Marahil ay napansin ni Lara ang paglabas ng mga belua sa lupa. Lalo nitong diniinan ang paglapat ng mga palad sa lupa. Naramdaman ko ang pagdoble ng aking lakas at enerhiya. Lara, what are you doing? tanong ng utak ko. Hindi ko man narinig ang sagot ng babae ay alam kong ginagamitan niya kaming lima ng kanyang support and boost power. Ilang beses pang lumabas ang liwanag mula sa magic circle bago ko naramadaman ang pagsagi ng mga paa ko sa lupa.

Tumayo na rin si Lara mula sa pagkakaluhod pero nananatili parin ang luminous effect ng magic circle. Lumapit ako kay Lara gano'n din ang iba ko pang mga kasama.

"Trust the circle. Walang sinumang makakapasok sa magic circle na yan," Lara said. Then, she held my right hand.

Napalingon ako dito. Her eyes was full of strength and power.

Nasa kanang bahagi nito si Alvis. Kasunod si Kaiser, Amber at Silex.

Nagsimula nang magwala ang mga halimaw sa paligid namin. Lara was the first to lit her energy ball with both hands. Kasunod no'n ay isa-isa na kaming nagpalabas ng kapangyarihan sa aming mga palad.

I formed a dark flame na mula sa fire and dark keeps sa aking katawan. Alvis raised his arms and formed a lightning rocket while Kaiser released a dark energy whip around his right arm. Hawak ni Amber ang kanyang wand habang si Silex na binabalutan ng earth energy aura ay nagsisimula nang magpalit-anyo.

"Ready...." yun lang lang ang nasambit ko as I positioned myself to attack.

The next thing I remember was the simultaneous attack from all parts of the circle. I heard the monsters growling as they received our assaults.

"Impetum feralis fluctus!" Amber hooted her spell then giant waves of water came from nowhere. Sinakop ng tubig ang malaking triangular box maliban sa magic circle na kinatatayuan namin. Halos malunod ang mga halimaw sa aming paligid. Hindi pa nakontento si Amber at sinundan pa niya ang kanyang atake. "Mermaid warriors impetum!"

Nagsilabasan ang mga sirena't sirenong mandirigma mula sa tubig. Nagulat kaming lahat sa pinakitang bago ni Amber. Habang umaatake kami at binabato ng energy ball ang mga kalaban ay mabilis na nakapagpalit anyo si Silex bilang isang giant brown were-wolf na dalawampung pulgada ang laki. Umalulong ito ng malakas at kasunod no'n ay ang pagtubo ng mga matutulis na higanteng bato mula sa ilalim ng lupa paangat sa tubig. Natusok at masugatan ang ilan sa mga belua.

Halos limang minuto ang tinagal ng spell ni Amber bago humupa ang tubig. Napuruhan ang dalawa sa mga halimaw pero nananatili paring nakatayo. Itinaas ni Silex ang kanyang dalawang kamay at napansin ko ang pagkislap ng kanyang namumulang mata. Hindi naglaon ay naging itim ang mga mata nito.

Nagawang patigilin ni Kaiser ang dalawang halimaw sa harap nito. Nagmistulang mga estatwa ang mga halimaw dahil sa ginawa ni Kaiser. Nang masiguro nitong umepekto na ang kanyang mahika ay saka ito nagsalita. "Amber, your turn!"

"Duratus!" I heard from Amber. Naramdaman ko ang biglaang paglamig ng paligid bago lumabas mula sa wand nito ang nagyeyelong likido patungo sa dalawang hindi gumagalaw na halimaw. The monsters were literally frozen.

"Lightning rocket!" Mabilis namang nagpakawala ng dalawang malalaking lightning rockets si Alvis na tumama sa dibdib ng dalawang halimaw. Nadurog ang mga ito pagkatapos.

Lalong nagngitngit sa galit at nagwala ang mga mababangis na halimaw. Halos sabay-sabay silang tumakbo patungo sa magic circle. Halos mayanig ang buong paligid.

Sinalubong ni Ruru ang halimaw na may anyong itim na leon ng kanyang apoy mula sa kanyang bibig at maliksi itong umikot para hampasin siya ng nag-aapoy din niyang buntot pero hindi naging sapat 'yon para pabagsakin ang kalaban. Nahampas siya ng kalaban gamit ang buntot din nito.

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now