59. The Rescue

55K 2.2K 240
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 59- The Rescue

LAURENT

Halos maubusan na kami ng lakas. Bibigay na ang katawan ko sa matinding pwersang humihigop saakin para manatili sa kinatatayuan ko. Nagsimula na ring manginig ang mga tuhod ko sa sobrang panghihina.

Nang lingunin ko ang iba kong kasama ay nakaluhod na at hindi na nakayanang ibigay ang enerhiyang hinihingi ng pentagram. Nanatili ako sa kinatatayuan at pinagmasdan sa huling pagkakataon ang mukha ng babaeng tanging dahilan ko para mabuhay. Sapo nito ang mukha at nanginginig sa takot. Nakatitig ito saakin sa huling pagkakataon. Ang mga mata nito, sinasabing huwag akong sumuko at lumaban ako. Pero hindi ko yo'n kinaya, bumagsak ang mga tuhod ko na halos ikadurog ng puso ko nang makita ko ang pagtulo ng mga luha sa maganda niyang pisngi.

Lara...

Nakailang ulit pa ako ng bigkas ng pangalan niya bago kami ginulat ng isang nakakabulag na liwanag mula sa kinatatayuan ni Lara. Sinakop kami ng isang makapangyarihang pwersang hindi ko maipaliwanag kung papaano nabuo. Lumutang ako ng ilang talampakan kahit hindi nakalabas ang aking mga pakpak. Pakiramdam ko'y napakagaan ng paligid at nabigyan ako ng ibayong lakas.

Unti-unting nawala ang nakakasilaw na liwanag. Nasa gitna parin sina Ruru at Lara na binabalutan ng mga mumunting kristal. Nakalapat ang palad ng babae sa lupa. Mula sa palad nito ay kumalat ang limang linya na gumapang sa bawat pagitan naming lima palagpas sa hugis talang nabuo. Gumapang ang magkakahalong liwanang at bumuo ng isang bilog na hugis na pumapaloob sa pentagram. Nagsimulang magsilitawan ang mga simbulo sa paligid. Mga orasyon at ang ang simbulo ng anim na properties: ang apoy, lupa, hangin, tubig, ang liwanag at dilim.

"Ahhh!" Napasigaw si Lara at biglang nagliwanag ang pentagram at ang mga simbulo na ngayo'y isa nang magic circle. Isang malakas na pwersa ng hangin palabas mula sa lupang hinahawakan ni Lara ang kumawala dahilan para liparin ang buhok at kasuotan nito pataas. Sa pagliwanag ng magic circle, mabilis kaming nabalot ng enerhiya mula dito.

Nilibot ko ang buong paligid at napansin kong wala na ang mga dark shadows na lumabas mula sa ilalim ng lupa. Nilipol ito ng kapangyarihan ni Lara. Pero hindi doon natapos ang sagupaan. Nananatiling nakatayo parin ang triad at buong-buo parin ang triangular box na binuo ng mga ito. Sa paglipas ng ilang segundo ay mas lalo pang pinalakas ng tatlong kalaban ang kanilang triangular portal. Bigla na namang lumindol ng malakas na halos yanigin ang buong Cairos. Nananatiling nakalapat ang mga palad ni Lara sa lupa at nananatili ang pagkinang ng magic circle kung saan kami nakapaloob. Nakalutang parin kami sa ere habang binabalot ng liwanag.

Sa pagtigil ng malakas na lindol, nabiyak ang lupa sa paligid namin. Sa iba't ibang dako ay tila may mga gustong kumawala at lumabas mula sa ilalim ng lupa. Nagulat kaming lahat sa sumunod na lumabas mula sa lupa.

Damn! M-mga b-belua? Mga highest form or d-demons na doble ang lakas kay M-Manya? Katapusan na namin!

Hindi ko lubos maisip na kayang tawagin ng tatlo ang mga ganoong klaseng halimaw. Hindi lang iisa kundi pitong malalakas na belua and lumabas. Dalawang humanlike demons, isang walang hugis na parang likidong lumulutang sa ere, tatlong may anyong hayop na tulad ng mabangis na leon at isang plantlike monster. Nangangahulugan lang na mataas ang antas ng kanilang kapangyarihan dahil kaya nilang tawagin mula sa dark world ang ganoong kalalakas na belua. Napalunok ako dahil sa magkahalong kaba at takot. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon