61. Concede

53.3K 1.9K 131
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

LARA

I met Cael's gaze -haunting, unnnerving and terrifying. Ito ang unang beses na nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Halos madurog ang puso ko nang maramdaman kong parang gusto akong patayin ng kapatid ko. Gusto na niyang putulin ang tanging taling nagbubuklod saamin.

Lumabas na ang pulang buwan.

Kailangan nang matapos ang itinakdang katapusan at kailangan nang simulan ang itinakdang umpisa -ang aking kamatayan at ang paghahari ng dilim.

Maisasakatuparan na niya ang itinakda ng itim na propesiya. Aaminin kong sinubukan kong baguhin ang guhit ng kapalaran pero pakiramdam ko'y nabigo ako. Kailan ba naging matagumpay ang pagpigil sa tandahan? Wala pa sa kasaysayan. Walang nagtagumpay na baguhin ang nakasulat sa bawat propesiya.

Napapikit ako. Tuluyan nang tumulo ang luha ng magkahalong kalungkutan at panghihinayang sa aking kanang pisngi. Naluha ako dahil bigla kong naramdaman sa isang sulok ng aking puso na handa na akong isakripisyo ang lahat para sa mas nakabubuti -para sa mas nakararami.

Susubukan ko.

"Mistress Fhaun! Aatake na ang itim na dragon! Get us out of here!" Amber cut the tension between me and my brother.

Bago pa makapagsalita uli si Amber ay mabilis nang gumalaw ang higanteng bula na kinalalagyan namin. Mabilis ang naging pagkilos ng itim na dragon, animo'y isang lungga ang dark circle kung saan namumula ang mahaba nitong katawan.

A monstrous creature with dark and translucent scale that made it seemingly camouflage into the darkness, its head horns point backwards, its wings has three sets of pointed bones, long fringe of spines emerged from the back of its neck and its powerful tail featured a swimming fin -a deadly dragon is chasing us. Sa mabilis nitong paglipad upang sakmalin ang bulang sinasakyan namin, napasigaw si Amber.

Laurent held my hand as Alvis stood before me to make sure I'm protected.

"Hindi pwedeng umiiwas na lang tayo dito. Mistress Fhaun, let us fight!" That was the loudest shout I have had heard from Laurent. Tila sa sigaw na yun na lang niya dinaan ang nag-uumapaw na galit.

"Mistress Fhaun, huwag mong gawin 'to. Hayaan mong harapin ko ang kapatid ko!" Sa wakas ay nagawa king sambitin. Sa napakahaba kong pagkapipi, tila sinakluban na ng tapang ang kanina'y nagbubunyi kong takot at pangamba.

"No Lara. Mas magiging madali para sa kanila na dakpin ka kung nasa labas ka ng bolang yan!" Sagot ni Mistress Fhaun gamit ang kanyang mental telepathy. Halatang nakikipagbakbakan ito sa mga kalaban habang sumasagot.

"Papaano si Cael?" I had regrets asking Fhaun while on a fight. Alam kong lalong mas mahirap sa kanyang sumagot sa gitna ng labanan.

"Master Uran will try to save him. Just stay safe Lara. Stay safe, don't die and save the future. "

Yun ang naging huling pagsagot ni Mistress Fhaun. Nang tanungin pa ito nina Amber at Laurent ah hindi na ito sumagot pa dahil sa tindi ng panganib habang hinaharap ang mga kalaban.

The giant bubble flew fast and loose. Halos maalog ang aming utak dahil sa paikot at pabalik-balik na paglipad nito paiwas sa gutom na gutom na dragon. The bubble didn't fail us. Hindi ito nahuli ng mabangis na halimaw.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon