ganda kong toh, pinagpala nga buhay mo eh!

Joey: Mas lasing ka pa pala sa'kin eh... (tiningnan nya ko) Mahal mo?

Nagulat ako dun sa tanong nya. Or maybe dun sa tone nung pagkatanong nya...?

Parang nananakot na nag-pplead na ehwan... Lasing na yata ako... sa milkshake?

Inubos ko na ung milkshake ko tapos tumayo. Hinaltak ko bigla si Joey -- muntik pa syang mahulog sa upuan nya. :P

Joey: Anoh ba!?

Ako: (natawa) Sowee... Halika, dali...

Nagpahaltak naman si Joey...

Joey: San tayo pupunta? Wag mong sabihing sasamahan kita sa CR?!?

Ako: Sira...

Hinaltak ko sya sa dancefloor, dun sa may gilid kasi nasa gitna si Rica eh...

Joey: Pagsasayawin mo ko?!?!

Ako: Obvious?

Nagsayaw na ko -- ganda nung song eh! -- nahihiya pang nakatayo dun si Joey.

May hiya rin pala toh...

Ako: Uy, galaw-galaw, baka ma-stroke...

Joey: (bulong) Di ako marunong magsayaw.

Natawa ako nung narinig ko un. Eh ang cute-cute nya kasi pag namumula eh!

Pero di na ako ganon ka-heartless. Kinuha ko ung kamay nya para gumalaw naman sya...

Ako: Okay lang yan... Sa tingin mo, lahat ng tao dito marunong?

Napangiti si Joey...and soon, nagsasayaw na kame... Wag kayong mag-alala, di naman sya mukhang robot kung magsayaw, konting practice lang eh mag-iimprove yan...

After mga 30 minutes, dun ko lang napansin na may nanonood pala sa'min dun sa may platform. Tiningnan ko si Joey kung napansin nya... Mukhang igno naman, kaya di ko na lang sinabi. Pagtingin ko uhlet sa platform, wala na ung tao dun... Wala na si Rica...

Joey: (bumulong sakin) Guess THAT means we're totally over.

Hopia...nakita nya pala...

Milkshake --completedWhere stories live. Discover now