59. The Rescue

En başından başla
                                    

Napaatras at nasaktan si Ruru. Lara saw what happened and it enraged her. Mabilis itong nabalot ng enerhiya mula sa anim niyang keeps at agad na nakabuo ng isang higanteng energy ball. Mabilis niyang naibato ang higanteng energy ball na 'yon patungo sa kalabang umatake kay ruru. Tumama 'yon sa ulo ng kalaban. Napuruhan ito at halos masunog ang kalahating bahagi ng mukha nito.

Hindi parin natinag ang mga halimaw at mabilis silang nakalapit. Nang akmang sabay-sabay nang aatake ang limang belua ay mabilis kong tinawag sina Eppee at Parma. Umikot sila palibot saamin bago nakabuo ng isang giant metallic shield. The monsters were steamed up by the shield. Lalong lumakas ang pagbuga nila ng iba't ibang pwersa para mawasak ang harang. Damn. This won't last. Malakas ang mga beluang ito at hindi tatagal ang force field na ginawa nina Eppee at Parma.

Naramdaman kong malapit nang bumigay ang shield. Ilang saglit na lang at magigiba na ang ginawang harang ng dalawa kong summon.

"Malakas ang kalaban! Anong gagawin natin?" Nababahalang tanong ni Amber habang sinusuportahan ang shield gamit ang kanyang keep.

Walang sumagot. Marahil ay nag-iisip ang lahat kung anong susunod na gagawin. Halos mabiyak na ang shield kung saan kami nakapaloob. Wala akong ibang maisip kundi palabasin lahat ng halimaw sa aking braso pero alam kong hindi sila uubra sa kalaban at maari ko iyong ikamatay. Nagsimula akong padaluyin lahag ng natitirang enerhiya sa aking katawan patungo sa aking braso. Gagawin ko na.

Tatawagin ko na sana ang lahat ng halimaw sa aking braso pero naramdaman ko ang palad ni Lara. She clasped her hand and locked it with mine. Napansin kong nakahawak din ito sa kamay ni Alvis. I felt Silex's hand on my left as well. Paikot kaming magkahawak-kamay samantalang nasa gitna namin ang nanghihinang si ruru. Naramdaman ko ang init sa mga kamay ni Lara. Nagsimula na naman itong balutin ng liwanag.

Nang lingunin ko ito'y nakapikit na ito at nakatingala sa langit. Pumikit ako. Naramdaman ko ang nararamdaman niya; magkahalong tapang at pagmamahal. Halos mapasinghap ako nang maramdaman kong para akong binuhusan ng tubig mula sa mahiwagang bukal ng enerhiya. Kasunod no'n ay narinig ko sa aking utak ang mga boses nina Alvis, Silex, Amber at Kaiser. Kung paano pinahahalagahan ni Alvis si Lara at kaming mga kaibigan niya, kung gaano gustong makilala ni Kaiser ang nakatatanda niyang kapatid na si Lara at kung paano nito hinahangaan si Amber.

Naramdaman ko rin ang pagpapahalaga at pagmamahal ni Silex sa kaibigan lalo na kay Amber at ang pinakahuli na lalong nagpalakas sa akin ay ang maramdaman kung gaano kamahal ni Lara ang kapatid at mga kaibigan niya at kung gaano ako ka-espesyal sa puso niya. Minulat ko ang aking mga mata upang pagmasdan ang mukha niya sa huling pagkakataon kung ito man ang huli na naming paghinga -payapa ito, nakangiti at napakaganda sa loob ng bumabalot na liwanag sa kanya. Kung ito man ang huling pagkakataon natin sa buhay na 'to, pinapangako kong hahanapin kita at mamahalin sa susunod nating buhay. Pangako...

Biglang lumakas ang liwanag mula sa magic circle kasabay ng pagkawasak ng shield na ginawa nina Parma at Eppee. Nasilaw ang mga halimaw na nakapalibot saamin nang tamaan sila ng liwanag mula sa pentagram. The ray of lights sliced each monster that came across. A magical force came out from the magic circle and moved outward causing those monster to dissapear and become dusts. I felt my right arm sore but I ignored it and watched how the powerful force moved outward until it reached the triangular boundary. The magic circle's light force versus the triagular force. The clashing of both forces created a grinding sound.

