62. Inevitable

50.3K 2.1K 205
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

AMBER

Inasahan ko na ang mga pangyayaring ito pero hindi ko alam na magiging ganito katindi. Hindi pa ako tuluyang nahimasmasan sa pagkawala ni Mistress Fhaun pero heto't susunod na si Lara. Nasa likuran ko ang humihikbing si Kaiser na hindi pa alam kung ano na ang nangyari sa kanyang ama. Lulan kami ni Silex na nag-anyong higanteng agila pero ramdam ko rin ang kalungkutan nito kahit na wala ito sa anyong tao.

Nabigo ako! Binigo ko ang aking angkan. Hindi ko na-protektahan ang tagapagsilang ng hwy, ang bestfriend kong si Lara.

Paikot-ikot kami sa lugar kung saan nagbabakbakan parin ang mga sugo ng dilim at ang mga tagapagtanggol ni Lara. Nakuyom ko ang aking palad; bahagyang napasabunot sa balahibo ng lumilipad na si Silex. Napansin kong naramdaman nito ang kagustuhan kong magbuwis buhay at sugurin ang lapastangang si Cael.

Nang lingunin ko si Laurent ay abala ito sa pakikipagpalitan ng atake sa dark warrior na gawa sa nag-aalab na magma habang sinusubukang lumapit sa kinalalagyan nina Lara at Cael. Samantalang mabilis na nakabawi ng lakas si Alvis na agad tinulungan si ruru sa kaharap nitong kalabang nababalot ng metal ang katawan.

Kaharap ni Master Uran ang dalawa pang malalakas na dark warriors. Marami nang buhay ang nabuwis dahil sa digmaang iyon. Mangilan-ngilan na lang ang mga magigiting na kawal ng hari na nakikipagbakbakan parin sa mga tenebris. Kung susumahin ay lamang ang kalaban sa bilang at malaki ang posibilidad na maubos kaming lahat.

Master Uran threw his crucifix for the second time. He extended his arms sideways as a strong blast of wind came around him. Seconds past, he was covered by a strong luminous box made from a frame of lights. Tila nabalot ito ng isang babasaging kahon na kumikinang sa kahit anong sulok. Nang tangkain siyang sugurin ng dalawang kalaban ay saka ito biglang yumuko habang nakahalukipkip ang dalawang braso nito sa kanyang dibdib.

Then, with enough distance, he stood up strong and extended his arms again. An outward force coming from his body burst causing the luminous box to break like a glass. Naging matutulis na salamin ang mga nabasag na glass-like box. The pointed ends of every piece targeted the two dark warriors. Nasilaw ang dalawang kalaban sa mga papasugod na kumikinang na bubog kaya natigilan ang mga ito.

As the two stood still, the broken pieces traveled in the air with a perfectly patterned direction -synchronized. Randomly, the glass pieces hit the two dark warriors. Sunod-sunod, mabilis, at walang tigil. Halos dalhin sa hukay ng mga bubog na yo'n ang dalawang kalaban dahil sa walang humpay na pagdurog sa kanilang katawan. Binalot ng usok at alikabok ang lugar kung saan pinagpiyestahan ng mga bubog ng salaming gawa sa liwanag ang katawan ng dalawang kalaban.

Walang sinayang na oras si Master Uran. Nang nasiguro nitong wala na ang dalawang kalaban ay agad itong kumaripas ng lipad patungo sa kinaroroonan ni Lara. Hindi ito natinag ng mga sumasalubong sa kanyang mga tenebris. Bawat madaanan nito ay ginagamitan niya ng magkakahalong magical technique.

"Silex..." I heard Kaiser na nanginginig pa ang boses. "Iligtas natin si Lara. It's a do or die!"

Bilang pagsang-ayon ay tinapik ko ang likuran ng higanteng agila. "Para kay Mistress Fhaun, sa mahal na hari at kay Lara!" Nasambit ko.

Wala pang tatlong segundo matapos kong sambitin ang mga katagang iyon ay mabilis na lumipad pababa patungo ng talampas si Silex. Pasugod na rin si Master Uran at ang iba pang mercenary keepers sa talampas. Napansin na rin ng mga ito ang pamumula ng blood moon at ang kalagayan ni Lara.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon