Chapter 32 - Torn

Start from the beginning
                                    

"Wala naman akong magagawa kung kailangan niyong ikasal. It's not as if nasa teleserye tayo na kailangan nating magtanan because in the first place, there's no us." Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mata ko at alam kong any minute ay iiyak na naman ako.

"Do you want me to get married?" Unconciously, napalingon ako sa kaniya at kasabay no'n ang pagpatak ng luha ko.

"Sira ulo ka ba?! Iniisip mo talaga na gusto kitang maikasal sa kaniya?! Bwisit!" Hinampas-hampas ko siya sa braso niya habang patuloy ako sa pag-iyak.

"Nakakainis ka! Oo gusto kitang ikasal pero hindi kay Olivia!" Patuloy ako sa paghampas sa kaniya at hindi man lang siya umaaray. Hinahayaan niya lang ako sa ginagawa ko sa kaniya at hindi ko rin maintindihan kung bakit may sarili yatang pag-iisip ang dila at bibig ko na sabihin sa kaniya ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kaniya simula pa noong gabi na nalaman kong ikakasal na siya.

"Iiyak ba ako ng ganito kung gusto kitang maikasal?!" Itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at saka ako humagulgol sa iyak.

"Nakakainis ka talaga!" Naramdaman ko na may mga brasong pumaikot sa katawan ko.

"I am sorry. Sorry but--"

"Oo na! Alam ko naman na hindi ka pwedeng umurong sa kasal ninyo! Kaya sige na! Magpakasal na kayo!" Naiinis din ako sa sarili ko kasi feeling ko ay dumoble ang pagiging OA ko. Kung mag-inarte ako ay dinaig ko pa si Amor noong iniwan siya ni Eduardo sa Pangako Sayo.

"You are right. I need to get married." Parang lalong gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Yung pakiramdam na kahit alam ko nang kailangan niyang magpakasal ay hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan?

Now I know. Mahal ko na nga si Xav. At nakakalokang wala na naman kaming happy ending dahil sa kalokohang kasal na'to! Pinunasan ko ang luha ko at saka ako kumalas sa pagkakayakap niya.

"Babalik na ako sa hall." Kinuha ko ang heels ko at saka ako tumayo pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Xav, utang na loob lang. Bitiwan mo ako."

"No." Tumayo si Xav at saka niya ako muling niyakap. Langya naman e! Ang unfair naman ng isang 'to! Hindi ba siya aware na nasasaktan ako?! Ikakasal na siya di ba?! Bakit may ganito pa?! Why does it need to be hard?!

"Mahal mo ba ako, Chicher?" Sa tanong niyang yun ay parang tumigil ang mata ko sa pag-supply ng tubig. Pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko. Sasagot na sana ako sa kaniya pero sabay kaming napalingon sa lalaking sumigaw sa pangalan ko.

"Steph!" Nakita ko si Toffer na humahangos palapit sa amin. Ako ang tinawag niya pero kay Xav siya nakatingin.

"We need to go back now. Kanina pa kita hinahanap," he said before he held my left hand. Hinila ako ni Toffer pero hinawakan din ni Xav ang kanang kamay ko.

"Chicher, stay." Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Xav at Toffer na ang sama ng tingin sa isa't-isa.

"We need to go back now." Hinila ako ni Toffer pero hinila ulit ako pabalik ni Xav.

"She'll stay here with me."

"I said we need to go back now." Nahahalata ko na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa hanggang sa naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak nila sa kamay ko.

"Steph, kailangan mong gawan ng narrative report ang event ngayon di ba?" sabi ni Toffer pero hindi niya inaalis ang tingin niya kay Xav.

"Chicher, I can tell you what happened inside the hall," sabi naman ni Xav. Teka, sandali. Naloloka na ang bangs ko.

"Ano bang problema mo, Mister Young?" tanong ni Toffer kay Xav na ngayon ay mahahalata na ang pagkairita sa mukha.

"Ikaw ang problema ko, Mister Montenegro. Bigla ka na lang kasing sumusulpot sa eksenang hindi ka naman kailangan." Halos nanlaki ang mga mata ko noong biglang sinuntok ni Toffer si Xav.

"Tama na!" Humarang ako sa pagitan nilang dalawa pero feeling ko ay nanigas ako noong sumugod din si Xav at sinuntok si Toffer. Jusko! Ano ba naman ang nangyayaring 'to?!

"I said stop!" Hindi sila tumigil sa ginagawa nilang suntukan kaya naman ibinato ko sa kanila ang heels ko.

"Leche! Bahala kayo sa buhay ninyo! Magpatayan kayo kung gusto niyo!" Tumakbo ako pabalik sa hall. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na sila pinansin. Bwisit! Ano bang problema nilang dalawa?! Anong trip nila?! Ang sarap sanang maghagis ng nuclear bomb sa pagitan nila e. Nakakainis!

"Steph!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Maia kasama si Ichiro. Kasunod nila sina Light, Drexel at isa pang lalaki pero napako ang tingin ko sa isa pang babae na kasama nila.

Si Olivia.

"Hey, have you seen Xav? Umalis siya kanina and we have to talk to him," she said. Uminit agad ang ulo ko pagkasabi niya nun at gusto ko siyang upakan. Sa akin pa talaga nagtanong e 'no?

"Steph!" Jusko! Bakit ba ang benta ng pangalan ko ngayon?! Kanina pa may tawag nang tawag sa 'kin. Alam kong si Toffer ang tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon.

"Chicher!" Parang remote control naman ang boses ni Xav na automatic na nagpalingon sa akin sa pwesto niya.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Ichiro pero walang sumagot sa kanilang dalawa. Gusto ko nang umalis at pumasok sa loob ng hall kasi pakiramdam ko ay sasabog ako sa lakas ng tensyon sa pagitan ng mga tao dito. Ramdam ko na may hindi magandang nangyayari at ayaw kong madamay sa kung ano man ang problema ng mga taong negosyante na 'to.

"Nandito lang pala kayong lahat. Kanina pa kayo hinihintay sa loob ng hall." Napalingon kami sa nagsalita na yun at nakita namin ang isang lalaki na nakatayo sa entrance door ng hall.

"Wade," Napalingon ako kay Reina. Kahit halos bulong lang ang pagkakatawag niya sa pangalan ng lalaking yun pero dahil nga sa katotohanang namumuo ang tensyon sa pagitan naming lahat ay narinig ko yun.

"Olivia!" Sabay kaming lahat na napalingon kay Matt na ngayon ay tumatakbo palapit kay Olivia.

"I have watched the news," he said before they hug each other. Teka, news? Anong news?

I was consumed with so much thoughts when Wade suddenly cleared his throat and that's the cue for Matt and Olive to let go with each other. Napunta kay Toffer ang tingin niya na ngayon ay palapit sa akin habang hawak niya ang isa sa sapatos ko na ibinato ko sa kanila kanina. Ang isa naman ay hawak ni Xav. Lumapit din si Xav sa akin. Nasa kaliwa ko si Toffer at nasa kanan ko si Xav.

"Where is Michy? Kanina pa siya wala sa hall," Wade said but the next thing happened shocked the hell out of each and everyone of us.

Naramdaman ko ang sabay na paghawak nina Toffer at Xav sa kamay ko at sabay kaming lahat na yumuko at lumuhod noong nakita namin si Michy na tumatakbo at saka siya sumigaw ng...

"Yukoooo!"


To be continued...

RinkakuMayo MPBC2015

Road To A Happy EndingWhere stories live. Discover now