Kabanata 54

2.2K 64 6
                                    


"Naiinip kana?" Tanong ko kay Akihiro. Kanina pa sya nandito sa bahay simula ng dumating si Akihiro dito saamin nakaupo lang kami sa sofa. Tanghaling tapat kaya medyo inaantok ako kaya tinanong ko si Akihiro kung naiinip na ba sya.

Nakalabas rin ako ng hospital kahapon dahil hindi naman malala ang nangyari saakin. May benda ang paa ko yung braso ko medyo okay na minsan kumikirot nalang. Kaming dalawa lang ni Akihiro ang nasa sala dahil si Mama nasa itaas natutulog kasama si Papa. Si Ate ko naman nasa bakery namin tumutulong.

"Hindi. Kasama naman kita. Bakit ako maiinip?" Sabi ni Akihiro habang nakatingin sa tv pero habang nanunuod sya pinaglalaruan nya ang kamay ko. Napangiti ako sa sinabi nya. Ang sweet sweet nya talaga nakakatuwa.

"Inaantok ako. Hindi naman kita pwedeng tulugan wala kang kausap." Sabi ko at sumandal sa sofa.

"Matulog kana. Kaysa naman pinipigilan mo yang antok. Mahiga ka dito." Sabi ni Akihiro. Kinuha nya ang throwpillow na nasa likuran nya at ipinatong sa hita nya. Tinignan ko sya. Tinuro nya ang throwpillow na nilagay nya sa hita nya.

"Ayoko." Sabi ko at umiling iling. Nahihiya ako. May hiya parin naman ako sakanya kahit na araw araw ko syang nakakasama. May awkward parin akong nararamdaman tuwing sobrang sweet nya.

"Yumi..." Sabi ni Akihiro saakin. Pinaningkitan nya ako ng mata. Huminga ako ng malalim at tumango.

Inayos ko ang throwpillow at nahiga na ako patagilid. Nakiliti ako ng biglang haplusin ni Akihiro ang buhok ko pero nung paulit ulit nyang ginawa yon nawala na ang pagkakiliti ko. Masarap sa pakiramdam. Hinayaan ko syang haplusin ang buhok ko. Pumikit na ako hanggang sa makatulog na talaga ako.

Nagising ako ng may marinig akong ingay. Dinilat ko ang mata ko at tumingala. Kinusot ko ang mata ko para makita kong mabuti si Akihiro. Nakasandal ang ulo nya sa sandalan ng sofa habang nakapikit ang mata. Nakatulog narin sya. Bumangon ako sa pagkakahiga at nag inat. Ang sarap ng tulog ko. Madilim na pala sa labas. Tinignan ko ang wall clock ala sais na pala. Pinagmasdan ko sya habang natutulog.

Ang puti nya, ang kinis ng mukha nya, ang haba ng pilik mata nya, ang pula ng labi nya at ang tangkad nya

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Ang puti nya, ang kinis ng mukha nya, ang haba ng pilik mata nya, ang pula ng labi nya at ang tangkad nya. Dinaig nya pa ang babae sa mukha nya. Maputi kasi si Tita Aiko kaya malamang kay Tita nya nakuha yon tapos ang mukha ni Akihiro kuhang kuha sa mukha ng Papa nya nakita ko lang sa picture frame na nakalagay sa sala nila Akihiro.

Tumayo ako para pumunta sa kusina inuuhaw ako. Medyo mabagal ang lakad ko dahil may benda ang paa ko. Pagpasok ko sa kusina nadatnan ko si Papa na nagluluto. Nilingon nya ako nung narinig nyang bumakas ang ref.

"Oh gising kana pala. Ang sarap ng tulog nyo ni Akihiro ah?" Sabi ni Papa saakin. Natawa ako sa sinabi ni Papa. Tinutukso nya ako. Ito yung ipinapagpasalamat ko. Ang cool ng Papa ko. Masungit at strikto sya sa ibang bagay pero ang cool cool nyang Papa. Okay lang sakanya na may boyfriend kami ni Ate dahil maayos ng pagpapalaki nila saamin ni Ate at alam nilang hindi kami lalagpas sa limitasyon namin at alam namin ang tama sa mali. Kumbaga malaki ang tiwala nila saamin ni Ate.

When I'm in High School (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα