Chapter Twenty-Eight

ابدأ من البداية
                                    

"Mrs. Kwon! Ano yang ginagawa mo? Baliktad ang lagay mo ng diaper sa baby doll!" Saway ni teacher Kim.

Nagulat kami ni Ji dahil kami lang ang nagkamali.

All eyes are on us.

"Ah.. Eh.. Kase po teacher...." Waaa kailangan kong mag isip ng dahilan! Kundi , mapapahiya kami.

"Eh kase teacher Kim , papatrend ng baby namin ang ganyang style. Ha! Kung di nyo alam , fashionista tong baby namin! Hindi kami sumasabay sa uso , dahil kami ang nagpapauso!" Paliwanag ni Ji.

Nanlaki naman ang mata nung iba.

"Tama! Kami ang trends!" Dugtong ko.

"O-Okay. Whatever. Lets proceed" sabi ni Teacher Kim. Haha. Natameme ata.

Tiningnan ko si Ji at parang budoy na tuwang tuwa dahil sinagot niya si teacher Kim.

Hinugot nya pa ang phone nya at pinicturan yung baby doll na bakiktad ang pagkakalagay ng diaper.

Aish. Pati ba yun , isasama nya sa journal kuno nya? Haha.

---------------------

"Ipasok mo na!" Medyo iritang bulong ko kay Ji. Ambagal nya kase! "Bilisan mo!" Dugtong ko pa.

"Sorry Darabbit.. Kailangan kase matigas muna e. Patuwidin mo muna kaya?" Suggest nya.

Aish. Kainis! "Akina! Didilaan ko! Inis!"

"Y-Yan! Tama.. Sige , bilisan mo Darabbit"

"Oh! Okay na.. Ipasok muna , baka makita nila tayo!" Sabi ko. Nagpapanic nako e.

"Hindi nila tayo makikita Darabbit , nasa likod naman tayo e" sabi ni Ji.

"Mr. And Mrs. Kwon!! What are you doing?!" Sigaw ni teacher Kim

Kapwa nanlaki ang mata namin ni Ji at natameme.

Lumapit samin si teacher Kim at tiningnan kung anong ginagawa namin.

"Ahh.. Eh.. Kase teacher.." Diko na naman alam ang sasabihin ko..

"Wala parin kayong nasisimulan?!" Tanong ni teacher.

"Sorry teacher , ang hirap po kasing ipasok ng sinulid sa karayom." Paumanhin ni Ji.

Napahawak si teacher Kim sa sentido nya at "Woo. Breathe in , breathe out.." Sabi nito at nag inhale-exhale sya. Nastress ata. "Okay , make sure lang na matatapos yan.." Sabi nya at umalis na para asikasuhin pa yung iba.

Gumagawa kase kami ng damit ni baby. Tinuruan kami ni Teacher Kim kaso medyo nahirapan kami sa paglalagay ng sinulid sa karayom.

After 3 hrs.

"Woooooo! Yey! Gawa na to honey!"

"Sweetie! Nakagawa tyo ng damit!"

"Ang cute nito babe!"

Narinig ko na yung masayang usapan ng mga mag aasawa. Natapos na kase nila yung kanya kanyang damit ng mga baby nila.

Habang kami ni Ji... Tulala lang dun sa ginawa naming damit.

"O-Okay lang yan , Darabbit.. Maganda naman ah?" Sabi ni Ji. He's trying to be positive

Waaaaaa!

Bat kase ganito ang kinalabasan ng damit ng baby namin?! Parang damit na kiaybot ng manok! Tagpi-tagpi pa. Waaaa.

"Waaaa. Sorry baby apple!" Tanging nasabi ko at napaub-ob nalang ako sa mesa.

"Its okay Daraabit.. Its not that ugly , but... it is not beautiful either"

Waaaaaaa. Kaines! "Balak ko pa namang ipasuot to kay baby sa binyag nya" sabi ko.

"Then ipasuot natin. Why not? Its the effort that counts... Kung makuta man ni baby paglaki nya na tagpi tagpi ang damit nya nang binyagan sya , then sasabihin natin... Tayo ang gumawa ng damit nya... Maapreciate nya yun. Trust me."

Waaaa.

Bakit ba ang galing ni Ji magpahubag ng loob? "Really?"

"Reaaaaallllyyyy!"

Nagsimula na ulit lumiwanag ang mukha ko kasabay ng pag ngiti ko sa asawa ko.

"You're more beautiful when you are smiling. Please don't let that fade , Darabbit." Sabi niya sabay click!

Arggh! Pinicturan nya na naman ako?! Baklang nilalang talaga si Ji. Haha.

Hindi nako makapag intay kung anong magiging itsura ng journal nya.

--------------

A/n
Sorry for super late update. Busy ako sa school T___T

2 chapters to go~

-F



Real Love [Book2]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن