Chapter 32 - Torn

Comincia dall'inizio
                                    

"Come on, Steph. We can't ignore what's going on between us forever. We have to face and talk about it this time."

"Wag mo akong ini-english at baka duguin na ang ilong ko." Narinig ko siyang tumawa kaya naman iminulat ko na ang mata ko. Nagtama ang mga tingin namin pero hindi ko alam kung bakit kahit gusto kong iiwas ang tingin ko ay hindi ko magawa. Feeling ko ay na-magnet ng mga tingin niya ang mata ko na talagang nakipagtitigan sa kaniya.

"I love you," he said. Halos mag-planking ako sa sinabi niya lalo na noong naramdaman ko ang kakaibang saya sa puso ko. Bumilis agad ang tibok ng puso ko na akala mo ay nagwawala na at gustong lumabas sa dibdib ko.

"You just don't know how hard it is to calm myself whenever I am seeing that Toffer guy holding your hand, always there beside you, laughing with you. I hate to see the one I always want to be with being with someone else's company. Parang gusto kitang hilahin mula sa kaniya." Parang nalunok ko ang dila ko at halos hindi ko maikurap ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Xav. Ito na naman. Yan tayo, Xav e! Bakit mo nagagawang pahintuin sa pag-function ang utak ko sa simpleng banat mo lang?!

"But then, iniisip ko pa lang na wala namang tayo, na ako lang ang nagmamahal sa'yo, pakiramdam ko gusto kong sapakin ang sarili ko. Those times that we were together, I've failed to let you feel my love for you. Ni hindi ko man lang naibigay yung tiwala na kailangan mo at deserve mo mula sa'kin. I was afraid that time. I was afraid that once you know the real me, you'll change. Seeing how simple your life is, alam kong makakagulo lang ako sa'yo and look, it just happened. Tama ako 'di ba? Your simple world has been ruined by the fact that I am not the way you have thought about me."

Gusto ko siyang pigilan sa pagsasalita. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi naman gano'n ang iniisip ko. Na wala naman akong pakialam kung anong totoo niyang pagkatao. Oo, noon nararamdaman kong may itinitago siya and that he's afraid to open up most of the time. Na oo, kung tatanungin ako kung anong alam ko kay Xav ay tanging pagiging writer lang niya ang alam ko. Ni hindi ko alam kung saan siya nakatira. Maski pala apelyido niya ay di ko alam. Kung tutuusin, pagdating sa facts about him o kaya mga basic informations tungkol sa kaniya, baka hanggang dalawang line lang ng papel ang masulatan ko.

But the fact na konti lang ang alam ko na alam ng marami tungkol sa kaniya, pakiramdam ko ay nakilala ko siya sa paraan na ako lang ang binigyan niya ng pagkakataon. Sa paraan na ako lang at siya ang may alam. Na kapag ako ang nagdescribe sa kaniya ay baka sabihin ng iba na, talaga? Gano'n si Xav? Hindi ko alam yun ah!

I have met and known the real Xavier Young in different way compared how those people inside the hall have met him.

"Xav," Hinawakan ko ang mukha ni Xav. Nanatili kaming nakatitig sa mata ng isa't-isa and then without knowing, we both smiled.

"This is awkward. I mean, hindi ko inaasahan na ang yaman mo pala. Lagi ka kasing nakatambay sa Café Bonita kaya hindi ko naisip na isa ka pala sa mga business heirs pagdating sa business industry plus the fact that I am not really interested into business kaya siguro hindi ko rin nalaman agad," I said. Inilipat ko ang tingin ko sa dagat at saka ko niyakap ang binti ko. Ipinatong ko ang baba ko sa pagitan ng tuhod ko at saka ako pumikit.

"It doesn't matter if there are things that I don't know about you. What matters is that, there are things about you in which I am the only one who knows it. Mas masarap yun sa pakiramdam. Mas masaya na nakilala kita na hindi katulad kung paano ka nakilala ng iba. Masaya na ako sa mga nalaman ko tungkol sa'yo. And about you and Olivia being engaged, pakiramdam ko naging OA ako no'n." Hindi ko na alam kung ano na ba ang reaksyon ni Xav ngayon. Nakayuko lang ako at hindi ko na kaya ang makipagtitigan pa sa kaniya.

Road To A Happy EndingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora