AKIHIRO POV

Sobrang hirap kumilos lalo na alam namin na galit saamin si Yumi. Nagulat ako ng bigla nya akong iniwan kanina dun sa harap ng classroom nila ang sakit dahil dinadaanan nya lang ako. Nagsisisi ako na ginagawa namin yung plano na yun.

"Galit talaga si Yumi saatin hindi rin ako kinakausap." Sabi ni Akira. Napabuntong hininga nalang kami.

Hihintayin muna namin mawala ang galit nya saamin at dun kami magsosorry. Ang hirap naman ng ganito. Namimiss ko na si Yumi.

Buong maghapon lutang na lutang ang isip ko hindi na ako nakinig sa mga lesson. Palaging nasa isip ko si Yumi. Hindi ako makapg isip ng maayos kapag umiiwas sya.

Nasa waiting shed kami ng school hinihintay namin ang buong barkada. Magsosorry kami kay Yumi ngayon hindi na daw sila mapakali naguguilty na daw sila. Lalo na ako.

"Akala ko pa naman galit kana saamin." Napatingin kami sa mga nagtatawanan. Sila Yumi kasama sila Ayane bakakapit sya sa braso ni Yumi.

"Hindi naman ako galit. Masama lang ang loob ko sainyo!" Sabi ni Yumi at nagpout pa sya. Ang cute.

"Nakakatakot ka. Sobrang nakakaguilty." Sabi ni Maica kay Yumi. Nakasunod lang ang tingin namin sakanila habang naglakakad sila. Okay na pala sila nagtatawanan na ulit sila.

"Anong nakakatakot dun?" Tanong ni Yumi.

"Ngayon lang namin nakita na nagalit ka I mean sumama ang loob mo saamin." Sabi ni Faye.

"Sila Kuya Akihiro oh!" Sabi ni Angie. Napatingin sila Yumi saamin nung ituro kami ni Angie.

"Hello." Nahihiyang bati ni Yumi saamin. Nagulat pa sila Owen dahil binati kami ni Yumi pero parang sakanila lang siya nakatingin. Galit pa ba sya saakin?

"Hindi ka na galit?" Tanong ni Owen, Rio at Shin kay Yumi.

"Hindi naman sya galit!" Sabay sabay na sabi nila Ayane. Nagkatinginan kaming lahat. Biglang natawa sila Yumi saamin. Ang sarap nyang tignan kapag tumawa.

"Whaaa! Yumi! Sorry!" Sabi ni Shanen tumakbo sya palapit kay Yumi at yumakap. Ang drama talaga ng mga babae.

"Sorry din sa hindi ko pagpansin sayo." Sabi ni Yumi.

"Kainis ka. Ang bait mo!" Sabi ni Ria.

"Sorry na Yumi. Pati ako talaga hindi mo pinansin." Sabi ni Akira. Nilapitan nya ang kapatid nya.

"Sorry din Ate hindi kita pinapansin." Malungkot na sabi ni Yumi.

"Tama na nga yan! Ang drama na." Sabi ni Daniel kaya pinaghahampas siya nila Angie.

"Panira ka ng moment." Sabi ni Angie. Tumatawa si Yumi habang hinahampas ni Angie si Daniel.

Nakatingin lang ako kay Yumi. Sakanya lang. Tumingin ka naman sakin Yumi.

"Akihiro gabi na anong ginagawa mo rito?" Tanong ng Mama ni Yumi. Sya ang nagbukas ng gate nung nagdoorbell ako. Nandito ako sa harap ng bahay nila.

"Pwede po bang makausap si Yumi?" Nahihiyang sabi ko kay Tita Camille ang mama nila Yumi.

"Oo naman pasok ka." Sabi nya. Binuksan ni Tita camille ang gate ng bahay nila kaaagad naman akong umiling.

When I'm in High School (Completed)Where stories live. Discover now