Nang mapansin ni Lara ang gitgitan ng dalawang pwersa ay bumitaw ito sa pagkakahawak saakin at iniabot ang kamay ko kay Alvis saka tumakbo patungo sa gitna ng pentagtam. Sumigaw pa ito at bumwelo bago nito mabilis at malakas na inilapat ang kanang palad sa lupa. That movement created a strong blow of force that caused the magic circle to flash luminous lights. The symbols and the circular patterns moved like those of the planets. Then as the movement stopped, another outward force spread to crash the triangular line. Nadoble ang lakas ng palabas na bilog na pwersa kaya nahirapan ang tatlong dark warriors na labanan ito.

The dark warriors tried to fight the magic circle's force but failed causing them to vanish after the defeat. My right arm felt painful again. Naisip kong baka nasobrahan ako sa paggamit ng aking kapangyarihan na laging namang nangyayari.

Tapos na. Makakatakas na kami.

"We're free. Let's get Lara out of here!" Mabilis kong sabi while trying to fight the pain in my right arm.

"Alvis!" Lara tapped Alvis' back. Then lahat kami ay mabilis na napakapit sa lalaki.

"Hold tight!" malakas na sigaw ng lalaki.

"Wait! Antayin niyo naman ako!" Sigaw ni Jolly na patakbong patungo sa kinaroonan namin.

"Hay. Buhay ka pa pala!" Singhal ni Amber sa alaga.

"I told you!" Sabi nito bago tumalon kay Amber. Sinalo naman ng huli ang alaga saka kinalong na parang bata. "Sus, namis ako nito."

"Hayyy. Let's go!" Nagmamadaling sabi ni Silex.

"Okay." Ani Alvis na sinigurong nakakapit na lahat sa kanya.

Alvis was able to execute his lightning transmission tecnique successfully. Nakaalis kami sa lugar kung saan kami nanggaling pero parang hindi parin kami nakakalayo sa tore ng Typraz. Inulit pa nito ang transmission pero hindi parin nagyari ang kagustuhan namin makaalis sa lugar na 'yon. Susubok pa sana ito nang makarinig kami ng isang malalim na tawa sa di kalayuan.

Damn! This can't be! Halos magdugo ang gilagid ko nang magpigil ako sa nakita.

Nakatayo si Cael habang nakasuot ng itim na cloak. Sa likod nito ay ang anim pang natitirang itim na mandirigma at isang usok na hugis tao -ang Dark Master. Shit!

"Lara, isuko mo na ang iyong sarili kung ayaw mong isa-isahin ng mga tenebris ang mga kaibigan mo!" Halos hindi ko makilala si Cael sa boses nito. Nawala na rin ang 'ate' na pagtawag nito kay Lara.

"No." Hinarangan ko si Lara bilang pagtutol sa kagustuhan ng kapatid.

Humarang din si Alvis sa harap ni Lara at kasunod no'n ay nakabantay na sina Amber, Silex at Kaiser sa likod ni Lara. Ruru was behind us as well.

"Wala kayong makukuhang Lara ngayon gabi at sa susunod pang mga gabi! Walang mangyayaring propesiya!" I heard Amber.

"Mamatay ang sinumang hahadlang sa dark prophecy!" Sagot ni Cael. "At sisimulan ko na ngayon!"

Pagkatapos no'n ay biglang lumipad sa ere ang Dark Master. Cael extended his arms and held his head high as he surrenders his body to the Dark Master. As Cael opened his mouth the Dark Master entered him in a form of black smoke. Napasigaw si Lara habang pinapanood ang pagsanib ng hari ng dilim sa kanyang kapatid.

"Cael! No!" Mangiyak-ngiyak na sabi ng babae na nagtangka pang lapitan ang kapatid.

Cael revealed himself with dark eyes after. Nangitim din ang mukha nito pati ang kanyang mga palad. "You will all die!" Sigaw nito bago nagpakawala ng mga hibla ng dark lightning mula mga kuko para patamaan kami.

Unexpectedly.

"Retrorsum!" Isang malakas sigaw ng boses babae ang narinig namin.

Pagkarinig ko sa spell na 'yon ay nahila kami patalikod at nakaiwas sa atake ng dark master.

"King Theodore? Mistress Fhaun! Master Uran and friends?" Amber exclaimed in exaggeration.

The Keepers [TKS#1]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin